Friday, December 31, 2010

Happy New Year!!!

Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa ngayon. Ang tagal kong nawala sa sibilisasyon. Ang daming pangyayari na hindi ko na naikwento. Natapos ang Simbang Gabi (na aking nakumpleto!yipppeee!!!), dumaan ang Pasko at ngayon nga'y ilang oras na lang at magpapalit na ang taon.

Gusto kong batiin ang lahat ng isang MALIGAYA AT MASAGANANG BAGONG TAON!!!
Nawa'y lahat ng ating mga hiling at resolusyon ay makamtan natin. :-)

Thank you 2010! Welcome 2011!



Di kami 'mapamahiin' pero meron kaming
13 klase ng prutas ngayong bagong taon
---pampaswerte daw. hehe . :-)


Saturday, December 18, 2010

Simbang Gabi 2010 in Dubai

Malapit na malapit na ang Pasko! 7 tulog na lang pasko na! Advance Merry Christmas to all! :-)

Nag-umpisa na din ang Simbang Gabi noong Dec 15, 2010 dito sa Dubai! Ito ang aking pinakakaabangan tuwing Christmas season. Gusto kong makumpleto ang Simbang Gabi (9 nights) this year. Pang-4th night na mamaya! Ewan ko pero ibang saya ang nararamdaman ko just by being there. Doon ko na lang idinadaan ang 'lungkot' na nararamdaman ko dahil wala na naman ako ngayong pasko sa amin- 6 pasko na. :-(

Si Father Tomasito, ang Kura Paroko dito sa Dubai, ang main celebrant ng mga misa. Gustung-gusto ko siyang magmisa. Hinding-hindi ka aantukin sa kanya. Hehe. 8:30pm nagsisimula ang Simbang Gabi at halos lahat pagod dahil mga galing sa trabaho kaya importante na dapat magaling kumuha ng atensyon ng tao ang pari. (aaminin ko, kung minsan inaantok ako sa misa noong bata pa ako...pero noon yun..hehe)



DAY 1 (Dec 15)- ang tanong ni Father Tomasito sa amin, "bakit kayo nandito ngayong gabi?" Marahil daw ilan sa mga rason namin ay:

1) dahil meron kayong hiling kay Lord na hindi pa niya ibinibigay. tumanda na kayo sa kakahiling ng iyong mapapangasawa. Lord, kukumpletuhin ko ang Simbang gabi pero ibigay niyo na pls ang aking hinihiling...parang tinatakot niyo pa si Lord. (hahaha, natawa ako dito)..

2) dahil nakaugalian na, tradisyon na nating mga Pilipino ito. sigurado merong mga hindi Katoliko dito na nandito ngayon. bakit? para maki-celebrate sa tradisyon na ito.

3) dahil totoo ang kasabihang 'there's no place like home'. gusto mong makasama ang iyong pamilya sa Pinas. iba pa rin ang magkakasama ang buong pamilya. "masaya ako ngayon kahit hindi ko kasama ang aking pamilya." walang makakapagsabi nito dahil there's no place like home, at ito ang ating pamilya. (grabeh, this made me teary-eyed)

Day 2 (Dec 16)- ikinuwento dito ang lahing pinanggalingan ni Jesus. Makikita dito na hindi lahat mararangal sa pamilya Niya, meron ding mga masasamang tao. Hindi daw laging totoo ang kasabihang 'Kung ano ang puno, siya ang bunga.' Kung galing ka sa pamilya ng mandarambong, magnanakaw, mamatay-tao hindi ibig sabihin magiging ganun ka din.

