Friday, January 28, 2011

If Worse Comes To Worst...

Karugtong ito ng aking previous post.

Naikwento ko na sa amin at sa ilang mga kaibigan ang 'malungkot' na balita bunga ng restructuring ng aming kumpanya. I assured them na okay naman ako, ayokong mag-alala pa sila.

Tumawag agad si nanay ko sa akin, akala siguro niya nagngangangawa na ako dito sa Dubai. hehe. Iyakin kasi ako dati lalu na nung bago-bago ako sa Dubai. Pero those were the days are gone. Nag-mature na ako. Nakakapag-isip na ako ng maayos, hindi padalos-dalos. Marunong harapin kung ano ang pinagdadaanang problema. Atleast may mabuting naidulot din ang pagtira ko dito sa Dubai ng mahigit limang taon! (pinatanda niya din ako? hehe)

Kanina, chat date namin ni nanay ko. Nakikibalita siya kung ano na development sa akin? Sabi ko, waiting pa din. Pumapasok pa din naman ako sa kumpanya namin. Noong Tuesday, na-interview at nag-exam na ako sa HR ng supposedly lilipatan ko within the Group. Sabi ko sa nanay ko, wag siyang mag-alala kasi hindi ako papayag na mawalan ng trabaho! (hehe, pampalakas lng ng loob niya...for the longest time, si nanay ko ang aking kuhaan ng lakas ng loob..this time gusto kong ako naman magbibigay ng lakas sa kanya). Sabi ko sa kanya, 'ma tuloy lang ang bahay natin may sweldo pa naman ako this month. :-)

Natutuwa ako sa sarili ko ngayon. I can see a stronger me. Naks! Ewan ko pero ito talaga ang nararamdaman ko. hehe.

"I can do all things through Christ who strengthens me"
Philippians 4:13


Very positive ako sa pagharap sa aking pinagdaraanan ngaun. Pero it doesn't mean na hindi ko kinokonsider ang posibleng negative na mangyari sa akin. Tinitingnan ko din ito para maiwasan at maging handa ako if in case mangyari ito.

ang aking naging pagmuni-muni:
since given na na mawawala na ako sa current company ko, the worst thing that could happen to me now is yung walang malipatang ibang company.

ang aking reaksyon:
(very calm pa rin) it's not the end of the world. for sure, makakahanap ako ng work. ngaun pa ba ako matatakot, eh teritoryo ko na ang dubai! hehe. :-)


@ Dubai Creek Park, Friday 07 Jan 2011

for picture/blog purpose lng ito, sa totoong buhay
di ko gagawin yan. takot ko lng :-)



Thursday, January 20, 2011

Life Goes On....

After lang ng ilang araw kong kasiyahan, nakatanggap ako ng isang 'malungkot' na balita sa aking amo. Although, anticipated ko na ito noon pa, medyo shocked pa rin at nag-iisip sympre kung saan ako mapupunta. Ano na ang mangyayari sa akin? (paano na ang engrandeng plano ko na kasalukuyang in-progress stage?)

Ang kumpanya namin ay nag-undergo ng restructuring. Bale ang set-up is magiging part or division na lang sila ng Group Company. Bilang accountant nila, ang role ko ang nasagasaan ng restructuring. Tinanong ko si amo, "mawawalan na ba ako ng trabaho & how soon?". Huwag daw akong mag-alala kasi nasa akin daw ang desisyon. Inaasikaso na daw niya ang transfer ko sa Group Finance. Okay na okay sa akin ito dahil noon ko pa talagang gustong malipat sa Group Finance. Nakausap na daw niya ang mga Finance Managers (dalawa kasi ang Group Finance namin). Magiging excited pa sana ako sa balita, yun nga lang sinabi ni amo na ang may current available slot daw ay yung position under ni Finance Manager na kilalang-kilala na ayaw sa mga pinoy. Nai-blog ko na siya dati dito dahil pati ako ay pinag-iinitan niya dati considering hindi naman ako under sa kanya. What more kung malipat ako sa kanyang departamento? Waaahhhh...Hindi ko talagang mapigilang sabihin sa aking amo na na prefer ko sanang malipat sa kabila. Tatanungin daw niya yung manager dun. (hindi maasikaso ngayon dahil busy kami sa pag-eempake ng aming mga gamit papuntang bagong ofis)

