Sunday, February 27, 2011
Pwede Ba Akong Magdrama?
Sinusubukan kong maging matatag at malakas sa pagharap sa problemang ito. Sa katunayan, satisfied at masaya naman ako kung paano ko ito i-handle. never ko itong tinakasan, hinaharap ko ito. nakikipagbuno ako dito.
kaya eto ako ngayon. pagod na pagod. give up na ako. ayoko na. di ko na ito kaya. ginawa ko na ang lahat ng aking makakaya, hanggang dito na lng ako. eh ano ngayon....kung di matatapos ang ipinapagawa naming bahay? kung magugutom ang mga umaasa sa akin? kung di matupad ang mga magagandang plano ko para sa aming pamilya? I DON'T CARE.
babalik na ako sa pinas. tatalikuran ko na ang lahat ng mga pangarap ko dito. di ko na kayang ipaglaban pa ang mga ito. suko na ako.
ito na ang katapusan ko.
p.s.
drama ko lng ang nasa itaas. malayong-malayo
sa totoong buhay because the truth is I CARE
& I DON'T GIVE UP EASILY lalu pa pagdating sa pamilya :-)
Thursday, February 17, 2011
Libre ang Mangarap
nabasa daw niya ang text ko. nagmamadali daw siyang nagpunta sa bahay ng kuya ko kaya hindi na siya naka-reply. dun kasi nagcha-chat ang nanay ko dahil nasira na ang laptop namin sa bahay. nag-alala daw siya kasi Thursday pa lang ngaun, baka daw kasi hindi na ako pinapasok sa ofis. sabi ko sa nanay ko, holiday today at wag siyang mag-alala sa akin kasi naka-ready naman ako kung mangyari man yun-physically, emotionally, financially and spiritually. :-)
kinuwento ni madir ang ipinapagawang bahay namin. kumpleto na daw ang materyales para sa kuryente, plumbing at sa cr. binili daw nila ito sa kalapit na siyudad. nakapag-apply na din daw siya sa 'nawasa' para sa tubig. currently kasi 'jetmatic' at poso ang aming gamit, mas makakatipid daw pag nag-nawasa kami. di daw siya makapaniwala na ginagawa na ang bahay namin ngayon tapos naipasyal ko pa siya sa hongkong at macau last vacation ko. pangarap lang daw niya ang mga ito dati.
naalala daw niya ang tatay ko. "libre ang mangarap", bukambibig daw niya ito. nag-anecdote pa si nanay ko sa akin. nagtitinda ng gulay sa palengke ang nanay ko noon. sabi daw niya kay tatay, ano kaya kung bumili sila ng traysikel. uutang daw siya ng PHP15,ooo sa mga pautangan. 150 per day lng daw ang bayad. ang sagot daw ni tatay, "bakit traysikel kung pwede naman ang jeep"...nagalit daw si nanay ko, di ba daw siya narinig at mangugutang nga lang...tawa daw si tatay "libre naman ang mangarap. walang masama dito.".
after ilang taon...guess what kung anong nabili ng aking nanay at tatay? isang sarao jeep! :-) ..naging buyer sila ng mga gulay ng mga magsasaka sa amin tapos binabagsak nila ito sa divisoria.
kung buhay lang si tatay ngayon, i'm sure magiging proud siya sa akin. di kasi ako nauubusan ng mga pangarap. at kagaya niya ginagawa ko din ang lahat para maabot ang mga ito. :-)
Wednesday, February 16, 2011
My Job History in Dubai
1) i can stay here in dubai and look for another job.
2) open ako sa possibility na mag-exit sa kish island, iran sakaling di agad ako makakuha ng work. (after 1 month kasi ng visa cancellation kelangan ng mag-exit at mag-apply ng visit visa kung wala ka pang employer)
3) i -give up na ang dubai at umuwi na sa pinas. afterall, mahigit 5 years na naman ako dito. plano ko lng dati 2 yrs nga lang.
