Friday, December 3, 2010

Under Pressure

ang plano ng aking 'engrandeng plano' :-)



I'd wanted to make sure na maisasakatuparan ko as scheduled ang engrandeng plano ko nitong darating na May 2011. Kaya naman isinasantabi ko muna lahat ng 'reklamo' ko sa trabaho. hehe. Hindi ko kayang mawalan ng trabaho ngayon. Kailangang matapos muna ang project ko na ito. :-) Then after that, pwedi na akong magreklamo hanggat gusto ko..hahaha..

Feeling ko, ako yata si wonder woman at gusto kong i-involved ang sarili ko mula sa budget, design (sa tulong ng aking kaopisina, si kuya AA)hanggang sa procurement ng materials at services. Ganito kasi ako pag nag-plano, gusto ko natutupad ko ito. Kung hindi naman, basta nagawa ko ang lahat ng kaya ko.

Nae-excite ako at the same time, pressured. Ayokong mapahiya dito sa blog ko. hehe. But more than anything else, tingin ko ito na ang right time para i-prioritize na ito. Dreams. They do come true. Pangarap ko lang na maipasyal sa ibang bansa ang aking nanay. Pero nagawa ko ito noong bakasyon ko noong Sept 2010! At malaking factor ang 'planning ahead' na ginawa ko para maisakatuparan ko ito. Kaya talagang tutok ako ngayon sa proyektong ito. Scheduled to start Phase 1 next year. Para iwas-pressure, ang target ko lang naman is basta dapat pwedi nang matirhan ang bahay sa May 2011, not necessarily tapos na tapos (dahil malabo mangyari ito due to budget constraint). :-)

Chat date namin kanina ni madir. Sympre napag-usapan namin itong proyekto na ito. Ang sarap kayang mangarap lalu na kung mismo pinaghahandugan mo ng pangarap ang kasama mong mangarap. :-)

Yun nga lang, di nakatiis si madir na banggitin ang pangarap naman niya para sa akin. Ganito magpa-simple ang aking nanay sa akin:

'ma : tin, nag-asawa na pala si JA (pinsan/barkada ko)...namanhikan na ang pamilya ng
lalaki ...ikakasal daw muna sila sa civil...(uso pa sa aming province hanggang ngaun ang pamamanhikan :-))

tin: nakausap ko nga si JA, next year daw ang church wedding.

'ma: ilang taon na ba si JA?

tin: months lng ang tanda ko sa kanya. 29 na din siya. maaga lang ako nag-aral. tama lng na mag-asawa na siya. nasa tamang edad na siya.

-----mahabang katahimikan----------------

'ma: si CB (kababata/kapitbahay ko na nandito sa Dubai) daw uuwi ngayong December?

tin: nagkita-kita kami dito nung minsan, baka ikasal na din daw siya.. uuwi din ang boyfriend niya.

'ma: kaya pala busy sa paghahanda si kumareng LB.

-----malalim na buntung-hininga-------------

'ma: tin, ikaw kelan ka mag-aasawa?


Grabeh, di ako agad naka-imik. Kung dati rati pabiro lang na binabanggit ng nanay ko ito. Ngayon, seryosong-seryoso siya at na-feel ko na di makukumpleto ang saya niya pag di ako nag-asawa. "Ikaw na lang ang walang sariling pamilya sa inyong magkakapatid. Huwag mo akong intindihin, malakas pa naman ako. "

Tinamaan ako sa sinabi niya pero gusto ko pa ring maging light ang aming usapan. Sabi ko sa kanya, "ma, di yata para sa akin ang pag-aasawa. parang ayoko...mag-aampon na lang ako kung gusto ko talagang magkaanak..ano sa tingin mo?."

Hala, wrong answer ako. hehe..naging hysterical si madir "wag mong gawing biro ito kristine!"..naku, tinawag na ako sa buong pangalan...seryoso na talaga at may galit sa aking answer.hehe...

Para maiba ang usapan, sabi ko na lng sa kanya "'ma, matapos lang ang proyekto natin, magbo-boyfriend na ako...next project ko na yun...:-)"..."siyanga pala nasaan na si kobe (pamangkin ko sa bunso namin)?"

Napangiti ang aking nanay sa sinabi ko. Naniwala siya na gagawin ko nga ito. Naku, lagot ako sa May 2011 nito.hahaha...(very unlikely na mangyayari kasi ito)...Pero isa pang usap na ganito sa aking nanay, malamang bibigay na ako sa kanyang hiling. hahaha..Kaya, sa susunod na chat namin gagawa ako ng outline ng aming magiging topic, para di niya maisingit ito. hehe.... Di na umuubra ang aking dahilan na 'gusto ko munang makatulong sa aming pamilya'. Na-pressure talaga ako nito. Parang balewala yata ang lahat ng magagandang plano ko sa nanay ko pag hindi ako nag-asawa. Unfair naman yun. Pero mukhang seryoso talaga ang aking nanay.

No comments:

Post a Comment