Actually, naninibago ako sa sarili ko ngayon. Hindi ko pa ito iniyakan. Baka kasi hindi pa lng nag-sink in sa akin ito? Naikwento ko na ito sa aking mga kaibigan, sabi ko ok lang naman ito sa akin. Basta ang importante sa akin meron akong trabaho, kasi i can't afford to lose my job right now! Magwawala ako at isusumpa ko talaga ang aking amo pag nagkataon. hehe.
Kahit naman sinasabi kong ok sa akin ito, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sympre dahil hindi pa malinaw sa akin ang mangyayari. Sana next week maging malinaw na.
Ang ipinagpapasalamat ko ay yung kung paano ko tanggapin ang balitang ito. Yes, meron akong nararamdamang pangamba (yung takot na baka mawawalan ako ng work). But at the same time, looking forward ako sa mga magiging changes in the next few weeks. Mas lamang ang mga positibong naiisip ko kesa sa negatibo. Thank you Lord. Alam kong hinding-hindi mo ako pababayaan. :-)

Kaya kahit anong mangyari, tuloy pa rin ang takbo ng buhay! In fact, bukas TATAKBO AKO para sa 2011 Standard Chartered Dubai Marathon. Excited na ako! hehe... :-)


ang aming marathon kit! :-)

eto ang mga nasa loob nito
3 shirts- 2 from adidas & 1 from our company
(yung provided ng company ang isusuot namin
para daw madali kaming magkitaan dun. Go Green!)
booklet about dubai marathon (42.195km)- past & current events.
energy drink, hand sanitizer plus bag. :-)
a staggering US$250K ang prizes ng mga mananalo sa marathon!
(both for men & women)at pag na-beat daw ang world record,
a whooping 1M dirhams (equivalent to US$272K) ang ibibigay sa kanya!
pero this is not about the prize..hehe..sumali ako dahil pangarap ko ito!
kaya naman ang sinalihan namin ay yung 3km fun run lang! hehe.
Next marathon, 10km naman then who knows after that sa full marathon na. :-)



Tuesday, January 18, 2011

When Happiness Meets Me :-)

Ang gaan-gaan ng feeling ko today. Masaya kasi ako ngayon. At gusto kong i-share ito dito sa aking blog. hehe...Mabilisan lang ito dahil meron pa akong pagkakaabalahan pagkatapos nito.


Why I Feel Happy?

1) merong good news ang isang kaibigan tungkol sa upgrading ng career niya! masaya ako para sa kanya. i'm praying na sana smooth ang maging transition nito. my best of luck sa kaibigan kong ito! :-)

2) dumating na kanina ang kaibigan kong si Jo! She's back in Dubai! Yipppeee, sobrang saya ko kahit sa phone pa lang kami nagkausap! Tumuloy muna siya kina Ryan at Ivy (ang mag-asawang kaibigan din namin) dahil next week pa ang balik ng asawa ni Jo from business trip. Baka sa weekend na kami magkita dahil malayo ang bahay ng aking kaibigan dito sa aking tinitirhan. Grabeh, sobrang miss ko talaga ang aking kaibigan! I'm so happy na nandito na ulit siya sa Dubai kahit pa hindi na kami magkasama ng bahay ngayon. (she got married last Sept 2010 kaya umuwi din kaming lahat na magkakaibigan sa pinas)

3) i will run on Friday dahil sumali kami sa 2011 Standard Chartered Dubai Marathon! Yey! I so love it! Matagal ko nang gustong sumali sa isang marathon at eto na nga pagkakataon ko. hehe. It will be a dream come true for me! Excited na ako! 3 km lng muna ang aking tatakbuhin for a first-timer. Pero next marathon, tingin ko yakang-yaka ko na ang 10km! haha....(fighting spirit ko ang nagsasalita!)

