Conversation between an officemate and her boyfriend
boyfriend: hon, ano ba ang kino-close ninyo? bakit nde matapos-tapos. meron ba akong maitutulong?
officemate: (natawa lng ito) :-)
Isa akong accountant. Pag sinabing closing, ibig sabihin nito sobrang busy sa office. Lahat may kani-kaniyang hinahabol. Madalas din na overtime kaming mga taga-Finance Dept. Siyanga pala, para sa kaalaman ng mga nasa ibang field, ang closing ay ang pagsasara ng libro ng kumpanya. Ito ang magiging cut-off date ng mga financial reports para sa management. Bilang accountant, sinisigurado namin na lahat ng dapat mailibro ay pasok sa tamang reporting period.
Masasabi kong ang current work ko ang pinaka-challenging sa akin so far. Gusto ko na sanang kalimutan ang pagiging accountant ko at mag-shift na ng career, pero dumating ito sa buhay ko. hehe. Ngayon ko mas naa-appreciate ang aking propesyon. Plus plus plus, ang mga kasama ko ay superb ang kagalingan. Honestly, starstruck ako sa kanila. 2 months pa lang ako sa new work ko, pero ang dami ko ng natutunan. i just love it! :-)
@ my workstation -12 June 2011 7:30pm
walang bayad ang overtime dito sa dubai (nde uso),
pero ang kagandahan sa new work ko ay may
libreng dinner pag overtime
kaya kahit pagod sa work, complete meal pa rin kami :-)
closing? year end ba o month end lang? madalas busy rin ako sa mga ganyang panahon, on-call kasi ang IT Dept kapag busy ang accounting dept :D
ReplyDeletedito rin walang bayad ang OT, pero may dinner, kung susuwertihin :D
@ LordCM,
ReplyDeletehehe...both...oo nga, numero unong ginugulo ko ang IT namin pag nawawalan kami ng network! nde kami mabubuhay ng wala ito. :-)
mahilig kumain ang mga kasama ko, after closing may treat pa ang aming mga boss sa amin. kaya eto ako ngayon, nagbabalak ng mag-diet ulit sa july..hehe.sarap kumain eh! :-)