Hindi biro ang pinagsamahan namin ng aking internet connection.
Since 2008 kasama ko na ito araw-araw gabi-gabi.
Ilang beses kong pinag-isipan bago ako nag-decide na i-cancel ito.
Nagtiis din naman ako sa mabagal na connection nito.
Wireless pero gumagamit ako ng wire para maka-connect (since Dec 2011).
And today kahit mahirap isinakatuparan ko na ang aking napag-desisyunan.
After office diretso ako sa satellite office ng Etisalat sa Deira City Cente.
Pumila ako ng humigit-kumulang isang oras doon para matapos na ito.
Nakaramdam ako ng lungkot ng iabot sa akin ang final bill at
sinabihan ako na cancelled na ito. :-(
Alam ko mawawala din ang lungkot na ito soon.
Meron pa din naman akong internet connection.
Naki-connect na lang ako kay 'manong'.
Mas mabilis, wireless at mas mura (dahil sharing). :-)
ang aking final bill sa aking internet connection.
(paalala: a big NO NO ang hindi magbayad ng mga bayarin dito sa Dubai
dahil pwedeng-pwede kang ipa-hold sa airport pag meron kang mga unsettled bills)
No comments:
Post a Comment