4) sabi ko sa mga busmates ko kanina, last day ko na sa service sa Thursday dahil lilipat na kami ng ofis. Bigla ba namang nagpalakpakan at nagsaya ang lahat dahil daw aalis na ako sa bus. hahaha..makakatulog na daw sila at wala ng maingay!...Sympre alam ko namang biro at lambing lng nila yun sa akin. nag-reminisce kami kanina sa bus at tawa lang kami ng tawa! napag-usapan ang first impression nila sa akin! hahaha...di daw ako makabasag ng pinggan noong una! hahaha... kinwento ko sa kanila na 'umiyak' na ako nung nalaman kong lilipat na kami ng ofis kasi ibig sabihin iiwanan ko na ang bus at hindi na kami magkikita. binanggit ko din sa kanila na puro fun memories ang mga alaalang dadalhin ko. sabi ko nga, 'fun' ang unang naiisip ko pa nababanggit ang service namin. tiyak maninibago daw sila at malulungkot sa Sunday. Sabi ko, huwag silang malungkot! dahil nandiyan pa din naman ako sa tabi-tabi. minsan aabangan ko ang bus! haha...Tsaka magpapa-spaghetti ako bukas kaya wag kayong magdala ng baon o mag-confirm sa canteen! :-)


Magluluto pa ako ng spaghetti ngayong gabi. Ni-defroze ko lang ang minced pork at hotdog kaya naisingit ko ang isa pang nagpapasaya sa akin---ang mag-blog! :-)



ang aking pinagpuyatan at pinagpagurang spaghetti. :-)
1:30 am na akong natapos sa pagluluto
sana maging 'happy' din ang mga kakain nito. hehe...

Saturday, January 15, 2011

Usapang FB :-)

Dahil bago-bago lang ako sa FB, excited ako lagi pag may notifications ako. hehe....Nakakatuwa, nakuha pa naming magkakaibigan magkulitan sa FB. First time sa FB kaya kinopya ko ito para mai-blog dito. hahaha. Kuha ito sa wall ni ate gie, dati naming kasama ni jo sa haws na nasa Canada na ngayon. :-)


Joan ate g! gnda ganda ng apo mo ;D
Yesterday at 6:37am · Like · Comment · See Friendship

Ryan syempre, san pb magmamana yang mga apo eh di sa... sa... sa lola din na maganda hehehe
Yesterday at 8:04am · Like

Kristine aba sympre...reyna ang lola, prinsesa ang apo! :-)
Yesterday at 10:42am · Like

Regina ‎@ ryan & tin! aus din naman kayong dalawa mangbola ay! @ joan, dubai ka na ba? ryan, balitaan mo ako pag malapit na ako mag ninang ke tin, baka nahihiya pa, hahaha... tin, parang iba na ang taste mo sa clothes ngayon ah, hindi na manang, palagi ka na rin ngayon sa fb ano?? pahulihin ka kasi..
Yesterday at 6:47pm · Like

Kristine hahaha..ninang gie!!!!!di ako nahihiyang magsabi, wala pa lng talaga...hahaha...grabeh naman ate gie,di ko alam manang pala ako dati..yup, kaka-recruit ko lng sa fb. hehe.. :-)
Yesterday at 7:15pm · Like

Regina hahaha, ok tin...parang me life after office ka na ah...enjoy dubai at pag punta mo dito eh work to death din, hahaha...me snow pang kasama..
Yesterday at 7:44pm · Like

Ryan te gi, malapit- lapit n tlagang maging ninang k. akalain mong di n ngtitigil sa bahay yan, laging nsa sharjah. minsan nga muntik ng tumanggi, eh huling- huli nman na! hehehe
Yesterday at 10:06pm · Like

Regina hahaha, huli mo pala ryan ha! naka bwelo ba?
21 hours ago · Like

Kristine hahaha..ryan! wag mo naman akong ipahiya dito sa FB...huli sa akto ba? hehe...ate gie, wag kng maniwala dyan...:-)
12 hours ago · Like