4) bsta bago ako uuwi, papasyalan ko muna lahat ng hindi ko pa napupuntahan dito i.e. At The Top Burj Khalifa, Dubai Marina, The Ferrari Theme Park sa Yas Island Abu Dhabi. :-)
Btw bago pa ako ma-excite sa pag-uwi ng pinas, ikukwento ko muna dito ang job history ko sa Dubai.
Nov 17, 2005 - dumating ako sa dubai on visit visa
Dec 01, 2005 - natanggap ako sa isang trading company, mag-asawang German ang mga boss. mabait naman sila pero ewan ko lagi akong umiiyak noon (di sanay sa buhay malayo sa pamilya)..hahaha....paboritong lugar ko pa sa bus! walang araw na hindi ako umiyak. sobrang drama ko noon. sayang, wala pa akong blog noon. hehe...para may ebidensiya ako. haha.
Dec 23, 2005- nag-decide akong umalis sa aking work. di ko alam kung anong gusto ko. (p.s. mabait ang napasukan ko kasi pinasweldo ako)
Dec 24/25, 2005 - binaha ang dubai dahil sa mga luha ko. hahaha....pinapauwi na ako ng nanay ko. di ko daw kaya. di daw cguro para sa akin ang dubai. natauhan ako, ako naman kasi talaga ang may gustong mag-abroad ako. todo-suporta ang pamilya ko sa akin. ayokong biguin sila.
1st official company
Jan 01, 2006 -Apr 14, 2007
uso noon sa mga visit visa ang magpa-advertise sa Gulfnews, isang malaking pahayagan dito. effective naman ito dahil agad akong nakahanap ng work. isang ice cream company ang tumanggap sa akin.
2nd official company
Apr 15, 2007 - May 31, 2008
ibinenta ang ice cream company. in-absorbed ng bagong may-ari lahat ng employees. merong dalawang bagong hire na naging trainee ko. naikwento nila minsan na meron daw silang kaibigan na nagta-trabaho sa kumpanyang ito, CPA daw ang hanap. ibinigay ko ang cv ko sa kanila at ibinigay naman nila ito sa kaibigan nila. napakabilis ng pangyayari dahil the next day tinawagan ako ng kumpanyang ito, pinag-exam, ininterview at nag-offer na ng employment! eto ang mga panahon na kinukonsider ko ng umuwi ng pinas for good. naging matalik kong kaibigan ang tinutukoy na kaibigan ng mga trainee ko (si DG). kinwento ko nga sa kanya ang nangyari sa akin ngayon at ni-send ko ang cv ko sa kanya. malay mo, maulit ulit. history repeats itself di ba. hehe.
3rd official company
June 01, 2008 - Present
eto medyo nakakatawa kung bakit ako napunta dito. narinig lng ng aking ka-roommate noon (si ate g) ito sa bus. nag-uusap daw ang dalawang pinay at nabanggit na ok ang sweldo kaya ayun umandar ang pagiging 'tsismosa' niya pinakinggan daw niya ang pangalan ng company at yun pagdating sa bahay ni-search namin sa google ang website. doon ako nag-apply. right timing din ang pagkakatanggap ko dito noon dahil gusto ko na ding umalis sa 2nd company ko.
4th official company????
ito ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon. nag-register na ako sa halos lahat ng job websites dito sa uae pero wala pa ring malinaw sa aking mga inaaplayan---charterhouse, monstergulf, focusdirect, gulftalent, bayt etc.... 2 agencies na ang nag-interview sa akin pero wala pa sa mga client nila.
this weekend, level up ako. seseryosohin ko na ang paghahanap ng work. uumpisahan ko sa pagbili ng dyaryo. :-)
Ganito ako kadesidido na mag-stay pa sa Dubai. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Lalu pa ngayon na, alam ko ang gusto kong gawin. At ito ay ang magtrabaho pa dito. :-)
Sunday, February 13, 2011
I Wonder Where's My Soul Sister? :-)
Happy Valentine's Day sa lahat!
