Friday, October 28, 2011

Week 7: Madinat Jumeirah With My Cousin (Level-Up)

"I have been so busy,
I have no time for love" :-(

vs

"I'm having the time of my life!" :-)


Grabeh! wala akong maisip na isulat! Nov 7, 11pm na ngaun...and this post is supposed to be for Oct 28, 2011! Weeehhh, i'm super late sa mga blogpost ko...Wala pa akong Week 8! haaaiiisst...

Week 7: Behind the Scene
Kasama ko ang aking pinsan (si ate alice) nitong araw na ito. We decided na magpunta sa jumeirah para naman may picture kami dito sa Dubai. For FB purpose daw. :-) May level-up ang title kasi kung mapapansin ninyo kulot ang hair ko. :-)...First-time ever na kinulot ako! Pinagpraktisan lang ako ni tita wella dyan (kasama ko sa room na nagta-trabaho sa parlor)..Pero super nagustuhan ko! Sabi ko kay tita wella, ipapagaya ko ito pag-uwi ko sa pinas, sa kasal ng aking pinsang si pey. Emcee kasi ako. :-)


@ Madinat Souk, Jumeirah

eksakto, may halloween party!
daming mga halloween pumpkin :-)

me & my pinsan :-)
ang tagal-tagal na naming magpinsan ni ate alice
pero dito lang kami sa dubai naging close talaga.
kasi dito lang kami nagkasama....
kasama ko siya dati sa haws pero
dahil malayo ang kanyang work, lumipat na siya.
nagkikita na lang kami paminsan-minsan :-)


si ate alice at ako :-)
ganda ng mga likod namin noh?
sana pati ang harap! hahaha...


ako at si ate alice ulit! :-)
di kumpleto ang dubai stint mo pag wala
kang picture na background ang Burj Al Arab!


12pm na dito. Bukas may pasok na. Sa susunod ko na lang iba-blog ang Week 8 na blogpost ko. Madaming pangyayari kasi long holidays...---met my childhood friend (jeng), gumala lang kami sa tabi-tabi then after that nagpa-ampon ako sa aking kaibigang sina ivy & ryan sa mirdiff...kakahatid nga lang sa akin today. 3 nights ako sa kanila! :-)

Friday, October 21, 2011

Week 6: My Sanctuary

ISAIAH 40:31
But those who hope in the Lord
will renew their strength.
They will soar on wings like eagles;
they will run and not grow weary;
they will walk and not be faint.


Ito ang nakasulat na dedication message ng aking dating boss/kaibigan sa Pinas sa librong "Be Not Afraid" by Bobby Quitain na bigay niya sa akin. Very religious ang aking boss. Dahil nga sa kanya kaya ako naka-attend ng Purpose-Driven life seminar dati :-) Binigyan nga din niya ako ng Bible na dala ko hanggang dito sa Dubai. Sana lang dumating ang panahon na makaugalian ko ng magbasa ng Bible. Paisa-isang verse pa lang kasi ako. :-)

Last vacation ko sa Pinas (Sep 2010), pinasyalan ko nga sila sa ofis namin sa Ortigas. Nagkwentuhan just like the old times..sympre kasama sa topic ang lovelife (na wala ako). Single pa din ang boss ko kaya yan ang past time namin, pag-usapan ang lovelife..hehe...Ipinakita niya sa akin ang isang card galing sa isang kaopisina na isa ng madre ngayon! Mixed emotion ang aking naramdaman...kasi there was a time in my life na feeling ko yun ang CALLING ko. :-)

'til i was convinced na for family life ako kasi hindi matigil-tigil ang mga panaginip ko na may masayang pamilya---nagsisimba, naglalakad ng hawak-kamay (weeeehhh!), karga-karga ng asawa ko ang anak namin samantalang hawak ko naman ang isa etc...etc....:-)