Joan aba aba..Tin, sino ang pinupuntahan mo sa shj? huli na ko sa balita a, heheh.. Te Gi nasa pinas pa ko sa tues pa dating ko dun.. naku te G sana pag nag ninang ka na kay Tin present ka na sa wedding, hehehe ;D
3 hours ago · Like

Friday, January 14, 2011

Bank Loan

"Thanks, but I'm not interested", ito ang aking laging sagot sa mga bank agent na nag-aalok ng loan sa akin. Very tempting ang kanilang mga offer lalu pa kung talagang may paglalaanan ka. Pero i promised myself na hindi ako maglo-loan dito sa abot ng aking makakaya. Pagkakasyahin ko lang kung anong meron ako. Kung kailangan ng panahon para mag-ipon, mag-aantay ako.

Bakit naisip kong i-blog ito? Interesante kasi sa akin ito ngayon. Next week, uumpisahan na muli ang aking 'engrandeng proyekto'. Todo ipon ako ngayon para dito. Lahat ng cash inflows ko hanggang May 2011 ay budgeted ko na para dito. Gusto ko nga laging month-end para laging sahod. hehe. Wish ko lang naman.

Kung minsan naiisip ko mag-loan na kaya ako? Para talagang matapos ang aking proyekto ng mabilisan. Agad namang kokontra ang sarili ko mismo. Ako daw ang mas mahihirapan pag nagkataon. Mas maganda pa rin ang walang iniisip na obligasyon sa iba. Atleast kung mawalan man ako ng trabaho (wag naman po sana ngayon), hindi mahirap ang mag-umpisa ulit. Ang dami daw Pinoy na nakakulong ngayon dito sa Dubai dahil sa hindi nakabayad sa kanilang mga loan! Nakakatakot di ba? Yung iba naman, blacklisted na dito dahil sa mga tinakasang utang.

Hindi naman ako against sa 'loan' itself. Malaking tulong naman talaga ito kung titingnan mo. Lalu pa kung kailangan mo talaga. "Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo", sabi nga nila.

Pero ewan ko ba, ganito talaga ako. Hindi mababali ang sariling paniniwala. Pinaninindigan ko talaga kung anuman sa tingin ko mabuting gawin ko as long as na wala naman akong masasagasaan na ibang tao.

Wednesday, January 12, 2011

Unang Sweldo

Balik-tanaw mode muna ako ngayon. Bigla ko lang kasing naalala kanina na nahigitan ko na ang taon na nag-work ako sa abroad kaysa sa Pinas. More than 3 years lang ako sa Pinas while dito sa Dubai ay 5 years na & still counting. Tapos, biglang sumagi sa aking isipan kung ano ang ginawa ko sa aking mga unang sweldo.


Unang Sweldo sa Pinas

Akala ng iba, pag isa kang CPA at nagta-trabaho sa isang kumpanya sa Manila, automatic malaki na ang sweldo mo. Parang naririnig ko pa hanggang ngayon ang sinasabi ng mga kumare at kamag-anak namin sa nanay ko noon "mare, ang swerte mo kay tin. isang CPA, siya ang pag-aagawan ng mga kumpanya niyan." Sympre isang myth lng ang mga ito, ako pa rin ang nag-apply at lumapit sa mga kumpanya at tamang mabubuhay lang ang isang tao sa sweldo ko!

Ang biruan nga namin ng nanay ko pag kami na lang dalawa---hindi nila alam 'sabon' lng ang kaya kung i-contribute sa expenses namin sa bahay. Pero dahil super proud sa akin ang aking pamilya at mga kamag-anak noon ay talaga namang kahit ako feeling ko 'ang yaman ko!' at parang mataas na din ang sweldo. hahaha.. (big celebration nung pumasa ako sa board dahil 1st tym sa aming pamilya na nagkaroon ng CPA)

Isang kumpanya lang ang pinasukan ko sa Pinas, sa isang airline company. Feb 26, 2002 ako nag-start at akinse ng Marso ng matanggap ko ang pinakaunang sweldo ko! Sympre masayang-masaya ako. Alam kong inaabangan din sa amin ang aking unang sweldo. Ang dami kong gustong bilhin para sa kanila!