Sana'y mapuno ng pag-ibig ang buong mundo.
Love. Love. Love. :-)
An Open Letter to My Mother
Dearest 'Ma,
Alam mo naman na mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Nagtitiis ako dito sa ibayong-dagat at pinipilit ko pa ring maging masaya kahit magkalayo tayo para mabigyan ka ng maginhawang buhay. Gusto kong tuparin lahat ang mga pangarap mo at kasama na dito ang magka-pamilya ako ng sarili. Pangarap ko din ang mga pangarap mo.
Pero 'ma, tatapatin ko na kayo. Mukhang malabo ko itong matupad. Mabibigo ko kayo. :-( Wag naman kayong maging malungkot dahil masaya naman ako. Yun naman ang importante di ba? Pramis, hindi ako magiging malungkot pagtanda ko at hindi ko hahayaang maging kawawa ako. :-)
Sana maintindihan ninyo ako. Kung pwedi ding pakisabihan ang mga tito at tita ko tungkol dito. Kasi napi-pressure talaga ako nito. :-) Alam niyo bang kung minsan naiisip ko sige maski sino na lang? para lang meron. hehe...di ko ito makwento sa inyo dahil aakalain ninyo na mapili ako. Sasabihan ninyo ako na walang perpektong tao dito sa mundo. Siyanga pala, nakausap ko si tito. Nakarating na pala sa kanya ang balita tungkol sa work ko, umuwi na lng daw ako sa pinas at mag-asawa! nakakatawa 'ma, mas headline at inaabangan pa lovelife ko kaysa sa balitang wala na akong work!
'Ma, di ako mapili. Wala naman akong pagpipilian eh. Hindi pa lang siguro dumadating ang para sa akin. O kaya dumating na pala, pinakawalan ko pa. Naks! 'ma, galing sa pelikula ni john loyd yan. hehe.
'ma, naalala mo ba noong unang nagka-boyfriend ako? 2nd yr college ako nun. hinding-hindi ko makakalimutan ang inyong reaksyon. parang 'nawalan kayo ng pag-asa' sa akin. kaya sabi ko, never ko ng gagawin ito sa inyo. hehehe..joke lng....(tactic ko lng ito baka kasi nakalimutan nyo na..hehe)
Ang haba na nitong letter ko. sympre hindi ko naman ito masasabi sa inyo. ayoko namang sirain ang kaligayahan ninyo.. meron pa namang pag-asa. di nga ba, habang may buhay may pag-asa. :-)...'ma, nagda-drama lng ako dito sa blog ko. miss ko na kayo! happy valentine's day! i love you!
Nagmamahal,
-tin
Super favourite ko itong kantang ito ngayon. Enjoy listening! My special thanks to elyrics and mp3-codes. :-)
Hey Soul Sister by Train
Hey, hey, hey
Your lipstick stains on the front lobe of my left side brains
I knew I wouldn't forget you, and so I went and let you blow my mind
Your sweet moon beam, the smell of you in every single dream I dream
I knew when we collided, you're the one I have decided who's one of my
kind
Hey soul sister, ain't that Mr. Mister on the radio, stereo, the way you
move ain't fair, you know!
Hey soul sister, I don't want to miss a single thing you do...tonight
Hey, hey, hey
Just in time, I'm so glad you have a one-track mind like me
You gave my life direction, a game show love connection we can't deny
I'm so obsessed, my heart is bound to beat right out my untrimmed chest
I believe in you, like a virgin, you're Madonna, and I'm always gonna
wanna blow your mind
Hey soul sister, ain't that Mr. Mister on the radio, stereo, the way you
move ain't fair, you know!
Hey soul sister, I don't want to miss a single thing you do...tonight
The way you can cut a rug, watching you's the only drug I need
You're so gangsta, I'm so thug, you're the only one I'm dreaming of
You see, I can be myself now finally, in fact there's nothing I can't be
I want the world to see you'd be with me
Hey soul sister, ain't that Mr. Mister on the radio, stereo, the way you
move ain't fair, you know!