Hopeless romantic ba? hehe.....I believe in prayers. Kaya naman tinodo ko ang pangungulit sa Kanya tungkol dito. Sabi ko sa Kanya nung minsan, "Lord, gusto ko na din pong magka-boyfriend. 30 na ako, nasa tamang edad na naman ako...gusto ko po yung mabait, magalang, di mayabang, may takot sa Diyos, loving, mamahalin ako at sympre yung mamahalin ko rin..." (natatawa ako sa pinagsusulat ko dito, pag nalaman ito ng nanay ko sasabihin nun...bigyan mo muna kasi ng chance ang sarili mo, paano mo malalaman kung di mo naman ita-try---sumuko na sa akin ang aking mga kamag-anak sa pagrereto dahil walang naging successful)

Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng hiya ngayon. hahaha...Pero dahil blog ko ito, sige lang....hehe.....Balang-araw, babalikan ko itong post na ito. Who knows? may kasama na ako pag binalikan ko ito! :-)

Ewan ko, pero feeling ko talaga MALAPIT NA MALAPIT na itong mangyari. I just have this strong feeling! Basta pag MERON na, ipagsisigawan ko din ito dito sa blog ko. Meron na nga akong naisip na title "ANSWERED PRAYER" :-)...

Hahaha...Adik-mode lang..Malapit na kasing matapos ang 4-day Eid holidays namin (N0v 4-7). Bukas may pasok na! Work work work ulit.

Ngayon (Nov 7) lang ako nagkaroon ng time para mag-blog kaya kung anu-ano na lang ang naisulat ko. Ni walang kaugnayan ang blog title at pictures na kuha ko last Oct 21. Maglagay na lang ako ng caption para D-O-N-E na ito :-)



outside St. Mary's Church
nakakatuwa dahil may kumakanta sa labas :-)


nag-ikot ikot muna ako after mass
napansin ko na may nakasabit sa mga poste,
about life pala ng mga Saint. :-)

a typical Friday morning at St. Mary's Church, Dubai

mas madaming Indian kaysa Filipino sa Dubai,
maging sa simbahan, mapapansin din ito.


laking tuwa at pasasalamat ko nung magbukas na ang green line ng Metro!
meron kasing station, malapit sa St. Mary's. Anytime na gustong
magsimba or mag-visit, mas madali ng magpunta
(except Friday, Metro opens 1pm)

habang nag-aantay ako ng bus.
nag-feeling photographer muna :-)
naalala ko nung bagong dating ako sa Dubai,
tuwang-tuwa ako ng makakita ng bulaklak dito
akala ko kasi talaga walang mga halaman dito sa disyerto kundi cactus lng!

eto na ang bus ko. :-)
between bus & taxi, mas pipiliin ko ang mag-bus.
bukod sa mas mura ito, i feel safer dito :-)

eto naman ang Muteena Park sa gitna ng Muteena Road
dito kami nagdya-jogging ng aking kaibigang si jo dati.
















dito naman ang aming tirahan sa dubai. ang laki noh?
btw, before pa kayo mapa-wow, bedspace lang po binabayaran ko dito. :-)
biruan nga namin dati, dito ako mahahanap sa address na ito
"Room No. 1 2nd Flr, Bed No. 1 Level 1, Villa 7B
Muteena St. Deira, Dubai" hehe..:-)



yan ang aming pinto :-)
Pasko na sa amin! yipppeee!
gawa yan ni Tita Fanny, ang aming nanay dito sa Dubai :-)
sori, pero di ko na ipapakita ang bedspace ko.
ako ang winner sa pinakamagulong bed!


tulog pa ang mga tao sa aming room
kaya nagluto na lang muna ako.
pagkatapos nito nag-chat kami ng nanay ko
sa katabing bakanteng kwarto. :-)

Sunday, October 16, 2011

I Belong To YOU

Sunday Gospel (16 Oct 2011)

Matthew 22:15-21

Then the Pharisees went away to work out between them how to trap him in what he said. And they sent their disciples to him, together with some Herodians, to say, 'Master, we know that you are an honest man and teach the way of God in all honesty, and that you are not afraid of anyone, because human rank means nothing to you. Give us your opinion, then. Is it permissible to pay taxes to Caesar or not?' But Jesus was aware of their malice and replied, 'You hypocrites! Why are you putting me to the test? Show me the money you pay the tax with.' They handed him a denarius, and he said, 'Whose portrait is this? Whose title?' They replied, 'Caesar's.' Then he said to them, 'Very well, pay Caesar what belongs to Caesar - and God what belongs to God.'