Binanggit dito ni Father Tomasito, ang istorya ng dalawang taong nagka-inlaban sa Quiapo. It turned out pareho silang magnanakaw. (hahaha). Na-engaged sila, ikinasal at nagka-anak. Yun nga lang, pagkapanganak yung bata hindi maibuka ang kanyang kamay. Kinausap ni lalake ang doktor at sinabing gawin ang lahat para maging normal ang anak. Umiiyak si lalaki na nagdasal sa simbahan ng Quiapo. At nang bumalik sa ospital, inumpisahan ng buksan isa-isa ang daliri ng bata. Nagulat ang lahat ng may makitang hawak ng bata ang singsing ng doktor! (hahahahaa)

Day 3 (Dec 17)- bida naman sa ebanghelyo si Joseph. magpapakasal na sila ni Mary ng malaman niyang nagdadalang-tao na ito. Naisip niyang tahimik na lang siyang kakalas kay Mary. Binabato ng bato ang mga nagkakasala ng adultery noong unang panahon. Nangyari ito, bago pa nagpakita sa kanya si Anghel Gabriel sa panaginip. Ganun niya kamahal si Mary. Hindi niya iniisip ang iisipin ng ibang tao. Ang ginawa daw ni Joseph ay yung 'walang ginawa' :-)

Kinwento naman dito ni Father Tomasito ang tatlong taong sabay-sabay na namatay at nakatayo sa gate ni San Pedro. hahaha..natatawa ako kasi nagtatrabaho daw ang unang lalaki sa Jebel Ali at nakatira sa Karama! hehe...(medyo mahaba ang kwento nito kaya yan na lang muna.)


PHOTOS TAKEN ON THE 2ND DAY OF SIMBANG GABI




nakakatuwa dahil ang dami-daming Pilipino!

aba sympre, dahil tayo lang ang may Simbang Gabi. :-)





ginawa ang altar na yan just for Simbang Gabi :-)
located sa harap ng St. Mary's Church.
merong mga big screens na itinayo para ma-accomodate
lahat ng magsisimba (sa gilid ng simbahan, sa likod ng simbahan
basketball court, girl's compund, football field)







Saturday, December 11, 2010

Change- Is It For Better Or Worse?

"Change!", ito ang aming sinasambit sa aming driver pag gusto naming ipalipat sa English station ang radio sa aming bus service. Ito din ang salitang binibitawan ng aming driver pag nagpababa kami sa lugar na hindi namin drop-off point. :-)

Napakahaba ng aming byahe araw-araw. Nasanay na ako dito at nage-enjoy pa nga. Mahigit dalawang taon na din akong na sa company service. Ang dami ko ng naging close sa lugar na ito. Naging super friends ko pa nga yung ilan. Merong nawawala, pero meron ding dumadating.

Napakadami naming pinagsamahan sa lugar na ito. Hindi naman lagi sympre na parang 'fiesta' sa bus pero sa aking alaala ay laging pumapasok ang 'fun' pag naiisip ko ito.

Last week, as usual masaya na naman ang mood ng lahat sa bus. Normal lang sa amin na pagkaupo pa lang sa bus kahit nde pa umaandar ang bus, 'asaran' time na! hehe. Hindi ako ang pasimuno ng asaran pero hindi ako papatalo pag ako na ang inaasar. hehe. Talo ang pikon. :-)

Medyo kakaiba ngayon ang pang-asar nila sa akin. Walang gustong tumabi sa aking upuan. Gusto daw kasi nilang matulog sa byahe. hahaha.

Sabi ko sa kanila, "Bahala kayo, mami-miss niyo ako kasi lilipat na kami sa Head office mid of Jan 2011." sabay kunwari ismid sa kanila. :-)

Natahimik sila. Ako tahimik din, kasi totoong lilipat na kami sa Head Office. Pero ako ang makaka-miss sa kanila ng sobra. :-(

Friday, December 10, 2010

Restarting All Over (Again)

Before ako magbakasyon sa Pinas, seryosong nag-exercise at diet ako. Umabot kasi ako ng 61kgs! Normal weight ko lang dapat ay 52-54kgs. Hirap ko nang pagkasyahin ang mga damit ko na size Medium. AYOKONG mag-increase ng size pati. Nakaka-frustrate din pag may nagustuhan akong damit (w/c is madalang na madalang lang), tapos pag sinukat ko na mawawala na ang pagkagusto ko dahil sa 'katabaan' ko.