Noong panahon na iyon, eksakto namang nasira ang aming TV. Kaya sabi ko sa sarili ko, TV ang bibilhin ko para sa unang sweldo ko. I-susurprise ko si nanay para masaya. :-) Ang kaso, magkano ang color TV noon na 21 inches flat screen? mahigit 13,000! Kulang na kulang ang aking unang sweldo.

Pero dahil gustung-gusto kong maibigay ito sa amin, nag-text ako sa kuya ko na noon ay nagta-trabaho sa Taiwan. "kuya, pwedi mo ba akong pahiramin ng 10K? nasira na kasi yung lumang tv sa bahay, gusto kong bilhan sina nanay ng bago para sa 1st salary ko sana kaya lang di naman kasya. wag na nating ipaalam kay nanay ito, surprise ko kasi ito para sa unang sweldo ko" First tym kong nanghiram ng pera sa kuya ko nito. Hindi naman ako binigo ni kuya, ipinadala niya sa akin directly ang hiniram ko.

Pagka-weekend nun, inaya ko si nanay ko na magpunta kami sa SM. Sabi ko, kung pwedi sana magdala kami ng sasakyan dahil bibili kami ng TV! Sympre natuwa si madir at pinakiusapan ang isang tito na samahan kami. Ginagamit pa sa amin hanggang ngayon ang 'katas ng unang sweldo ko' - isang 21 inches JVC tv flat screen!

Nabayaran ko ang kuya ko after ng mga ilang payday pa... hehe...(may sariling pamilya na ang kuya ko noong panahon na iyon kaya nakakahiya ng humingi sa kanya)..hindi din nalaman sa amin ito. :-)



Unang Sweldo sa Dubai

On visit visa akong nagpunta dito sa Dubai. Walang employment offer, nakipagsapalaran lang kagaya ng aking mga kaibigan. 2 months ang validity ng visa noon tapos kelangan mo ng mag-exit. Nov 17, 2005 ako dumating dito. Jan 15, 2006 nag-exit ako sa Queshm Island, Iran.

Bago ako mag-exit ay eksaktong nagkaroon na ako ng trabaho (Dec 30, 2005). Pero bago ito, ilang baldeng luha ang niluha ko dito sa Dubai. Naikwento ko na rin dati dito sa blog ko na muntik na akong mapauwi ng Pinas dahil wala akong ginawa noon kundi ang umiyak. Ewan ko ba, masyadong madrama ang buhay ko noon. Sabi ko nga lahat na yata ng occassion iniyakan ko noon (christmas, new year, valentines, bday, fiesta etc....)...hahaha.

Dahil nasa abroad na ako, door-to-door money transfer ang pinakaunang padala ko sa nanay ko! Nangyari ito noong araw na nag-exit ako. Hindi ko pa na-received noon ang unang sweldo ko dahil month-end ang payday dito. Pero since confirmed na na may work na ako, excited ko ng ipinadala sa pinas ang natira sa allowance ko tsaka yung ilang days na bayad sa akin sa nauna kong pinasukan bago ang unang kumpanyang nag-visa (employment) sa akin.

Madami din akong nagastos sa pagpunta dito. At ang mga naging financer ko noon ay ang aking kuya, si tita MG at tito OB. Hati-hati sila. Very thankful ako sa kanila dahil sila pa mismo ang nag-alok ng tulong sa akin. Samantalang walang kasiguraduhan kung makakahanap ba ako ng trabaho dito. Kaya naman ang mga unang sweldo ko ay inilaan ko agad sa pagbabayad ng aking mga iniwang obligasyon sa Pinas.