Source: www.saintmarysdubai.com



Halaw mula sa homily ni Father Tomasito:

Just a quick background---ang mga Pharisees ay ang mga not in favor sa tax noong panahon na iyon while ang mga Herodians naman ay mga alagad ng emperor hence, pabor sila sa pagbabayad ng tax. Kagaya ng nabanggit sa itaas, gusto nilang i-trap si Jesus sa kanyang magiging sagot. They expected na Yes or No ang magiging sagot. Either way, walang siyang magiging lusot. Pag Yes ang naging sagot, magagalit ang karamihan dahil madami ang against sa tax. Pag No naman, pwede siyang ipadampot at ikulong dahil labag ito sa Roman law. Nagulat sila sa sagot ni Jesus dahil wala sa dalawa ang kanyang naging sagot "pay Caesar what belongs to Caesar and God what belongs to God".


Ang tinutukoy niyang kay Caesar ay yung denarius. Ang mga pera noon ay may larawan ng kung sinuman ang emperor. But what belongs to God? Tayo, We belong to HIM. Let's go back to the basic fundamental of our faith, that is...God created us in His image and likeness. Wag nating kalimutan ito.


Dear God,

Gusto ko pong maging mabuting follower Ninyo.

Salamat po sa pag-gabay lagi sa akin.

Salamat po sa pag-intindi sa aking kakulangan.

Patawad po sa aking mga kasalanan.


love,

tin







Saturday, October 15, 2011

Three Overseas Calls in One Day

Saturday 15 Oct 2011

ONE
7:00 am - While ironing my office clothes nag-ring ang phone ko. Pag tingin ko si nanay ko ang tumatawag.

ako: hello 'ma, bakit ka napatawag? (although medyo alam ko na why.. di kasi kami nakapag-chat yesterday)
'ma: kinokumusta lang kita. di tayo nakapag-chat kahapon.
ako: nagpunta ako kina ivy, dun ako natulog nung thursday.
'ma: papasok ka na niyan sa ofis?
ako: mamayang unti..nagpa-plantsa pa ako ng damit.
'ma: inantay ko nga ang oras...sabi ko gising ka ng oras na ito.
ako: (napangiti ako...nami-miss ako ng aking nanay..hehe) '
'ma: si mac pala (bunso kong kapatid) naka-chat namin kahapon, nasa Indonesia daw sila ngayon (seaman si bunso)
ako: kagagaling lang ng barko nila sa UK..'ma, baka maubos ang load mo...wag kang mag-alala sa akin...ok naman ako.
'ma: o cge, mag-ingat ka dyan.
ako: ingat din 'ma.
'ma: bye bye
ako: bye



TWO
1:00pm - lunch time sa ofis. paakyat kami sa canteen ng ma-received ko ang tawag galing sa aking Kuya (na nasa ibayong-dagat din)

