Friday, June 17, 2011

Akala Ko Walang Iwanan....

Walang iwanan
Yan ang ipinaramdam mo sa akin
Hanggang sa napalapit ang puso ko sa'yo
At dumating ang araw
IKAW na lang
ang tanging laman nito

Inaamin ko
Nagkagusto rin ako sa iba
Pero yung iwan ka
Hinding-hindi ko magagawa
Kung papipiliin ako ng isa lang
IKAW ito walang duda

"Mahal na mahal kita"
Yan ang totoo
Di ko man nasabi ito
Sana'y naramdaman mo
Hangad ko ang iyong kaligayahan
Hanggang sa muli aking mahal


ang aking pinakamamahal na mobile phone.
malapit na akong iwan nito---
1st symptom nde ako marinig ng mga kausap ko (4 na ang nagreklamo)
2nd (just today) nde na umaandar ang search sa contacts nito :-(

Monday, June 13, 2011

Closing

Conversation between an officemate and her boyfriend

boyfriend: hon, ano ba ang kino-close ninyo? bakit nde matapos-tapos. meron ba akong maitutulong?
officemate: (natawa lng ito) :-)



Isa akong accountant. Pag sinabing closing, ibig sabihin nito sobrang busy sa office. Lahat may kani-kaniyang hinahabol. Madalas din na overtime kaming mga taga-Finance Dept. Siyanga pala, para sa kaalaman ng mga nasa ibang field, ang closing ay ang pagsasara ng libro ng kumpanya. Ito ang magiging cut-off date ng mga financial reports para sa management. Bilang accountant, sinisigurado namin na lahat ng dapat mailibro ay pasok sa tamang reporting period.

Masasabi kong ang current work ko ang pinaka-challenging sa akin so far. Gusto ko na sanang kalimutan ang pagiging accountant ko at mag-shift na ng career, pero dumating ito sa buhay ko. hehe. Ngayon ko mas naa-appreciate ang aking propesyon. Plus plus plus, ang mga kasama ko ay superb ang kagalingan. Honestly, starstruck ako sa kanila. 2 months pa lang ako sa new work ko, pero ang dami ko ng natutunan. i just love it! :-)




@ my workstation -12 June 2011 7:30pm
walang bayad ang overtime dito sa dubai (nde uso),
pero ang kagandahan sa new work ko ay may
libreng dinner pag overtime
kaya kahit pagod sa work, complete meal pa rin kami :-)

Saturday, June 11, 2011

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay!!!!!

Hunyo 12 na bukas. Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Happy Independence Day sa lahat ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo! :-)

Proud to be Pinoy ako. Bilib ako sa ating lahi. Ibang level pa rin ang kagalingan ng mga ito. Pang world-class ika nga.

I can't help but feel proud sa aking current work ngaun. Would you believe, pinoy ang aming finance manager? Di lang yun pinoy din ang aming commercial manager. Nakakatuwa kasi napakataas ng respect at tiwala ng mga ibang lahi sa mga pinoy sa ofis.

I must say, deserved nila kung anuman ang position nila. Ako mismo, bilib na bilib sa kanila.

-End-





Note:
Paumanhin sa mga maliligaw sa aking blog. Aminado po akong, wala akong talento sa pagsusulat. Isinusulat ko lang kung anuman ang maisipan kong isulat. Kung kayo ay nababaduyan, pasensiya na. yun kasi ang naisip ko nung oras na yun.
(buti na lang MALAYA na tayo. pwedeng nating ipahayag kung anuman ang nasa damdamin at isip natin)





Sunday, June 5, 2011

Kwentong Sine

Nanood kami ni jo ng sine kagabi. Pinanood namin ang Kung Fu Panda Part2. Di kami nabigo sa aming expectation. Kagaya ng Part1, maganda at nakakaaliw ito. Madaming eksena na tawa kami ng tawa. Nakadagdag pa na sa 3D ito palabas (by the way, first time kong makapanood sa 3D. although na-experience ko na manood sa 4D sa USS at Disneyland Hongkong)

Birthday ni jo kahapon kaya naisipan kong ayain siyang manood ng sine. Movie addict kasi ito. Kayang-kaya niyang manood ng sine na mag-isa (na never ko pang nagagawa pero gusto kong i-try din one day). Nagkaroon din ng celebration sa bahay nung Friday. Present sympre ang buong cast.

Pagbabalik-Tanaw
2007 sa Dubai. First time kong mag-sick leave! Burn out na ako sa work noon. I needed a break. Si jo di ako iniwan. Nag-leave din siya nung araw na yun para samahan ako. Alam nyo ba kung ano ang unang ginawa namin? Nanood kami ng sine! Grabeh kaming dalawa lang ang nasa loob ng sinehan! hahaha...1st showing ba naman for the day ang aming pinanood, what can we expect lahat nasa kani-kanilang work. :-)

Continuation.....

11 June 2011
Saturday
Dubai

Drama mode muna ako. Nalulungkot ako dahil tumungo na si jo sa Canada noong Wednesday. Last na sine na namin sa Dubai ang Kung Fu Panda. Kelan kaya ulit kami magkikita? Kelan kaya kami makanood ng sine? Kelan kaya ulit ang sleepover?

