Naikwento ko na sa amin at sa ilang mga kaibigan ang 'malungkot' na balita bunga ng restructuring ng aming kumpanya. I assured them na okay naman ako, ayokong mag-alala pa sila.
Tumawag agad si nanay ko sa akin, akala siguro niya nagngangangawa na ako dito sa Dubai. hehe. Iyakin kasi ako dati lalu na nung bago-bago ako sa Dubai. Pero those were the days are gone. Nag-mature na ako. Nakakapag-isip na ako ng maayos, hindi padalos-dalos. Marunong harapin kung ano ang pinagdadaanang problema. Atleast may mabuting naidulot din ang pagtira ko dito sa Dubai ng mahigit limang taon! (pinatanda niya din ako? hehe)
Kanina, chat date namin ni nanay ko. Nakikibalita siya kung ano na development sa akin? Sabi ko, waiting pa din. Pumapasok pa din naman ako sa kumpanya namin. Noong Tuesday, na-interview at nag-exam na ako sa HR ng supposedly lilipatan ko within the Group. Sabi ko sa nanay ko, wag siyang mag-alala kasi hindi ako papayag na mawalan ng trabaho! (hehe, pampalakas lng ng loob niya...for the longest time, si nanay ko ang aking kuhaan ng lakas ng loob..this time gusto kong ako naman magbibigay ng lakas sa kanya). Sabi ko sa kanya, 'ma tuloy lang ang bahay natin may sweldo pa naman ako this month. :-)
Natutuwa ako sa sarili ko ngayon. I can see a stronger me. Naks! Ewan ko pero ito talaga ang nararamdaman ko. hehe.
"I can do all things through Christ who strengthens me"
Philippians 4:13
Very positive ako sa pagharap sa aking pinagdaraanan ngaun. Pero it doesn't mean na hindi ko kinokonsider ang posibleng negative na mangyari sa akin. Tinitingnan ko din ito para maiwasan at maging handa ako if in case mangyari ito.
ang aking naging pagmuni-muni:
since given na na mawawala na ako sa current company ko, the worst thing that could happen to me now is yung walang malipatang ibang company.
ang aking reaksyon:
(very calm pa rin) it's not the end of the world. for sure, makakahanap ako ng work. ngaun pa ba ako matatakot, eh teritoryo ko na ang dubai! hehe. :-)
@ Dubai Creek Park, Friday 07 Jan 2011
hirap naman nyan, pero balita ko madali lang makahanap ng work jan basta anjan ka na sa dubai, d2 kasi once naterminate ka or resign siguradong uwi ka ng pinas, di ka na pwede maghanap ng ibang work...
ReplyDelete@ LordCM,
ReplyDeleteoo nga eh, parang 'torture' ito sa akin at sa mga umaasa sa akin...ang ipinagpapasalamat ko lang is kung paano ko ito i-handle...i'm full of hope and determination na matatapos din ito. (excited na ako sa araw na iyon! magpapainom ako!!!!!hahaha..joke lng. hehe)
yun ang kagandahan dito sa dubai, pwedi kng lumipat ng ibang company. pero hindi naman ganun kadali ding maghanap ng work. tiyagaan din. pero advantage talaga kung nandito ka na at may work experience ka din dito. (funny nga kasi, naka-3 company na ako dito in 5 yrs..dito sa current co. ko lng ako nagtagal..ako lagi ang umaalis...kaya record-breaker ito pag nagkataon... hehe)