Sunday, January 9, 2011

Istorya Sa Likod ng Aking Facebook

Dahil sa kakulitan ng aking mga kaopisina, meron na akong Facebook Account ngayon! ganun ako ka-late pagdating sa mga new social networking sites. buti na lng, meron akong blog para masabi kong updated pa din naman ako kahit papaano. :-)


THE STORY BEHIND
Biru-biruan na dati pa na gagawan ako ng Facebook ng aking mga kaopisina para maging IN na ako. Super OUT na daw ang Friendster. Tanging ako na lng daw ang walang Facebook, dinaig ko pa daw ang mga lolo at lola nila! hahaha....

Pagkadating ko galing sa bakasyon noong Oct 2010, naglakas na ng loob si JM (friend/ofisymet) na gawan na ako ng Facebook account. Ginamit niya ang aking existing yahoo email address pero dahil hindi nila alam ang aking password, di ito na-confirm. hehe..

Di pa rin sumuko si JM, ginawan niya ako ng new email yahoo address para lang sa FB. voila! meron na akong Facebook account with matching pictures pa na naka-upload. Mga pictures namin sa ofis. Natuwa ako sa effort na ginawa ng aking kaibigan pero di pa rin ako naging active sa Facebook. Nakikibalita lang ako kanila kung merong bago sa Facebook ko. Lahat ng mga kaopisina ko ay 24/7 online sa FB thru blackberry/iPhone. Tanging ako din lang ang hindi ma-convert convert. :-)

Eto na ang power ng FB, kahit walang effort on my side na hanapin ang mga friends ko. nagkaroon pa din ako ng 28 friends! Mga kaopisina ko at ilang kaibigan. Dahil yan sa aking administrator na si JM. Thanks JM sa iyong unwavering support! :-)

Last Thursday lng ako nag-decide na seryosohin ang FB dahil katabi ko si NS sa bus at eksakto open ang FB niya at naengganyo ako na buksan na finally yung FB ko. Nakakatuwa nag-reconnect kami ng isang kaibigan/dating kaopisina sa pinas (DC)! Bago ang F4, siya ang close friend ko noon! Nasa Singapore na pala siya ngayon. (sayang, di ko alam dati, nag stopover pa naman ako dun last Sept 2010). Sabi ko sa kanya, magkita kami sa Malaysia sa bakasyon ko para mag-bonding kami! Ok na ok daw sa kanya! Excited na kami! :-) Nauna siya sa aking nag-resign sa trabaho noon. Last kaming nagkita, bago ako nagpunta dito sa Dubai noong Nov 2005 pa!

Nag-reply din ako sa message ng isang dating kaopisina. nagpaliwanag na bago lang ako natutong mag-FB. obvious naman daw. Oct 2010 pa yung message nia, Jan 2011 akong nag-reply. hahaha...

Natuwa ako nang makita ko ang class picture namin nung hayskul, meron kasing FB ang aming class. Nahanap ako ng administrator ng grupo. Ni-confirm ko ang friend request ng grupo. Expected ko na posibleng mahanap ako ng ibang hayskul klasymets ko. Pero nabigla ako tonight, meron akong 38 friend requests! Lahat hayskul klasmeyts ko!!!!! Waaahhhhh...di ko muna ni-confirm, masyadong overwhelming ang pangyayari. hahaha....

Kilala ko ang sarili ko. Pag naadik sa isang bagay, adik na adik talaga. Kaya ingat na ingat ako pagdating sa FB. Madami na akong narinig tungkol dito. At hindi malayong maadik ako. Baka di na ako matulog pag nagkataon. Although pinaka-priority ko pa din ang mag-blog at bumisita ng mga blog sa ngayon.

Saturday, January 8, 2011

The Man In My Dream

Nangyari ang panaginip kong ito may ilang buwan na ang nakakaraan pero hindi ko ito malilimutan. Bakit???Nasa wedding daw ako at ako ang kinakasal!!!hahaha...in my dreams talaga! At ang nakakabigla kung kanino ako kinakasal? Panaginip lang ito kaya wag seryosohin. :-)


THE SCENE

Ang daming tao sa simbahan. Nandoon halos lahat ng mga kamag-anak ko. Nakita ko ang ilang tito na naka-barong at tita na naka-gown. Hula ko mga ninong at ninang sila ng ikakasal. Masaya ang atmosphere. Pati ako excited ang nararamdaman at parang kinakabahan. Inaabangan ko kung sino ang ikakasal, clueless ako. (Alam ko kasing lahat ng pinsan ko na nasa 'marrying age' bracket ay nag-asawa na.)