ako: hello kuya! nabasa ko text msg mo kaya lang wala akong load.
kuya: 'tin, nagkita na ba kayo ulit nung tao? (nagpapadala ang kuya ko ng sinigang mix, taba ng talangka, bagoong etc--wala daw kasi sa lugar nila ang mga ito)
ako: kuya, ready na lahat nung padala ko sa'yo. kaya lang, di kami magtagpo ng schedule nung tao. malayo ang kanyang lugar, sa sharjah pa siya.
kuya: o cge, merong pupunta ulit dyan next week..sa kanya ko na lang ihabilin.
ako: cge
kuya: nag-chat kami nung Friday ni 'ma..
ako: di ako nakapag-chat kasi wala ako sa bahay nung Friday, nagpunta ako sa kaibigan ko.
tumawag nga si 'ma kaninang umaga.
kuya: matagal ka na sigurong di nagcha-chat.
ako: ngeh...nung Friday lang..tsaka tumawag ako nung Thursday kaya nga naubos load ko.
kuya: o cge, text kita pag nandyan na si kabayan.
ako: cge, naka-ready na naman ang mga ito.
kuya: baka mag-exit ako dyan sa dubai.
ako: cge kuya, pasyal tayo.
kuya: di pa naman sure, inform kita.
ako: oks.
kuya: nasa ofis ka?
ako: oo, may pasok ako...paakyat na kami nito..lunch time na.
kuya: o cge, ingat na lang dyan.
ako: ingat din kuya.



THREE
7:00pm - tawag naman mula kay jo (ang kaibigan kong nasa Canada)

jo: Tin! Musta na? Nasa bahay ka ba? Pwede tayo chat?
ako: Joana! Nasa ofis pa ako. Mamaya pa ako uwi. Sana magpang-abot tayo. Mis u na!
jo: Mis u na din! Nakalimutan ko meron ka nga palang pasok ng sat. o cia mamaya na lang, ingat ka dyan lagi.
ako: ingat din. kitakits mamaya!


Tuwing birthday ko lang ang ini-expect ko na may mga overseas calls ako, kaya feeling ko tuloy birthday ko. :-)

Friday, October 14, 2011

Week 5: Mirdiff

Preview pa lang ito ng Mirdiff. Dito nakatira ang aking kaibigang sina ryan & ivy kasama ang aking cute na cute na inaanak na si miguel john.

Medyo malayo ito sa aking tinitirhan kaya madalang lang akong makapasyal sa kanila. Almost one month ago na nung last kong punta dun (Sep 20- ivy's birthday). Dahil miss ko na ang aking mga kaibigan at si mjohn, sleepover ako sa kanila nung Thursday. :-)

Dala ko sympre si 'alexis'. Ang ganda ng aming plano. Friday morning, we'll walk in the neighborhood. Nagdala pa nga ako ng pang-jogging para maganda sa pic. hehe...Then, kakain kami ng breakfast meal sa McDo. Walking distance lang kasi ito sa kanila tsaka sobrang tagal ko ng di nakapag-breakfast sa mcdo. Ang last yata nung andito pa si joana, ang kaibigan namin na nasa Canada na.

Then, pagdating naman sa hapon, photoshoot kami dun sa mini park sa loob ng subdivision. Ang request ko is mag-dress kami ni ivy for a change. :-) Madaming dress ang aking kaibigan (ako kahit isa pala wala..hehe) so walang problema sa susuutin. Sa sobrang ganda ng plano ko is hindi makatanggi sa ivy na super camera-shy. Si mjohn na lang daw, wag na kami. Eh makulit ako, so pumayag na siya. Ni-ready na namin ang isusuot na nung gabi ng Thursday.

After nun, nag-marathon kami ng mga teleserye sa TFCNow (100 days to heaven, my binondo girl, budoy--mga sinusubaybayan ko). 2am na ng madaling-araw nung natapos kaming manood.

Kinabukasan, mataas na ang araw nung magising ako! Niloloko nga nila ako, ang layo na daw ng narating namin sa pagdya-jogging! hahaha....In short, nde natuloy ang aking napakagandang plano. hehe.....Di bale, pagkagising ko eto naman ang nag-aantay sa akin...ang napakasarap na home-made almusal. Tigil-diet muna ako. Indulge. :-) Weakness ko talaga ang fried rice with seafoods & vegetables!..nanginginig pa..hehe...




breakfast ala mirdiff style :-)
kalabasa soup, daing na galunggong, tortang talong,
mini-cupcake & of course, fried rice!

si baby mjohn, ang aking cute na cute na inaanak :-)
pumapasok na yan sa school.


