Why I Feel Happy?
1) merong good news ang isang kaibigan tungkol sa upgrading ng career niya! masaya ako para sa kanya. i'm praying na sana smooth ang maging transition nito. my best of luck sa kaibigan kong ito! :-)
2) dumating na kanina ang kaibigan kong si Jo! She's back in Dubai! Yipppeee, sobrang saya ko kahit sa phone pa lang kami nagkausap! Tumuloy muna siya kina Ryan at Ivy (ang mag-asawang kaibigan din namin) dahil next week pa ang balik ng asawa ni Jo from business trip. Baka sa weekend na kami magkita dahil malayo ang bahay ng aking kaibigan dito sa aking tinitirhan. Grabeh, sobrang miss ko talaga ang aking kaibigan! I'm so happy na nandito na ulit siya sa Dubai kahit pa hindi na kami magkasama ng bahay ngayon. (she got married last Sept 2010 kaya umuwi din kaming lahat na magkakaibigan sa pinas)
3) i will run on Friday dahil sumali kami sa 2011 Standard Chartered Dubai Marathon! Yey! I so love it! Matagal ko nang gustong sumali sa isang marathon at eto na nga pagkakataon ko. hehe. It will be a dream come true for me! Excited na ako! 3 km lng muna ang aking tatakbuhin for a first-timer. Pero next marathon, tingin ko yakang-yaka ko na ang 10km! haha....(fighting spirit ko ang nagsasalita!)
4) sabi ko sa mga busmates ko kanina, last day ko na sa service sa Thursday dahil lilipat na kami ng ofis. Bigla ba namang nagpalakpakan at nagsaya ang lahat dahil daw aalis na ako sa bus. hahaha..makakatulog na daw sila at wala ng maingay!...Sympre alam ko namang biro at lambing lng nila yun sa akin. nag-reminisce kami kanina sa bus at tawa lang kami ng tawa! napag-usapan ang first impression nila sa akin! hahaha...di daw ako makabasag ng pinggan noong una! hahaha... kinwento ko sa kanila na 'umiyak' na ako nung nalaman kong lilipat na kami ng ofis kasi ibig sabihin iiwanan ko na ang bus at hindi na kami magkikita. binanggit ko din sa kanila na puro fun memories ang mga alaalang dadalhin ko. sabi ko nga, 'fun' ang unang naiisip ko pa nababanggit ang service namin. tiyak maninibago daw sila at malulungkot sa Sunday. Sabi ko, huwag silang malungkot! dahil nandiyan pa din naman ako sa tabi-tabi. minsan aabangan ko ang bus! haha...Tsaka magpapa-spaghetti ako bukas kaya wag kayong magdala ng baon o mag-confirm sa canteen! :-)
Magluluto pa ako ng spaghetti ngayong gabi. Ni-defroze ko lang ang minced pork at hotdog kaya naisingit ko ang isa pang nagpapasaya sa akin---ang mag-blog! :-)
1:30 am na akong natapos sa pagluluto
sana maging 'happy' din ang mga kakain nito. hehe...
i want spag tomorrow night. kahit tira pwede..good luck sa frend mong may upgrading ang career.
ReplyDelete@ duboy,
ReplyDeletehahaha...order taken sir...demanding! buti nabasa ko pa comment mo, cge punta ka dito sa haws tom night...don't worry hindi po tira ang ibibigay ko sa'yo. :-)
thanks, makakarating ang iyong good luck sa aking kaibigan. hahaha. gudnyt!
ayun oh!peborit! :D
ReplyDeleteang sarap naman niyan Pahingi. miss ko na ang spagetting pinoy. ang manamis namis na sauce at ang cheese. bakit naman ganyan.
ReplyDeletemaraming talagan makakamiss sayo sa bus.kung araw araw ka nilang nakakasama tapos biglan lipat.
@ LordCM,
ReplyDeleteoo nga, paborito mo nga pala ang spaghetti! kung pwedi ko lng ipadala ito dyan sa Palau, gagawin ko ito. di bale pag nagkita tayo, sisiguraduhin kong may spaghetti pag i-treat kita at ang buong barangay! hehe..:-)
@ Diamond R,
masarap nga daw. hehe..box-office nga, as in naubos namin. naku, ang dali lang lutuin nito...cge bigyan kita next tym. :-)
more than two & a half years kaming magkakasama sa bus! mami-miss ko din sila ng sobra....