Ang kumpanya namin ay nag-undergo ng restructuring. Bale ang set-up is magiging part or division na lang sila ng Group Company. Bilang accountant nila, ang role ko ang nasagasaan ng restructuring. Tinanong ko si amo, "mawawalan na ba ako ng trabaho & how soon?". Huwag daw akong mag-alala kasi nasa akin daw ang desisyon. Inaasikaso na daw niya ang transfer ko sa Group Finance. Okay na okay sa akin ito dahil noon ko pa talagang gustong malipat sa Group Finance. Nakausap na daw niya ang mga Finance Managers (dalawa kasi ang Group Finance namin). Magiging excited pa sana ako sa balita, yun nga lang sinabi ni amo na ang may current available slot daw ay yung position under ni Finance Manager na kilalang-kilala na ayaw sa mga pinoy. Nai-blog ko na siya dati dito dahil pati ako ay pinag-iinitan niya dati considering hindi naman ako under sa kanya. What more kung malipat ako sa kanyang departamento? Waaahhhh...Hindi ko talagang mapigilang sabihin sa aking amo na na prefer ko sanang malipat sa kabila. Tatanungin daw niya yung manager dun. (hindi maasikaso ngayon dahil busy kami sa pag-eempake ng aming mga gamit papuntang bagong ofis)
Actually, naninibago ako sa sarili ko ngayon. Hindi ko pa ito iniyakan. Baka kasi hindi pa lng nag-sink in sa akin ito? Naikwento ko na ito sa aking mga kaibigan, sabi ko ok lang naman ito sa akin. Basta ang importante sa akin meron akong trabaho, kasi i can't afford to lose my job right now! Magwawala ako at isusumpa ko talaga ang aking amo pag nagkataon. hehe.
Kahit naman sinasabi kong ok sa akin ito, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sympre dahil hindi pa malinaw sa akin ang mangyayari. Sana next week maging malinaw na.
Ang ipinagpapasalamat ko ay yung kung paano ko tanggapin ang balitang ito. Yes, meron akong nararamdamang pangamba (yung takot na baka mawawalan ako ng work). But at the same time, looking forward ako sa mga magiging changes in the next few weeks. Mas lamang ang mga positibong naiisip ko kesa sa negatibo. Thank you Lord. Alam kong hinding-hindi mo ako pababayaan. :-)
Kaya kahit anong mangyari, tuloy pa rin ang takbo ng buhay! In fact, bukas TATAKBO AKO para sa 2011 Standard Chartered Dubai Marathon. Excited na ako! hehe... :-)
3 shirts- 2 from adidas & 1 from our company
(yung provided ng company ang isusuot namin
para daw madali kaming magkitaan dun. Go Green!)
booklet about dubai marathon (42.195km)- past & current events.
energy drink, hand sanitizer plus bag. :-)
a staggering US$250K ang prizes ng mga mananalo sa marathon!
(both for men & women)at pag na-beat daw ang world record,
a whooping 1M dirhams (equivalent to US$272K) ang ibibigay sa kanya!
pero this is not about the prize..hehe..sumali ako dahil pangarap ko ito!
kaya naman ang sinalihan namin ay yung 3km fun run lang! hehe.
Next marathon, 10km naman then who knows after that sa full marathon na. :-)
hows the event? naulan ba? nanalo ka? umabot ba sa finish line? wag kang galit! lol
ReplyDeleteSa umpisa lang talaga yan mahirap kasi nakakapanibago. Pero for sure ang move mo na ito ay may pupuntahan na maganda.good luck sa pagtakbo mo
ReplyDelete@ duboy,
ReplyDeletepasencia n ngaun ko lng na-accept comment mo, nagmuni-muni kasi ako at nag-isip isip. sabi ko nga sa'yo ang dami kong gustong i-blog ngaun pero di ako maka-concentrate dahil dito...cia, mukhang padrama na ako....AYOKONG MAGDRAMA!!!! hehe...di bagay, mas forte ko ang COMEDY! haha..:-)
eto ang aking mga sagot sa iyong mga tanong: super nag-enjoy kami, it was indeed a fun run! nakisama ang panahon sa amin umulan after n ng event. yup, i got a medal! of course umabot ako, 3k lng yun, yakang-yaka. haha...:-)
@ Diamond R,
thank you for boosting my morale...sana nga maging maayos ang lahat...di ako sanay na feeling naka-hang at di alam ang susunod na mangyayari.
"AJA! AJA!" galing yan sa isa sa mga paborito kong koreanovela dati na lovers in paris (Fighting! Fighting! ang english meaning base sa nakasulat sa subtitle). parang ako, di ako titigil sa pagtakbo sa laban ng buhay! :-)