homemade mini-cupcakes :-)
for once, naramdaman ko na gusto ko ding matutong mag-bake!
superb si ella (kasama nina ivy) pagdating sa lutuan!
sabi ko sa kanya, mag-training ako sa kanya pag ready na ako.
(kailangan ko munang bumili ng mga gamit )


napakabait ng batang ito (mana sa kanyang nanay at tatay) :-)

luv u miguel! :-)

maganda at maluwang ang place na nakuha nina ivy
yung terrace nila parang isang buong flat na!


weeehhh! Pasko na!
Excited na kami....sa pinas din magpa-pasko sina ivy!
May itinerary na kami--dahil 10 days lng ako sa pinas,
sila ang papasyal sa aming probinsiya. :-)


mahilig mamasyal si miguel (mana sa ninang) :-)
where are we going miguel?

eto ang harapan ng subdivision


we decided to go to Mirdiff City Centre
eksakto sale..kaya napaaga ang bili ko ng dadalhin kong
tv pag-uwi sa pinas. iniwan ko muna ito kina ivy
dahil walang paglalagyan dito sa bahay namin.
bedspace lang ang aking right dito sa bahay.hehe..


ang bilis ng oras..gabi na..time to go home.
kelangan ko ng umuwi at may pasok pa ako ng Saturday.





Friday, October 7, 2011

My Balikbayan Box (For Year 2011)


MY BALIKBAYAN BOX

last minute shopping kanina. nagpunta ako ng reef mall
(10-minute walking distance mula sa amin) ng katanghaliang tapat!
schedule na kasi ng pick-up ng balikbayan box ko.




from L to R: for Jon Harold, Kobe & Gail
mawalan na ng pasalubong ang lahat from me,
wag lang ang tatlo kong pamangkin
(magiging 4 na sila next yr dahil magkakaroon na
ng kapatid si Kobe) :-)


inagahan ko talaga ngayon ang box ko.
para maiwasan ang nangyaring delay noong last vacation ko.
nauna pa ako sa aking balikbayan box. :-)

Week 4: JBR & Dubai Marina (...And That Completes My Stop in Dubai)

I was so happy last night. And why not? Nakasama ko ulit sa galaan ang mga dating ofismeyts at mga kaibigan ko from previous company (2nd company in Dubai). Aside from that, napuntahan ko na lahat ang aking mga places to visit in UAE before I settle for good sa Pinas! 2 out of 3 conditions na inilatag ko sa aking planong REPATRIATION ay natupad ko na! Yipppeee!!!! 1 more to go & i'm all set. :-)

Going back to my friends. I hope they wouldn't mind kung mag-kwento man ako ng unti tungkol sa kanila dito sa aking blog.

We were four actually na gumala---si ate JR, JY, SM (siya ang kumuha ng mga picture namin dito) at ako.

Si Ate JR - although di naman gaanong magkalayo ang aming edad, i call her ate. ganun kasi ang tingin ko sa kanya--a good ate. maasikaso, understanding and loving. i admire her strength. ang dami na rin niyang pinagdaanan sa buhay pero nananatili siyang nakatayo. you know why? i tell you her secret---she has very strong faith in God...i wish her well. sana matupad lahat ng hangarin niya sa buhay lalung-lalo na ang mga pangarap niya sa kanyang cute na cute na baby. :-)

Si JY- pareho kami ng pinanggalingang probinsiya. madaldal at malakas din ang boses na kagaya ko. medyo may pagka-tactless. very fun to be with. maaaliw ka talaga sa mga kwento niya. may action pa na involved pag mag-kwento yan...but what i like most about her is yung pagka-matulungin niya. Mapamaliit man ito or malaki, her sincerity is always there. She's been very vocal sa kanyang ultimate dream & goal right now--that is yung makapag-migrate siya sa CANADA (kinukuha siya ng tita niya doon). Gusto din niyang mag-settle down & have a family of her own. I'm praying na sana matupad ang mga ito---ma-grant na ang application niya then, magpakasal at kunin ang bf niya. :-)


