"Thanks, but I'm not interested", ito ang aking laging sagot sa mga bank agent na nag-aalok ng loan sa akin. Very tempting ang kanilang mga offer lalu pa kung talagang may paglalaanan ka. Pero i promised myself na hindi ako maglo-loan dito sa abot ng aking makakaya. Pagkakasyahin ko lang kung anong meron ako. Kung kailangan ng panahon para mag-ipon, mag-aantay ako.
Bakit naisip kong i-blog ito? Interesante kasi sa akin ito ngayon. Next week, uumpisahan na muli ang aking 'engrandeng proyekto'. Todo ipon ako ngayon para dito. Lahat ng cash inflows ko hanggang May 2011 ay budgeted ko na para dito. Gusto ko nga laging month-end para laging sahod. hehe. Wish ko lang naman.
Kung minsan naiisip ko mag-loan na kaya ako? Para talagang matapos ang aking proyekto ng mabilisan. Agad namang kokontra ang sarili ko mismo. Ako daw ang mas mahihirapan pag nagkataon. Mas maganda pa rin ang walang iniisip na obligasyon sa iba. Atleast kung mawalan man ako ng trabaho (wag naman po sana ngayon), hindi mahirap ang mag-umpisa ulit. Ang dami daw Pinoy na nakakulong ngayon dito sa Dubai dahil sa hindi nakabayad sa kanilang mga loan! Nakakatakot di ba? Yung iba naman, blacklisted na dito dahil sa mga tinakasang utang.
Hindi naman ako against sa 'loan' itself. Malaking tulong naman talaga ito kung titingnan mo. Lalu pa kung kailangan mo talaga. "Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo", sabi nga nila.
Pero ewan ko ba, ganito talaga ako. Hindi mababali ang sariling paniniwala. Pinaninindigan ko talaga kung anuman sa tingin ko mabuting gawin ko as long as na wala naman akong masasagasaan na ibang tao.
Usong uso dito yan, lalo sa mga OFW, ang maganda lang wala namang nakukulong :D
ReplyDelete@ LordCM,
ReplyDeletepag OFW yata lapitin talaga ng loan...kahit nung nagbakasyon ako sa Pinas, may nag-alok sa akin nito.
hahaha...i can understand na walang nakukulong dyan dahil sa loan! kakaiba ang Palau eh. hehe..naalala ko tuloy ang ni-blog mo tungkol sa mga nakakulong dyan---parang namamasyal lng sila. :-)