Ginawa kong 'goal' ang pagpapayat bago ako magbakasyon. Dito ko naman maaasahan ang sarili ko. Pag may gusto akong ma-achieve, ginagawa ko talaga lahat ng makakaya ko. Lumalabas ang pagiging determinado ko na tao at ang itinatago kong disiplina. :-)

Would you believe na nakayanan ko ang mag-south beach diet with flying colors? Medyo mahirap ang diet na ito dahil totally wala siyang carbohydrates. Required naman ang kumain basta yung nasa listahan lang sa diet. Ni-recommend ito ng aking kaopisina/ofisymeyt (RS). Success story ang nangyari sa akin dahil naging 53kgs na lang ako from 61kgs! And ang super nakakatuwa pa is naisuot ko sa wakas ang size small na BSB t-shirt na binili ko ka pa din (dahil naubusan ako ng size ko) noong nag-concert sila noong Dec dito sa Dubai. Satisfied na satisifed ako sa result kaya ikinalat at ni-recommend ko ito sa mga gustong mag-diet. Easy lang pala ang magpapayat pag ginusto talaga. :-)

Kaya naman after ng kasal ni Jo at kagalaan sa beach, nagpakasaya na naman ako sa pagkain ng rice. hahaha. Na-miss ko talaga! Okay lang sa akin ang tumaba kasi i can always go back sa pagda-diet.hehe...

Pagbalik ko dito after bakasyon, no diet muna. Okay pa ang aking timbang. Nasa normal weight pa naman ako kahit pa may rice na ang meal ko ngayon. :-)

Pero may bagong 'goal' ako ngayon, yun ay ang magpaka-healthy living naman. Nag-start na akong mag-jogging ulit noong Dec 6 (kasama si NS), hindi dahil sa nagpapayat ako. 4 days a week ang aking schedule. Pass ako pag weekend, rest day ko.hehe. Gusto kong maging healthy. Dahil bawal magkasakit sa abroad! :-)



wow! i think iPhone is really cool!
may pedometer na feature din siya.
tingnan niyo ang aming jogging/walking statistics

tingnan ninyo, kung saan kami nagpaikot-ikot. :-)
i'm so amazed talaga with iPhone!
pero sori na lang, wala pa rin siya sa budget priority ko! hehe

Wednesday, December 8, 2010

Usaping Pag-ibig

Nagkita-kita kami ng aking mga kaibigan/kababata/kapitbahay na sina ES at CB noong Sunday ng gabi. Inabot kami ng 2am ng madaling araw sa pagkukwentuhan. Magbabakasyon kasi sa Pinas si CB this coming Friday at malakas ang ugung-ugong sa barangay namin na mag-aasawa na daw siya! Aba'y sympre hindi kami tumigil ni ES (ang pinakaunang nag-asawa sa aming magkakabarkada) hangga't di namin nalalaman ang buong istorya mula mismo sa kanya. hehe....

Ang bilis kasi ng mga pangyayari sa love story ni CB. Bago ako nagbakasyon noong Sept 2010 nagkita-kita rin kami nina ES at CB, nasa 'ligawan' stage pa lang sila. Hindi pa alam ni CB kung sasagutin o hindi. Then pagkauwi ko sa Pinas, ibinalita sa akin ng nanay ni CB na may boyfriend na daw ang kanyang anak. Walang problema sa family nina CB dahil okay naman sa kanila kung sino ang gusto ng anak. The next thing I know pagkatapos is eto na nga, magpapakasal na sila this Dec!

Si CB ang pinakabata sa aming magkakabarkada. Hula namin sa kanya noon, siya ang pinakaunang mag-aasawa sa amin dahil napakahinhin at tahimik niya kasi. Niloloko namin, nasa loob ang kulo daw ng mga tahimik...hehe..Madaldal kasi kaming lahat pwera lang siya. Di makabasag ng pinggan.

Nagkamali kami dahil hindi siya agad nag-asawa. Muntik pa ngang maging pang-huli. Pasalamat siya, nandito ako. Ako ang willing na willing humawak sa title na last woman standing! haha.....