Very underrated sa blog ko sina ate JR at JY, if i'm not mistaken once or twice ko pa lang silang nabanggit dito. But this doesn't mean, they are less of a friend to me. Mabibilang ko ang mga itinuturing kong tunay na kaibigan dito sa Dubai at kabilang sila dito. :-)


Kung underrated sina ate JR & JY, overrated naman si SM sa blog ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang nagpasimula ng blog ko.

si SM- siya ang male version ni JY sa pagiging tactless, only on a much higher level. pinakamalakas ang boses sa amin dahil may sinasabi---pinakamatalino at pinakamayaman?! ?!(i beg to disagree)...as his friend, i'm really proud of his achievements...whenever he teases me "inggit ka na naman"...my answer is always "kelan pa ako naiingit sa'yo?"...1st, hindi ako inggitera...2nd, i'm too happy para maramdaman ang inggit.

Don't get me wrong, di ko sinasabing masamang tao si SM. Di ako papayag, dahil lahat ng mga kaibigan ko ay mabuti..hehe...Madami din naman natatagong kabutihan ito, di ko na iisa-isahin at baka magyabang na naman. (peace SM!) :-)

But surprisingly, siya ang pinakamaraming 'galaan/lakad' na nakasama ko dito sa dubai. i remember noon (year 2007), tinanong ako nina JY at ate JR "bakit pa kayo laging magkasama ni SM, eh lagi ka naman niyang inaasar?"...ang sagot ko sa kanila is "ang tingin ko kay SM is parang si jo (my bestfriend who now lives in Canada), nagkataon lang na lalake siya."



My initial repatriation date is July 2013. My two-year contract with my employer will end on that date. Eksakto din ang pag-uwi ko dahil 60th Birthday na ng aking nanay--19 Aug 2013...Ang hiling ng aking nanay sa aming magkakapatid (lahat kami ngayon nasa ibayong-dagat), ay sama-sama kaming mag-celebrate ng kanyang 60th birthday sa amin.

I'm sure, i'm gonna be missing all my friends here in Dubai when that time comes. Kaya naman, ngayon pa lang iniipon ko na lahat ng mga pinagsamahan at pagsasamahan pa namin dito sa Dubai. I want them to know na i'm so grateful for having such good friends. They are God's gift to me. Thank you so much, friends. :-)


06 Oct 2011 (Thurs)

From L to R: ate JR, JY & me
Dubai Marina metro station
on our way to our destination :-)


1st stop namin is kainan, mga gutom na.
pretending on a diet ako, eto ang order ko! :-)
lahat sila lauriat ang order.


fresh lumpia @ Chowking, JBR
kumain din ako ng siopao at siomai (not in the photo)

note: KKB ang usapan pero dahil meron kaming
mayaman na kaibigan (si SM), sagot na daw niya ang almost 100% ng bill.
an early treat sa kanyang nalalapit na pagyaman!
congrats fren! this is really is it! :-)


small fountain @ JBR


from L to R: JY, ate JR & me
1st pic ko na nakaharap ang mukha
di nako nag-request ng back-pic namin
to downplay 'tong blog ko
(baka maisipan nilang abangan ito)


my happy feet...just tell me,
saan nyo pa gustong makarating? :-)


from L to R: JY, ate JR and me
i love this photo!
"madonna & her children" :-)

this is it! Dubai Marina @ night!
super napa-wow ako! i so love "alexis!", my camera
di niya ako binigo . :-)


on my 30th birthday (last March), i made some wishes.
my wishes are happening right before my very eyes.
did i underestimate You? Not at all.
Then, what am i waiting for?
I AM WAITING FOR YOUR SIGN.
which is which? :-)



Wednesday, October 5, 2011

Stellar

Sa ofis. Sa bahay. Sa metro. Sa daan while walking. Sa supermarket. Sa harap ng tv. Maging habang nagba-blog. Kahit saan yata ako magpunta, lagi kang nasa isip ko. :-)

Pick-up Lines
"Kung may sweldo lang ang mahalin ka, MAYAMAN na ako" :-)



STELLAR BY INCUBUS

Meet me in outer space.
WE could spend the night;
watch the earth come up.
I've grown tired of that place;
won't you come with me?
WE could start again.