Hey soul sister, I don't want to miss a single thing you do tonight,
Hey soul sister, I don't want to miss a single thing you do...tonight
Hey, hey,hey
Tonight
Hey, hey,hey
Tonight
Free MP3 Downloads at MP3-Codes.com
Friday, February 11, 2011
Para Kay LordCM....
Ipapadala ko dapat thru yahoo mail ang sulat-kamay ko sa baba. Yun nga lang may problema ang yahoo yata. Kanina pa ako nagta-try iattached ito pero ayaw talaga.
Then biglang nakaisip ako ng magandang ideya, dito na lang sa blog ko ito i-post! Yippeee sucess dahil in no time na-upload ko ang pic!
LordCM para sa iyo ito, sana mabasa mo. :-)
My Personal 'Saga' Continues...
Friday 2:45pm
Dubai, UAE
"This is killing me. Di ko na ito kaya. Ayoko na ng ganito."
"Buti sana kung ako lang ang apektado, ok lang ito. Ang kaso may mga taong umaasa sa akin."
"Paano na ang mga pangarap ko? huhuhu..."
-mga sample na kadramahan ko :-)
Oppppss, don't get me wrong. Wala pa ako sa ganitong stage. hehe. Nakakatawa pa nga ako at nakikisalamuha. Malapit na din akong bumilib sa sarili ko nito. hehe... For being so exceptionally strong sa pagharap ng problema. (thank you Lord, alam kong hindi mo ako pababayaan. love mo ako eh. love u too!)
Job Hunting Update
Although wala pa ding malinaw sa aking paghahanap ng work, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. I can feel it- something good will happen to me. Ganito ako ka-positive ngayon. :-)
continous pa rin ang on-line application ko. kasama na ito sa routine ko pag gabi. so far, 2 agencies na ang pumansin sa aking cv. wala pang feedback kung merong vacancy or ok ako sa client nila. but i'm okay with this. namimili din naman kasi ako ngayon ng malilipatan. di pa ako masyadong desperado dahil pumapasok pa ako sa current company ko.
On Losing Job
Nalungkot ako sympre. Nag-worry. Sino ba naman ang hindi? Kaya nga ako nandito sa Dubai para magtrabaho at kahit papaano makatulong sa pamilya namin.
Determinado ako na wag munang umuwi for good sa Pinas. i'm all set & ready na mag-exit sa isla ng kish, iran kung sakali mang ma-cancel ang visa ko. matatakutin ako pero wala akong takot na nararamdaman ngayon. :-)
On Being Strong
"'ma, ewan ko ayoko talaga ng problema. ayoko ng kumplikasyon sa buhay. simpleng buhay lng ang gusto ko", nabanggit ko many years ago sa aking nanay.
"ganun ba, eh kasama na ng buhay ng tao ang problema. pinapalakas tayo nito." sabi naman ni nanay.
My mom would be proud of me pag nalaman niyang nag-iba na ang aking outlook pagdating sa pagharap sa problema. Matapang na ako ngayon. Walang kinatatakutan. hehe. Natatawa ako. Na-imagine ko ang sarili ko na parang isang gladiator. hahaha...
Friday, February 4, 2011
Abangan Ang Susunod na Kabanata....
JOB HUNTING
ito ang aking pinagkakaabalahanan sa mga panahon ngayon. Nag-umpisa na akong mag-apply apply online. Kahit medyo matagal mag-register sa mga online agency, nagtitiyaga ako. kailangan eh. hehe.
ang dami ko na ding napagpasahan ng cv, pati nga abu dhabi companies ay hindi ko pinalampas. araw-araw i'm checking websites, napansin ko na hindi nagbabago or madalang na madalang ang pag-post ng mga job vacancies. napatunayan kong mahirap pa rin ang maghanap ng work ngayon sa dubai.
