Friday, February 4, 2011

Abangan Ang Susunod na Kabanata....

Magmula ng malaman ko na isa ako sa mga naapektuhan ng restructuring ng aming kumpanya, wala na akong naisulat dito kundi tungkul doon. At hindi naiiba ang iba-blog ko ngayon. :-)


JOB HUNTING

ito ang aking pinagkakaabalahanan sa mga panahon ngayon. Nag-umpisa na akong mag-apply apply online. Kahit medyo matagal mag-register sa mga online agency, nagtitiyaga ako. kailangan eh. hehe.

ang dami ko na ding napagpasahan ng cv, pati nga abu dhabi companies ay hindi ko pinalampas. araw-araw i'm checking websites, napansin ko na hindi nagbabago or madalang na madalang ang pag-post ng mga job vacancies. napatunayan kong mahirap pa rin ang maghanap ng work ngayon sa dubai.

lumipas ang ilang araw, wala man lang tumawag o pumansin sa aking application. waaahhhhh!!!!! samantalang kung qualification lng ang pag-uusapan..ehem, di naman ako pahuhuli...hehe....(w/ 5-year experience in dubai ito..hehe..nagyayabang lng)

hindi ko pa masyadong maramdaman ang mga pangyayari dahil pumapasok pa ako sa ofis. pero anytime ay pwedi akong sabihan na 'this is your last day' ng aking amo. just this week nga, dalawa sa aking kaopisina ang nagpaalam- 1 italian & 1 pinay. medyo masama ang loob nung italian sa aming boss dahil tinanong na daw niya dati ito tungkol dito pero wala naman siyang sinabi. kakarenew lang daw niya ng flat nila. sana daw napaghandaan niya ito at lumipat na lang sila sa mas maliit na place. while si MS (yung isang pinay) ay malugod itong tinanggap dahil uwing-uwi na siya sa Pinas. ok lng daw ito sa kanya. tapos na daw ang misyon niya sa dubai. in fact kagabi nagpa-farewell party siya sa mga kaopisinang pinoy---nagpunta kami sa chikka grill (isang filipino bar na malapit sa aking tirahan). :-)

sabi ko dati , magwawala at isusumpa ko ang aking amo pag tinanggal niya ako! joke lang ito. di ko ito magagawa. naiintidihan ko ang sitwasyon ng aking amo. out of control niya ito. di naman siya ang may-ari ng kumpanya. isa din siyang kagaya namin na empleyado.

wala akong na-received na feedback tungkol sa internal transfer ko. ayoko din namang magtanong. tsaka hesitant talaga ako na lumipat sa dept ni briton na mainit ang dugo sa lahat ng mga pinoy lalu pa ngayong meron na naman siyang ginawa na kahindik-hindik--ni-demote niya ang 11 accountants sa dept niya! kakatakot!

kaka-depressed pag ganito ang nababalitaan mo, kaya naman laking tuwa ko ng may tumawag sa akin na agency noong Tuesday! yippeee! may interview daw ako. Aba sympre pinuntahan ko ito. At last may nakapansin sa akin. hehe.

Btw, wag munang magsaya dahil agency pa lang ito. tatawag na lang daw sila if in case ok sa client nila ang aking qualifications. pero whether positive or negative, ang importante binigyan ako nito ng napakalaking pag-asa. :-)


Patalastas:
ka-chat ko kanina ang aking nanay. sabi ko mid-feb ko na lng ipapadala yung addt'l budget para pinapagawa naming bahay. wag na muna daw at baka wala na akong pambayad ng bahay at di na ako kumain. paano daw ako? sabi ko sa kanya, wag siyang mag-alala sa akin dahil nandito ang mga kaibigan ko.

excited na akong matapos ang aming bahay! yippee! atleast kung umuwi man ako ng pinas, meron na akong naipundar na katas ng dubai. :-)

ang dami naming napag-usapan ng aking nanay. sa amin daw ngayon ang aking lola. first taym nakitira sa bahay ng anak ang aking lola at ang nanay ko ang kanyang pinili. 14 na magkakapatid sina nanay. sabi ko sa nanay ko, paborito siya ni lola. sagot ni nanay, mas gusto daw kasi ni lola sa amin kasi may kubo kami..hehe....pinag-usapan din daw ng mga kapatid ng aking nanay na bibilhan si lola yung ready-made na na bahay-kubo. :-)

kung anu-ano pa ang napag-usapan namin ng aking nanay. nang biglang tinanong niya ako "tin, nag-uusap pa ba kayo ni jq? (si jq yung inirereto sa akin tita mg)...huwaaaaattttt???? grabeh na ito. tsk.tsk. akala ko nakaligtas na ako sa mga usaping lovelife at di na iniisip ng aking nanay ito dahil sa aking pinagdaraanan ngayon. pero hindi eh....wala pa din akong kawala sa nanay ko. hahaha..

4 comments:

  1. good luck sa paghahanap ng work, ako pagkatapos ko siguro dito uwi na ako Pinas :)

    Siguro nga kailangan mo munang lumablayf para naman may iba kang maiblog :D

    ReplyDelete
  2. Hayaan mo it is a big lost ng companya niyo pag pinakawalan ka. and segurado akong kung may malilipatan ka mas maganda ito kaysa diyan. Ang swerte ng pamilya mo sayo.

    ReplyDelete
  3. @ LordCM,
    thanks sana nga makahanap na ako ng malilipatan...wala pa sa plano ko ang pag-uwi sa pinas for good sa ngayon...LordCM, basta kitakits tayo sa Pinas ah!!!!!!(i wanna thank u personally dahil sa walang-sawa mong pakikinig sa aking mga kwento dito sa blog ko) :-)

    hahaha..LordCM!!!!!wala namang ganyanan!!!!mas madali sa akin ang makahanap ng work kaysa lovelife! hahaha. :-)

    ReplyDelete
  4. @ Diamond R,
    thanks for the encouraging words. ganyan nga din yung narararamdaman ko, kahit saan man ako mapunta i'll be in good hands. :-)

    naku, nakakataba naman ng puso ang sinabi mo. ito talaga ang gusto kong gawin sa buhay---ang maging mabuting anak at kapamilya. :-)

    ReplyDelete