How do you do it?
Make me feel like I do.
How do you do it?
It's better than I ever knew.

Meet me in outer space.
I will hold you close,
if you're afraid of heights.
I need you to see this place,
it might be the only way that
I can show you how it feels to be inside of you.

How do you do it?
Make me feel like I do.
How do you do it?
It's better than I ever knew.
You are stellar.






Incubus - Stellar (acoustic) Mp3
Mp3-Codes.com

Sunday, October 2, 2011

Hubad Na Katotohanan...

02 Oct 2011 Sunday


Gospel: Matthew 21:33-43


'Listen to another parable. There was a man, a landowner, who planted a vineyard; he fenced it round, dug a winepress in it and built a tower; then he leased it to tenants and went abroad. When vintage time drew near he sent his servants to the tenants to collect his produce. But the tenants seized his servants, thrashed one, killed another and stoned a third. Next he sent some more servants, this time a larger number, and they dealt with them in the same way. Finally he sent his son to them thinking, "They will respect my son." But when the tenants saw the son, they said to each other, "This is the heir. Come on, let us kill him and take over his inheritance." So they seized him and threw him out of the vineyard and killed him. Now when the owner of the vineyard comes, what will he do to those tenants?' They answered, 'He will bring those wretches to a wretched end and lease the vineyard to other tenants who will deliver the produce to him at the proper time.'


Jesus said to them, 'Have you never read in the scriptures: The stone which the builders rejected has become the cornerstone; this is the Lord's doing and we marvel at it? I tell you, then, that the kingdom of God will be taken from you and given to a people who will produce its fruit.'


Source: www.saintmaryswdubai.com



Ayon kay Father Tomasito, ang parable sa itaas ay isang pagpapa-alala sa atin ng dalawang katotohanan dito sa mundo.


1) sole ownership/proprietorship---there's only one owner dito sa mundo at ito ay ang Diyos. lahat ng 'feeling' natin pag-aari natin ay Kanya.


2) lease/rent - tayo ay nagre-rent lamang. & we must pay our due. para makabayad tayo kailangan nating gamitin at linangin ang ipinagkatiwala sa atin.



Let us count kung anu-ano ang ipinagkatiwala sa atin. Nakabayad na ba tayo? Kung hindi pa, pwede daw gumawa ng promissory note sabi ni Father. :-)



Dear Lord,


Maraming-maraming salamat po sa lahat ng ipinagkaloob Ninyo sa akin.
Nais ko pong maging mabuting katiwala Ninyo. Nawa'y magampanan ko ito ng maayos
at naaayon sa Inyong kagustuhan.

love,
tin








Saturday, October 1, 2011

Dalawang Taon Na Tayo...:-)

when winter comes in summer
when there's no more forever
when lies become the truth
well you know then baby, that's when i'll stop loving you.
Happy 2nd Anniversary, Animus!



Since it's her 2nd anniversary today, nagpaunlak ng no-holds-barred interview si Animus. :-)