Tumugtog na ang wedding march. Sa tabi ko nandoon ang kuya ko at sa kabila naman ang nanay ko. Biglang napatingin ako sa suot ko. Nakaputi ako na gown! OMG! ako ang kinakasal! Bakit???Naguluhan ako at gustong malaman kung ano ang nangyari sa akin? Bakit di ko man lang maalala na may boyfriend ako tapos ngayon kasal na namin?

Habang naglalakad kami papunta sa altar, puro ngiti at kaway ang ibinibigay sa akin ng mga taong nadadaanan namin. Na-surprised ako nang makita ang mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita sa Pinas. Ang nakakatuwa pa, pati mga kaibigan kong taga-Dubai ay present din!

Nasa kalagitnaan ng aisle nang maaninag ko na ang aking groom pero walang mukha kung sino. Sobrang kaba ko talaga. Parang hindi na ako makalakad. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko naman magawa. Totoo ba ito? Bakit wala akong maalala?

Nang malapit na kami sa sa lugar ng groom, napansin ko sina nanay at kuya ko na nangigilid ang mga luha. Naluha na din ako. Niyakap nila ako pareho at pagkatapos ibinigay ang aking kamay sa aking groom. Napatitig ako sa groom at sobrang tuwa ko nang malaman ko kung sino ito!?!!Nagtataka pa rin ako sa mga pangyayari at the same time sobrang overwhelmed and grateful ang nararamdaman. Ibinigay kasi sa akin ang taong gustung-gusto ko as a person. Yun nga lang it doesn't make sense, first time pa lang naming mag-meet nitong taong ito!

Nakangiti sa akin si groom, hinawakan ang aking kamay at bumulong ng "finally, we've met!" Dun na ako nagising! hahaha......The End.


Natatawa talaga ako sa panaginip kong ito. Kakaiba. parang "I Knew I Loved You Before I Met You" ang istorya. Naalala ko tuloy yung dialogue ni John Loyd sa pelikulang My Amnesia Girl. Tanong niya kay Toni "naniniwala ka ba sa love at first sight?" nung negative ang response ni Toni..humirit siya ng "eh sa second sight?" at sinagot ang sariling tanong ng "pwedi!". :-)

Hanggang dito na muna ito, malalim na ang gabi. Matutulog na ako. Mananaginip kaya ako ngayon? Ikwento ko dito sakaling may karugtong ito. hehe...Gudnyt! :-)

Wednesday, January 5, 2011

Fast-Forward to My Vacation This Year 2011

Malayo pa ang aking bakasyon. Madaming araw pa ang aking bubunuin dito. Sa aking hinuha, between August to November mangyayari ito. Gusto ko sanang umuwi ng May, in time para sa aming fiesta at blessing para sa lipat-bahay kung matupad ang 'engrandeng plano' ko. kaso hindi kakayanin ng budget ko. Mas lamang ang kagustuhan kong matapos ang aking proyekto ng May 2011! Atleast mas madami akong time para planuhin ang aking vacacion grande for 2011. :-)

Gustung-gusto kong makapagbakasyon ng December pero blocked date ito sa aming kumpanya. Allowed kami ng mga 3 days or 5 days max lang. Nasasayangan ako sa magagastos kung uuwi ako para sa ilang araw lng kaya di pa ako nagbakasyon ng December sa Pinas. Pero ngayong oras na ito, seryosong iniisip ko na kailangang makauwi ako ng Pasko this year! by hook or by crook! dahil baka masiraan na ako dito. waaaahhhh, 6 na pasko na akong wala sa amin!!!!!ayoko na itong maging 7 pa.:-)


Eto naman ang aking mga pinagpipilian para sa aking month-long vacation:

Aug 2011 - birth month ng aking nanay, although ang hiling ni madir basta daw sa 60th birthday niya dapat andun ako. sa aug 19, 2013 pa yun! nandito pa kaya ako sa dubai nun?