Request ni jo sa amin nung ihatid namin siya sa airport, ayaw na daw niya ng drama. Pinagbigyan naman namin ang hiling nito, pinilit naming maging masaya. Meron pa nga kaming picture-picture. hehe. (*****pero sympre di pa rin namin napigilan ang maluha nung magpaalaman na kami****)

Huling Paalam

Nag-metro lang kami pauwi ng aming bahay from airport. Going to Rashidiya sina ivy samantalang ako sa deira naman. Pagka-uwi ng bahay. Tumawag si jo, nasa boarding area na daw siya at inaantay na lang mag-bukas ang gate. Our parting words:

tin: ingat ka dun. sana makahanap ka agad ng work. padalhan kita ng sulat pagpunta ni glen (husband of jo) sa dec dyan. hehe...chat chat na lang....wag mo kaming alalahanin dito....basta ingat ka dun at tsaka alam mo na yun.
jo: ingat din kayo dito. mabilis lang naman ang panahon. magkikita pa rin naman tayo. oo nga, alam na natin yun.

Di ko na pahahabain ang drama ko. Nalulungkot ako pero as i've mentioned in my earlier post, wala naman akong dapat ikalungkot dahil magandang oportunidad naman ang pupuntahan ng aking kaibigan.

Our text messages after...

tin: Hello joana! Wala lang miss na kita agad. Ingat dyan. Email email na lang. :-)

jo: halu! dto nko london. pila na naman, hehe. Miss ko na rin kyo jan.
tin: wow! enjoy london airport! hehe.

jo: Tin! Kamusta na? eto na nga pala bagong no ko. nde pa talaga ako nakakainternet kakabili ko pa lang sim kahapon. Miss ko na kayo kyo dyan.
tin: Hello joana! Miss u na! dito pko ofis. 7:17pm pa lng dito. Nag-offline msg ako sau yesterday. Ingat dyan.
jo: Tin gumagana pa roaming ko pwede ka dun txt. Isa kang adik! hehe.
tin: Hahaha! wow mali ako. Pag naka-konek ka na internet pwede ka email dito ofis 24/7. hehe.


Lagot na ako nito kay jo. Super invasion of privacy na ito. hahaha. Wala akong maitatago kay jo, tanging itong blog ko lang ang sinadya kong itago sa mga kaibigan ko (anonymous blogger daw ako). :-)



our movie tickets together with the 3D glasses

Wednesday, June 1, 2011

Apektado

After office, dumiretso ako sa Al Ghurair Mall (walking distance mula sa aking tinitirhan) para magbayad ng aming internet. Dala ng sobrang kabusyhan ay nakalimutan ko ito. Naalala ko lng kagabi dahil akala ko naputulan na kami ng connection. Nai-switch off lng pala. :-)

Eksakto pauwi na si jo galing kina ivy kaya dun na lang kami nag-meet at sabay pauwi na. Habang inaantay si jo ay window shopping muna ako ng unti. Nagpunta ako sa mga damit na pambata. Gusto ko kasing bigyan ng kahit ano lang si BC (yung 6 months old na baby ng aking boss. sobrang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito). Napili ko ang isang cute na ternong damit na pang-summer (sana magustuhan ni bc). Remembrance ko lang para kahit papaano maalala niya ako kasi siya lagi kong naaalala. Anti-social daw ako sabi ng mga bago kong ofismeyts dahil mahilig akong 'mag-pass' sa kanilang mga gala. Pero nung minsan, go na go ako. Walang pilitan na nangyari. Di nila alam dahil ito kay BC. Nalaman ko kasing darating din ito. Di pa ako nanay nito pero ramdam ko ang kasiyahan ng isang nanay. Sana talaga maging isang nanay ako someday. Sisikapin kong maging isang mabuting ina sa abot ng aking makakaya.

Sabay-sabay kaming mag-lunch ng aking mga kaopisina. Palibhasa ako ang pinakabago kaya ako ang paboritong asarin dati. Minsan, pinagtulungan nila akong lahat. Mahilig kasi kaming mag-debate habang kumakain. Aba'y lahat ng aking sinabi ay kinontra nila lahat. Sabay sabing 'pikon' daw ako??!!!! Sabi ko sa kanila, HINDI AKO PIKON! hehe..:-)

One time, iba naman ang trip nila. Napag-usapan ang tungkol sa mga manghuhula. Sabi ko di ako naniniwala sa hula at never pa akong nagpahula. Chance ko na daw na magpahula kasi may kasama kaming manghuhula. Totoo daw ang mga hula nito. Just for fun, tinanong ko kung ilan ang magiging anak ko. Ang sagot ba naman WALA! Super react ako. Sabi ko gusto kong magkaanak. Plano ko ding mag-ampon kung saka-sakali. Di totoo ang kanyang hula. Sabi niya, WALA kasi mag-asawa ka muna. Muntik ko ng sakalin ang manghuhulang ito!

Nung magsara ang Magrudy's Bookstore sa Deira City Centre, nalungkot ako. Di ko na mabilang ang librong binasa ko dun (ng libre). Yun din ang tambayan ko nung bago bago ako dito sa Dubai. Kung kaya kong magkulong sa bahay ng buong weekend, ganun ko din kakayang magbabad sa isang bookstore. Kung pwede nga, walang uwian. hehe...Kaya kanina, laking tuwa ko ng malaman ko na nag-open na ang bookstore sa Al Ghurair! Na-excite ako! Nakikinita ko na ang aking sarili sa isang bagong tambayan!




Jashanmal Books.com @ Al Ghurair City
NOW OPEN! Yippeee!!!!!!!! :-)