Interviewer: before ko umpisahan ito, gusto kong magpasalamat sa'yo for giving me this opportunity na mainterview kita..
Animus: the pleasure is mine (naks parang totoo..hehe)
Interviewer: Out of 261 na blogposts mo to date, alin ang pinaka-tumatak sa'yo?
Animus: lahat. ako kasi ang mga yun. sinasalamin ng mga ito kung ano ang nangyayari sa buhay ko.
Interviewer: as a blogger, ano pa ang gusto mong gawin?
Animus: madami pa. gusto kong maka-attend ng Grand EB dito sa Dubai. gusto ko ding sumali sa isang blog contest someday. may plano din akong mag-invite ng ibang bloggers para maging ka-blogroll ko. may pagka-friendly din naman ako. di pa nga lang nadedevelop. :-)
Interviewer: will these happen anytime soon?
Animus: hopefully soon. di naman siguro aabot ng 3rd anniversary ko. hehe.
Interviewer: are you saying, handa ka ng magpakilala sa buong mundo?!
Animus: hahaha...natawa naman ako sa'yo. meron bang nagtatago na nagpa-publish publicly? pero as to being ready, masasabi kong matututunan ko din yan.
Interviewer: you mentioned before na ayaw mong mabasa ng mga kakilala mo ang blog mo, ganito pa rin ba ang stand mo ngayon?
Animus: i have always been vocal sa pagsasabi sa mga kaibigan ko (na alam na may blog ako) na wag na nilang hanapin ang blog ko dati. hindi ako magiging komportableng magsulat ng personal tungkol sa akin or sa kanila pag nagkataon..eh pare-pareho na namin itong alam. hehe...pero kung di sinasadyang nakita nila ito, okay lang naman ito sa akin.
Interviewer: Looking back, meron ka bang hindi nagawa na gusto mo sanang gawin?
Animus: Isa akong masugid na follower ng ilang blog, bago ako maging isang blogger. Kung babalikan ninyo ang pinaka-unang post ko, nandun ang mga iyon. Super fan talaga ako. Yun nga lang, di ko man lang nagawang magpakilala or mag-comment man lng sa dalawa sa mga ito. Sana magawa ko pa rin ito.


Up Close and Personal with Animus :-)

Interviewer: can i ask some personal questions? curious lang ako what's inside your mind and heart. :-)
Animus: ok lang, pls feel free...(but really, kailangan ko ng makakausap ngaun)
Interviewer: in one of your blogposts...nung bday mo yata yun...you made a wishlist, isinama mo doon ang pagkakaroon ng lovelife....you know very well na napakalakas mo sa Itaas at ibibigay Niya ito, ready ka na ba talaga?
Animus: I feel ready na ako. Nandun ang willingness on my part to take that risk again. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko. "it's time to bring this ship into the shore and throw away the oars forever" ayon sa kantang can't fight this feeling anymore. hehe... If I am meant to be single forever, then bakit ko palaging nakikita ang sarili ko bilang isang nanay & wife?!?!
Interviewer: what exactly ang hinihingi mo? at ibinigay na ba ito?
Animus: my prayer is sana ibigay sa akin yung taong gusto ko at mamahalin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya..ibinigay na ba ito? hmmmmm, i would say YES! :-) I just have this strong feeling na mangyayari ito.
Interviewer: i'm so happy for you animus. i'm sure madaming magiging masaya for you.
Animus: masaya din ako. answered prayer. it's not important kung maging KAMI man o hindi, basta masaya ako pag kasama ko siya at lagi siyang nasa isip ko pag hindi ko siya kasama. :-)
Interviewer: ipapakilala mo ba siya?
Animus: oo naman...pag may nakita kayong kasama ko na dito na kaming dalawa lang sa pic, siya na yun. :-)



Note: Kelangan po munang putulin ang interview kay animus...inaantok na ang interviewer (1am na dito ngaun)...sa palagay nito, kayang-kayang magpa-interview ni animus hanggang umaga ng walang tulugan. inspired eh. :-)..yun nga lang, di kayang makipagsabayan ni interviewer. Gudnyt!


nag-effort tlaga akong maghanap ng maliit na cake for animus:
diet mode pa rin kasi ako
(sa spinney's ako nakakita- 1 slice of chocolate cake..hehe)


tanong ko kay kabayan, "kabayan, pwede ba akong mag-request?
pwede bng palagyan ng pangalan ito?"
sagot ni kabayan, "walang problema. anong ilalagay ko?"
sinabi ko ang pangalan...natuwa ako kay kabayan ng ibinigay ito sa akin.
Nilagyan niya pa ito ng 3 hearts! hehe...sabay nangingiti pa sa akin. :-)