lumipas ang ilang araw, wala man lang tumawag o pumansin sa aking application. waaahhhhh!!!!! samantalang kung qualification lng ang pag-uusapan..ehem, di naman ako pahuhuli...hehe....(w/ 5-year experience in dubai ito..hehe..nagyayabang lng)
hindi ko pa masyadong maramdaman ang mga pangyayari dahil pumapasok pa ako sa ofis. pero anytime ay pwedi akong sabihan na 'this is your last day' ng aking amo. just this week nga, dalawa sa aking kaopisina ang nagpaalam- 1 italian & 1 pinay. medyo masama ang loob nung italian sa aming boss dahil tinanong na daw niya dati ito tungkol dito pero wala naman siyang sinabi. kakarenew lang daw niya ng flat nila. sana daw napaghandaan niya ito at lumipat na lang sila sa mas maliit na place. while si MS (yung isang pinay) ay malugod itong tinanggap dahil uwing-uwi na siya sa Pinas. ok lng daw ito sa kanya. tapos na daw ang misyon niya sa dubai. in fact kagabi nagpa-farewell party siya sa mga kaopisinang pinoy---nagpunta kami sa chikka grill (isang filipino bar na malapit sa aking tirahan). :-)
sabi ko dati , magwawala at isusumpa ko ang aking amo pag tinanggal niya ako! joke lang ito. di ko ito magagawa. naiintidihan ko ang sitwasyon ng aking amo. out of control niya ito. di naman siya ang may-ari ng kumpanya. isa din siyang kagaya namin na empleyado.
wala akong na-received na feedback tungkol sa internal transfer ko. ayoko din namang magtanong. tsaka hesitant talaga ako na lumipat sa dept ni briton na mainit ang dugo sa lahat ng mga pinoy lalu pa ngayong meron na naman siyang ginawa na kahindik-hindik--ni-demote niya ang 11 accountants sa dept niya! kakatakot!
kaka-depressed pag ganito ang nababalitaan mo, kaya naman laking tuwa ko ng may tumawag sa akin na agency noong Tuesday! yippeee! may interview daw ako. Aba sympre pinuntahan ko ito. At last may nakapansin sa akin. hehe.
Btw, wag munang magsaya dahil agency pa lang ito. tatawag na lang daw sila if in case ok sa client nila ang aking qualifications. pero whether positive or negative, ang importante binigyan ako nito ng napakalaking pag-asa. :-)
Patalastas:
ka-chat ko kanina ang aking nanay. sabi ko mid-feb ko na lng ipapadala yung addt'l budget para pinapagawa naming bahay. wag na muna daw at baka wala na akong pambayad ng bahay at di na ako kumain. paano daw ako? sabi ko sa kanya, wag siyang mag-alala sa akin dahil nandito ang mga kaibigan ko.
excited na akong matapos ang aming bahay! yippee! atleast kung umuwi man ako ng pinas, meron na akong naipundar na katas ng dubai. :-)
ang dami naming napag-usapan ng aking nanay. sa amin daw ngayon ang aking lola. first taym nakitira sa bahay ng anak ang aking lola at ang nanay ko ang kanyang pinili. 14 na magkakapatid sina nanay. sabi ko sa nanay ko, paborito siya ni lola. sagot ni nanay, mas gusto daw kasi ni lola sa amin kasi may kubo kami..hehe....pinag-usapan din daw ng mga kapatid ng aking nanay na bibilhan si lola yung ready-made na na bahay-kubo. :-)
kung anu-ano pa ang napag-usapan namin ng aking nanay. nang biglang tinanong niya ako "tin, nag-uusap pa ba kayo ni jq? (si jq yung inirereto sa akin tita mg)...huwaaaaattttt???? grabeh na ito. tsk.tsk. akala ko nakaligtas na ako sa mga usaping lovelife at di na iniisip ng aking nanay ito dahil sa aking pinagdaraanan ngayon. pero hindi eh....wala pa din akong kawala sa nanay ko. hahaha..