Nasa tamang edad na naman siya para mag-asawa at 28. Pero dahil siya ang pinakabata sa aming magkakabarkada, feeling ko ang bata pa niya! Sabi ko nga sa kanya, baka nabibigla lang siya. Huwag siyang magpa-pressure. Hindi daw siya nabibigla, ngayon lang daw niya naramdaman ito.

For the very first time, naging madaldal siya. Naikwento niya sa amin kung paano nagsimula ang lahat sa kanila kahit kaliit-liitang detalye. hehe. Grabeh, pati kami kinikilig sa mga kwento niya. Inlab na inlab sila pareho ng kanyang mapapangasawa. Hindi na sila mapaghiwalay kahit sa phone lang, can u imagine na mag-usap kayo ng humigit-kumulang na 3 hours everyday? (taga Abu Dhabi kasi ang lalaki). Biro namin sa kanya, kaya pala bingi ka na ngayon. hahaha.

Masayang-masaya ang aming kaibigan ngayon. Nasa alapaap daw siya. Tuwang-tuwa din kami syempre para sa kanya. Akala daw niya tatandang dalaga siya pero nung dumating daw sa buhay niya ang kanyang boyfriend, nag-iba na daw lahat. Reaksyon namin ni ES, 'tinamaan talaga ni kupido ang aming kaibigan'. :-)

Tuesday, December 7, 2010

Mana sa Tatay

May anggulong kamukhang-kamukha ng aking bunsong kapatid ang aming namayapang ama. Jan 25, 1995 nang maaksidente ang sasakyang minamaneho ng aming ama. Noong bakasyon ko sa Pinas (Sept 2010), may time na nabigla/natakot ako sa aking kapatid kasi akala ko nagmumulto sa akin ang aking itay. hehe...kinakausap ko ang aking tatay pag natatakot ako. sabi ko "'tang, wag mo akong tatakutin ha..alam mo namang matatakutin ako...kung may gusto kang sabihin sa akin, sa panaginip ko na lng..hehe...although meron ding time noon na gusto kong magpakita siya sa akin...siguro alam niya din na takot naman talaga ako at nagtatapang-tapangan lang kaya never siyang nagpakita ng actual sa akin...Madalas sa panaginip ko siya nakikita noon.

Ang kuya ko naman ang naka-mana sa charm ng aking tatay. Kayang-kaya nilang makipag-usap sa lahat ng klase ng tao. Meron din silang leadership skill. Marunong din silang makipagkapwa-tao. Maituturing na 'popular' sila noong kanilang kapanahunan.

Ang mga kapatid ko ay hindi din naninigarilyo at nagsusugal. Minana din nila yan sa aming tatay. Pero umiinom sila, though hindi maituturing na mga lasenggo. Hahaha...(natatawa ako, kasi galit na galit ako sa mga kapatid ko noon pag nalalasing sila tapos magsusuka sila. hay naku as in, pahirap sa buhay ko. ako kasi si taga-linis sa bahay)

Nakikita ko sa dalawa kong kapatid na lalaki ang aming tatay. What about me? ano naman ang aking namana sa kanya? eh, daddy's girl kaya ako..feel na feel ko noon na ako ang paboritong anak..hehe...napaisip tuloy ako kung anu-ano kaya ang mga ito:
1) ang aking pangalan- gusto daw akong jr. ng aking tatay kaya hango sa kanya ang aking pangalan, female version ng pangalan niya. :-)
2) newspaper reading- minana ko ito sa kanya kasi araw-araw kaming merong dyaryo noon
3) diary- merong diary ang aking tatay na nasa aking custody; nakatago sa pinas. nakasulat doon ang naging buhay niya noong kabataan niya. meron din akong secret diary noong kabataan ko pero puro mga crushes ko ang nandoon. nakakahiya kasi alam kong nabasa ito ng aking ina minsang naiwan ko ito sa bahay. hehe. ***note: sa next vacation ko sa Pinas, dadalhin ko ang mga ito sa dubai para may mapaglibangan***
4) blogging- ngayon ko napagtanto na kung uso ang blogging noon, isang magaling na blogger ang aking tatay. more on sports ang kanyang isusulat. alam niyo bang meron siyang koleksyon ng sports magazines noon tapos gumagawa siya ng review niya sa isang lengthwise na papel (hobby niya lang). sayang nga eh, hindi ko na-preserve ang mga ito. As in yung isang maliit na cabinet namin, puno iyon ng review niya na nakasulat-kamay (napakaganda ng hand-writing ng aking ama na gustung-gusto kong manahin). paborito niya ang basketball at boxing. no wonder, kaya mahilig din kaming manood nito. siyanga pala, solid taga-barangay ginebra ang pamilya namin dati.
5) card game- 'pusoy dos' pa yata ang uso noon. laro daw ng matatalino at nag-iisip yun...okay lng daw na matuto kaming maglaro basta wag lang daw malulong sa 'sugal'...kaya marunong ako ng card games like pusoy dos, tong-its. :-)

