Sunday, January 9, 2011

Istorya Sa Likod ng Aking Facebook

Dahil sa kakulitan ng aking mga kaopisina, meron na akong Facebook Account ngayon! ganun ako ka-late pagdating sa mga new social networking sites. buti na lng, meron akong blog para masabi kong updated pa din naman ako kahit papaano. :-)


THE STORY BEHIND
Biru-biruan na dati pa na gagawan ako ng Facebook ng aking mga kaopisina para maging IN na ako. Super OUT na daw ang Friendster. Tanging ako na lng daw ang walang Facebook, dinaig ko pa daw ang mga lolo at lola nila! hahaha....

Pagkadating ko galing sa bakasyon noong Oct 2010, naglakas na ng loob si JM (friend/ofisymet) na gawan na ako ng Facebook account. Ginamit niya ang aking existing yahoo email address pero dahil hindi nila alam ang aking password, di ito na-confirm. hehe..

Di pa rin sumuko si JM, ginawan niya ako ng new email yahoo address para lang sa FB. voila! meron na akong Facebook account with matching pictures pa na naka-upload. Mga pictures namin sa ofis. Natuwa ako sa effort na ginawa ng aking kaibigan pero di pa rin ako naging active sa Facebook. Nakikibalita lang ako kanila kung merong bago sa Facebook ko. Lahat ng mga kaopisina ko ay 24/7 online sa FB thru blackberry/iPhone. Tanging ako din lang ang hindi ma-convert convert. :-)

Eto na ang power ng FB, kahit walang effort on my side na hanapin ang mga friends ko. nagkaroon pa din ako ng 28 friends! Mga kaopisina ko at ilang kaibigan. Dahil yan sa aking administrator na si JM. Thanks JM sa iyong unwavering support! :-)

Last Thursday lng ako nag-decide na seryosohin ang FB dahil katabi ko si NS sa bus at eksakto open ang FB niya at naengganyo ako na buksan na finally yung FB ko. Nakakatuwa nag-reconnect kami ng isang kaibigan/dating kaopisina sa pinas (DC)! Bago ang F4, siya ang close friend ko noon! Nasa Singapore na pala siya ngayon. (sayang, di ko alam dati, nag stopover pa naman ako dun last Sept 2010). Sabi ko sa kanya, magkita kami sa Malaysia sa bakasyon ko para mag-bonding kami! Ok na ok daw sa kanya! Excited na kami! :-) Nauna siya sa aking nag-resign sa trabaho noon. Last kaming nagkita, bago ako nagpunta dito sa Dubai noong Nov 2005 pa!

Nag-reply din ako sa message ng isang dating kaopisina. nagpaliwanag na bago lang ako natutong mag-FB. obvious naman daw. Oct 2010 pa yung message nia, Jan 2011 akong nag-reply. hahaha...

Natuwa ako nang makita ko ang class picture namin nung hayskul, meron kasing FB ang aming class. Nahanap ako ng administrator ng grupo. Ni-confirm ko ang friend request ng grupo. Expected ko na posibleng mahanap ako ng ibang hayskul klasymets ko. Pero nabigla ako tonight, meron akong 38 friend requests! Lahat hayskul klasmeyts ko!!!!! Waaahhhhh...di ko muna ni-confirm, masyadong overwhelming ang pangyayari. hahaha....

Kilala ko ang sarili ko. Pag naadik sa isang bagay, adik na adik talaga. Kaya ingat na ingat ako pagdating sa FB. Madami na akong narinig tungkol dito. At hindi malayong maadik ako. Baka di na ako matulog pag nagkataon. Although pinaka-priority ko pa din ang mag-blog at bumisita ng mga blog sa ngayon.

6 comments:

  1. hahaha, wag na wag mong susubukan! kasi ako nuon pinangako kong hindi ako magreregister sa FB, kaso kinailangan dahil sa isang org. ayun! adik na ako ngayon lolzz

    ReplyDelete
  2. @ LordCM,
    hahaha..i finally gave in sa FB! at super nag-eenjoy ako...nakapag-post na ako ng status, nag-comment, nag-like at ni-confirm ko na din lahat ng friend requests! hahaha....di pa ako adik nito. :-)

    ReplyDelete
  3. nakita ko na nga, at nakaprivate na ung mga photos mo, kahapon kasi hindi pa :D

    ReplyDelete
  4. @ LordCM,
    grabeh! sobrang busy ang gabi ko ngayon, hindi ako magkandaugaga kung ano ang uunahin.hehe..ang daming nag-comment at nag-welcome sa akin sa FB...ang saya-saya! :-)

    LordCM!!!!!bakit mo ako nakita sa FB???anonymous blogger ako!!!!hehe...gustuhin ko man na i-invite kita sa FB ko, hindi pwedi dahil baka maging 'SIKAT' ako sa blogosphere pag naging friend kita sa FB!... tsaka takot akong mahanap ng mga friends ko itong blog ko. di pa ako ready na ipaalam ito sa kanila.

    ang haba ng paliwanag ko noh...buti nga nde mo ako ni-invite sa FB dahil mas mahaba pa dito ang magiging paliwanag ko...hahaha.....

    naiintindihan ko na ngayon kung bakit madalang ang posting mo sa blog, siguro dahil sa FB! haha...

    di man kita friend sa FB, dito sa mundo ng blogosphere naman..ikaw ang super duper close friend ko!

    i-LIKE mo itong comment ko ah. :-)

    ReplyDelete
  5. hahaha, ang haba! alam ko naman na anonymous ka pa rin gang ngayon kaya di na rin kita invite sa FB :D tama ka, maraming blogger dun at may group kung saan nagtsitsikahan lahat ng blogger :D

    pag handa ka na, magsabi ka lang at invite kita :D

    ReplyDelete
  6. @ LordCM,
    hehehe..salamat sa pag-intindi at pag-respeto sa kagustuhan kong maging anonymous pa rin.

    oo naman, pag handa na ako...ako pa ang makikiusap sa'yo na i-invite mo ako tapos magmamakaawa din ako na i-suggest mo ako sa mga friends mo. (nalaman ko na pwedi pala ang mag-suggest ng friend sa FB, kaya ang bilis kong nahanap ng aking mga kaibigan!) :-)

    ReplyDelete