Sep 2011- fiestang maliit sa aming barangay.

Oct 2011- baka may 'ikasal' na na naman. hehe...tuwing bakasyon ko kasi may kasal akong pinipuntahan. (1st vacation May 2008 - kasal nina ID & RD; 2nd vacation Sep 2009 - kasal nina jo & GD)

Nov 2011- all saints' day; parang family reunion din. :-)


Wala pang confirmed date ang aking bakasyon pero meron na akong itinerary! Proud ako sa aking sarili last vacation ko dahil nagawa ko lahat ng planong aktibidades ko. Kaya naman ngayon pa lang nagpa-plano na ulit ako! Very confident pa ako na maisasakatuparan ko ang mga ito.

1) Stopover sa Malaysia - after ng isang mahabang pagmuni-muni napagdesisyunan kong sa Malaysia ang magiging stopover ko! (next time na lang ang Thailand). Yipppeee! Excited na ako! Ngayon ko lang na-realize pagta-travel pala ang kaligayahan ko sa buhay. hehe. Matipid akong tao pero never akong nanghinayang sa mga gastusin pag 'galaan' at kainan ang usapan! Accountant ako pero di ko alam kung magkano ang aking nagastos nung gumala ako sa Singapore at Hongkong/Macau kasama ang aking nanay. Basta ang alam ko sobrang saya ko! Di mo ito mabibili! Priceless ika nga. :-)

2) To Organize family reunion - all set na din aming family reunion sa mother side! sa 'bukid' namin ito gaganapin. meron kasing maliit na farm ang aking tita at pumayag na siya na doon ang aming venue. Kinausap ko na din ang ilang pinsan/kaibigan para kami ang maging punong-abala. Excited na ako! Sabi ko mag-send out kami ng invitation para medyo formal ang dating namin. hahaha. Natatawa ako, pamilya kasi kami ng 'impormal' at halos lahat ng kamag-anak ko ay mga komedyante. Pagkakataon ko na ding makilala ang mga bagong henerasyon sa pamilya namin. 14 na magkakapatid lang naman sina nanay. Yung panganay nila, meron ng apo sa tuhod! Ibig sabihin, yung lola ko, apo na niya ito sa talampakan! Tiyak, matutuwa ang aking lola pag nagsama-sama lahat ng kanyang angkan. hehe. (kung buhay pa si lolo, mas matutuwa ito....proud na proud kasi ito sa kanyang angkan!)

3) wala akong planong out-of-town this time. pero kung sakaling magbakasyon ang aking kuya (na nasa ibayong dagat din), mag-aaya akong gumala kami ng buong pamilya.

4) nagpa-plano din ako ng salo-salo ng pamilya sa father side ko naman. ang unti lang namin. bilang na bilang lang kami. 6 lang silang magkakapatid, 3 sa kanila hindi pa nag-asawa. Yung lolo at lola ko hindi ko na nakita dahil wala na sila nung ako ay ipinaganak. Tapos apat sa anim na magkakapatid ay maaga ding nagpaalam sa mundong ibabaw (kasama na ang aking tatay). Nalulungkot ako pag naiisip ko ito. Kaya naman natuwa ako noong Pasko dahil sama-sama silang lahat na nag-noche buena! Napagsama silang lahat ng pinsan ko. Kwento nga ng nanay ko nag-sta claus daw ang aking pinsan! Proud ang aming pamilya sa pinsan kong ito (CS). Napakabata niyang naging chief of police sa isang bayan sa Bataan. Isang taon lang ang tanda niya sa akin. At naniniwala akong isang matinong police ang aking pinsan dahil napakabuti nitong tao.


"Patience is a virtue", ika nga nila. Kaya kakayanin kong antayin ang araw ng aking bakasyon sa 2011! Wish me luck! :-)