In fairness, hindi gumagaralgal ang aking tono habang nagku-kwento ako tungkol sa aking tatay. 'tang, miss na kita. alam ko naman never kang mawawala sa buhay namin, hindi lamang dahil sa mga pamana mo, kundi dahil nandito ka lagi sa puso namin. :-)

Friday, December 3, 2010

Under Pressure

ang plano ng aking 'engrandeng plano' :-)



I'd wanted to make sure na maisasakatuparan ko as scheduled ang engrandeng plano ko nitong darating na May 2011. Kaya naman isinasantabi ko muna lahat ng 'reklamo' ko sa trabaho. hehe. Hindi ko kayang mawalan ng trabaho ngayon. Kailangang matapos muna ang project ko na ito. :-) Then after that, pwedi na akong magreklamo hanggat gusto ko..hahaha..

Feeling ko, ako yata si wonder woman at gusto kong i-involved ang sarili ko mula sa budget, design (sa tulong ng aking kaopisina, si kuya AA)hanggang sa procurement ng materials at services. Ganito kasi ako pag nag-plano, gusto ko natutupad ko ito. Kung hindi naman, basta nagawa ko ang lahat ng kaya ko.

Nae-excite ako at the same time, pressured. Ayokong mapahiya dito sa blog ko. hehe. But more than anything else, tingin ko ito na ang right time para i-prioritize na ito. Dreams. They do come true. Pangarap ko lang na maipasyal sa ibang bansa ang aking nanay. Pero nagawa ko ito noong bakasyon ko noong Sept 2010! At malaking factor ang 'planning ahead' na ginawa ko para maisakatuparan ko ito. Kaya talagang tutok ako ngayon sa proyektong ito. Scheduled to start Phase 1 next year. Para iwas-pressure, ang target ko lang naman is basta dapat pwedi nang matirhan ang bahay sa May 2011, not necessarily tapos na tapos (dahil malabo mangyari ito due to budget constraint). :-)

Chat date namin kanina ni madir. Sympre napag-usapan namin itong proyekto na ito. Ang sarap kayang mangarap lalu na kung mismo pinaghahandugan mo ng pangarap ang kasama mong mangarap. :-)

Yun nga lang, di nakatiis si madir na banggitin ang pangarap naman niya para sa akin. Ganito magpa-simple ang aking nanay sa akin:

'ma : tin, nag-asawa na pala si JA (pinsan/barkada ko)...namanhikan na ang pamilya ng
lalaki ...ikakasal daw muna sila sa civil...(uso pa sa aming province hanggang ngaun ang pamamanhikan :-))

tin: nakausap ko nga si JA, next year daw ang church wedding.

'ma: ilang taon na ba si JA?

tin: months lng ang tanda ko sa kanya. 29 na din siya. maaga lang ako nag-aral. tama lng na mag-asawa na siya. nasa tamang edad na siya.

-----mahabang katahimikan----------------

'ma: si CB (kababata/kapitbahay ko na nandito sa Dubai) daw uuwi ngayong December?

tin: nagkita-kita kami dito nung minsan, baka ikasal na din daw siya.. uuwi din ang boyfriend niya.

'ma: kaya pala busy sa paghahanda si kumareng LB.

