Holiday dito sa UAE bukas, Prophet's Birthday kasi. Actually, Feb 15 ito pero ni-move ng Thursday ng gobyerno dito. Mas maganda dahil long weekend kami! Yun nga lang, di ako makapag-concentrate sa mga 'lakaran' dahil pa rin sa kakaisip sa napipinto kong pagkakatanggal sa trabaho. Sobrang paranoid ako ngayon sa work lalu pa nalalapit na ang Feb 20, eksakto one month matapos akong sabihan ng aming GM na apektado ako sa ginawang restructuring. At ang katapusan ng buwan, ang paboritong 'last day' sa ofis. Nagtatapang-tapangan ako ngayon, ni wala pa ngang luhang pumatak sa akin. hehe.... Hindi pa naman katapusan ng mundo sakaling mawalan ako ng trabaho, dumadami din ang mga options ko:
1) i can stay here in dubai and look for another job.
2) open ako sa possibility na mag-exit sa kish island, iran sakaling di agad ako makakuha ng work. (after 1 month kasi ng visa cancellation kelangan ng mag-exit at mag-apply ng visit visa kung wala ka pang employer)
3) i -give up na ang dubai at umuwi na sa pinas. afterall, mahigit 5 years na naman ako dito. plano ko lng dati 2 yrs nga lang.
4) bsta bago ako uuwi, papasyalan ko muna lahat ng hindi ko pa napupuntahan dito i.e. At The Top Burj Khalifa, Dubai Marina, The Ferrari Theme Park sa Yas Island Abu Dhabi. :-)
Btw bago pa ako ma-excite sa pag-uwi ng pinas, ikukwento ko muna dito ang job history ko sa Dubai.
Nov 17, 2005 - dumating ako sa dubai on visit visa
Dec 01, 2005 - natanggap ako sa isang trading company, mag-asawang German ang mga boss. mabait naman sila pero ewan ko lagi akong umiiyak noon (di sanay sa buhay malayo sa pamilya)..hahaha....paboritong lugar ko pa sa bus! walang araw na hindi ako umiyak. sobrang drama ko noon. sayang, wala pa akong blog noon. hehe...para may ebidensiya ako. haha.
Dec 23, 2005- nag-decide akong umalis sa aking work. di ko alam kung anong gusto ko. (p.s. mabait ang napasukan ko kasi pinasweldo ako)
Dec 24/25, 2005 - binaha ang dubai dahil sa mga luha ko. hahaha....pinapauwi na ako ng nanay ko. di ko daw kaya. di daw cguro para sa akin ang dubai. natauhan ako, ako naman kasi talaga ang may gustong mag-abroad ako. todo-suporta ang pamilya ko sa akin. ayokong biguin sila.
1st official company
Jan 01, 2006 -Apr 14, 2007
uso noon sa mga visit visa ang magpa-advertise sa Gulfnews, isang malaking pahayagan dito. effective naman ito dahil agad akong nakahanap ng work. isang ice cream company ang tumanggap sa akin.
2nd official company
Apr 15, 2007 - May 31, 2008
ibinenta ang ice cream company. in-absorbed ng bagong may-ari lahat ng employees. merong dalawang bagong hire na naging trainee ko. naikwento nila minsan na meron daw silang kaibigan na nagta-trabaho sa kumpanyang ito, CPA daw ang hanap. ibinigay ko ang cv ko sa kanila at ibinigay naman nila ito sa kaibigan nila. napakabilis ng pangyayari dahil the next day tinawagan ako ng kumpanyang ito, pinag-exam, ininterview at nag-offer na ng employment! eto ang mga panahon na kinukonsider ko ng umuwi ng pinas for good. naging matalik kong kaibigan ang tinutukoy na kaibigan ng mga trainee ko (si DG). kinwento ko nga sa kanya ang nangyari sa akin ngayon at ni-send ko ang cv ko sa kanya. malay mo, maulit ulit. history repeats itself di ba. hehe.
3rd official company
June 01, 2008 - Present
eto medyo nakakatawa kung bakit ako napunta dito. narinig lng ng aking ka-roommate noon (si ate g) ito sa bus. nag-uusap daw ang dalawang pinay at nabanggit na ok ang sweldo kaya ayun umandar ang pagiging 'tsismosa' niya pinakinggan daw niya ang pangalan ng company at yun pagdating sa bahay ni-search namin sa google ang website. doon ako nag-apply. right timing din ang pagkakatanggap ko dito noon dahil gusto ko na ding umalis sa 2nd company ko.
4th official company????
ito ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon. nag-register na ako sa halos lahat ng job websites dito sa uae pero wala pa ring malinaw sa aking mga inaaplayan---charterhouse, monstergulf, focusdirect, gulftalent, bayt etc.... 2 agencies na ang nag-interview sa akin pero wala pa sa mga client nila.
this weekend, level up ako. seseryosohin ko na ang paghahanap ng work. uumpisahan ko sa pagbili ng dyaryo. :-)
Ganito ako kadesidido na mag-stay pa sa Dubai. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Lalu pa ngayon na, alam ko ang gusto kong gawin. At ito ay ang magtrabaho pa dito. :-)
nakichismak sayong blog!!! cool!!! you're here in dubai!!!??? tagal ko na kasing naghahanap ng mga kablog dito sa dubai 1 lang nakita ko dati kaso inactive na sya ngayon ewan kung bakit!!!
ReplyDeletei'm iya!!! gald to meet you!!
sorry rin pala about your situation right now, oo hirap nga ngayon dito, buti nalang din nakaalis na ako dun sa dati kong company.6 months walang sahod!!!
hope to keep in touch with you!!!
hi iya! salamat at naligaw ka sa aking blog. taga-dubai ka din pala. di kaya nagkasalubong na pala tayo minsan dito sa tabi tabi at hindi lng natin alam. hehe..
ReplyDeleteako nga pala si tin, nagtatago sa pangalang animus. nice meeting you too. :-)
grabeh naman pala ang dati mong company, 6 months walang sahod! naku, naku, di pwede yan. good to know na nakalipat ka na. ako, ok pa naman at hoping na maging maayos ang lahat.
oo naman, welcome na welcome ka dito. siyanga pala, nag-iwan din ako ng message sa blog mo. dadalaw-dalawin din kita. :-)
p.s. natuwa ako sa pseudonym mo na iya_khin. ang cute! :-)