-----malalim na buntung-hininga-------------

'ma: tin, ikaw kelan ka mag-aasawa?


Grabeh, di ako agad naka-imik. Kung dati rati pabiro lang na binabanggit ng nanay ko ito. Ngayon, seryosong-seryoso siya at na-feel ko na di makukumpleto ang saya niya pag di ako nag-asawa. "Ikaw na lang ang walang sariling pamilya sa inyong magkakapatid. Huwag mo akong intindihin, malakas pa naman ako. "

Tinamaan ako sa sinabi niya pero gusto ko pa ring maging light ang aming usapan. Sabi ko sa kanya, "ma, di yata para sa akin ang pag-aasawa. parang ayoko...mag-aampon na lang ako kung gusto ko talagang magkaanak..ano sa tingin mo?."

Hala, wrong answer ako. hehe..naging hysterical si madir "wag mong gawing biro ito kristine!"..naku, tinawag na ako sa buong pangalan...seryoso na talaga at may galit sa aking answer.hehe...

Para maiba ang usapan, sabi ko na lng sa kanya "'ma, matapos lang ang proyekto natin, magbo-boyfriend na ako...next project ko na yun...:-)"..."siyanga pala nasaan na si kobe (pamangkin ko sa bunso namin)?"

Napangiti ang aking nanay sa sinabi ko. Naniwala siya na gagawin ko nga ito. Naku, lagot ako sa May 2011 nito.hahaha...(very unlikely na mangyayari kasi ito)...Pero isa pang usap na ganito sa aking nanay, malamang bibigay na ako sa kanyang hiling. hahaha..Kaya, sa susunod na chat namin gagawa ako ng outline ng aming magiging topic, para di niya maisingit ito. hehe.... Di na umuubra ang aking dahilan na 'gusto ko munang makatulong sa aming pamilya'. Na-pressure talaga ako nito. Parang balewala yata ang lahat ng magagandang plano ko sa nanay ko pag hindi ako nag-asawa. Unfair naman yun. Pero mukhang seryoso talaga ang aking nanay.

Wednesday, December 1, 2010

Keeping It Cool

Nakakatawa parang nung isang araw lang sabi ko hindi ako pikon or madaling maasar. Pero ngayon, pramis asar na asar ako. Tapos nabanggit ko din dito na hirap akong magsabi o magsalita sa kaibigan pag may dinaramdam ako. Karma ba ito sa akin? Wag naman po sana. As far as I know, wala pa akong naasar na ganito sa mga kaibigan ko. Although merong posibilidad na meron na pala, hindi lang nila ipinaalam sa akin. Pag nagkaroon ako ng chance, tatanungin ko ang mga kaibigan ko. hehe...Gusto ko din naman malaman kung kelan ako nakakaasar or nakakainis sa kanila. Baka sakaling may remedy pa at para maiwasang mangyari ulit.

Ayoko ng magtampo sa kaibigan kong ito. Gusto ko ng magbagong-buhay. Iintindihin ko na lang siya. Hindi naman niya siguro sinasadya ang mga pangyayari. Pero pag nalaman kong sinasadya niya ito, ewan ko lang kung ano ang magagawa ko. Maghahalo ang balat sa tinalupan. hahaha. Kasi sobra as in sobrang naasar ako sa kanya.

Ako ang taong hindi papatalo sa mga 'asaran' kung alam kong ito ay nasa context ng biruan. Pero pag seryoso na ito, naghahari na ang aking pagiging 'sensitive'.

Hindi ko na muna guguluhin itong kaibigan ko na ito. Pramis, ito na ang huli. Napapagod din ako. :-)


Reasons Para Maging Cool Pa Rin:
1) UAE National Day bukas- walang pasok! :-)
2) unlike nung Eid, hindi ako feeling homesick ngayon. yipppee!
3) nasa 'gala' mode din ako---nag-aya ng gala si ID, YES na ang sagot ko ngayon sa kanya. hehe.
4) to meet ate PC (tagal na naming di nagkikita, sa ibang company na kasi ang work nia)
5) to meet highschool classmates (final meeting re: class reunion this Dec 2010)