Sunday, October 31, 2010

Dugtungan At Iba Pa...

"Do not disturb", ito ang pumasok sa isipan ko na i-blog kaninang nasa service ako pauwi from ofis. Masyado kasi akong busy ngayon sa panonood ng series na House. Grabeh, in less than 2 weeks nasa Season 3 na ako! Adik na ako talaga. Wala akong ginawa last weekend kundi manood, manood at manood! Ok lang sana kung weekend lang, eh kaso pati tuwing may pasok nanonood pa din ako. Ayun tuloy, hirap akong bumangon dahil puyat. Waaaahhhh! Bad habit. All set na naman ako ngayong gabi para manood ng House, Episode 19 na ako. Pero this time, pinigilan ko ang sarili ko. Sabi ko, "sige ka pag nagpatuloy ang pagiging adik mo, baka next time 'sakit' mo na ang i-solve ni Dr. House" Hahaha.

Dahil sa puro si House ang inasikaso ko noong weekend, 'tinamad' na naman akong magsimba. My bad. Sori po, sana po wag kayong magsawa sa akin sa kakahingi ng sori. Pag hindi ako nakasimba ng weekend, tiyak bibisita ako at hahabol sa misa sa mga susundang araw. Hindi kasi ako matatahimik dahil feeling ko at alam ko na may kasalanan ako sa Kanya. Ayoko sympreng magtampo Siya sa akin. (naku tin, make sure this coming weekend i-prioritize mo na ito )

Totoo akong nagtampo sa Kuya ko last time na ni-blog ko siya dito. Hindi ko talaga siya kinausap at kinibo para maiparating ko sa kanya na nagtatampo talaga ako. Pero agad naman akong nahimasmasan at kinausap ko na din siya na parang walang nangyari. hehe. Bago ko siya kinausap, nakuha ko pang magsumbong sa nanay ko. Sabi ko sa nanay ko "'Ma, naiinis ako kay kuya. bakit siya ganyan?" Tahimik lng ang nanay ko sa kabilang linya pero na-gets ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin--- "tin, bakit ka ganyang magsalita tungkol sa kuya mo?" Grabeh, nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Nahiya din ako sa nanay ko.

Nag-chat kami ng nanay ko noong Friday. Kinwento niya sa akin ang nangyaring eleksyon sa aming barangay. Apparently, naging campaign manager siya ng aking tita MG na pumasok na din sa mundo ng pulitiko at nanalong 1st councilor sa barangay namin. Nag-text ako kay tita MG at binati ko siya sa kanyang pagkapanalo. Natawa ako sa reply niya, "musta na kayo ni jq?"

Nirereto sa akin ni tita MG si jq. Nagkatotoo ang aking hinala, hindi pumayag ang tita ko na hindi kami magkita ng personal ni jq noong nagbakasyon ako. Isang malaking komedya ang first meeting namin na hindi ko muna ikukwento dito. Pero natuwa ako sa tita ko kasi piling-pili niya talaga ang inireto sa akin. Hindi basta-basta. Kumbaga, siya ang pinaka-finest, outstanding at pinaka-brightest. Hahaha, parang star. Sana lang, maintindihan nila na hindi ganoon kadali yun.

Asar-talo ako sa mga kamag-anak ko noong nagbakasyon ako, candidate na daw ako sa pagiging matandang dalaga. Madami akong natanggap na unsolicited na advice mula sa kanila. Ewan ko, pero na-pressure ako sa kanila. Kaya napilitan akong i-announce sa kanila na "wag kayong mag-alala sa akin, kasama sa pangarap at plano ko ang mag-asawa balang-araw. kaya relax lng kayo. mangyayari yun :-)"

Nakahinga ako ng maluwag pagkadating ko sa Dubai. Yippeee! natapos na din ang pang-aasar at pangungulit ng mga kamag-anak ko tungkol sa aking pagiging single. Yun ang akala ko dahil nagparinig na naman ang nanay ko sa akin noong Friday. Habang nagkukwentuhan kami tungkol sa plano ng aming bahay (na ipinapagawa ko sa isang kaopisina) biglang isiningit ng nanay ko na sabihin ko daw na gawing simple at wag mamahalin ang materyales na gagamitin baka daw kasi matagalan ang pag-aasawa ko. ngek! hirap talagang maging single. :-)

Sunday, October 24, 2010

There's No Place Like Here :-)

1:17am Oct 25- finished uploading pics. story to follow. need to sleep na, may pasok pa ako bukas. gudnyt!

10:40pm Oct 25- wala pa akong maisip na kwento para sa mga pics sa baba. sana bukas, meron na. kasalanan ito ni "House", inaakit ako..hehe....i know i will give in. adik na ako sa series na "House". di ko na maantay ang weekend para sa marathon kaya pagbigyan ko muna sarili ko kahit 2 episodes lng tonite. :-)

9:56pm Oct 26- kelangan ko nang tapusin itong post na ito- whether i like it or not. goodluck sa akin! :-)




Honestly, wala akong maisulat na kwento ngayon. Kalat kalat ang aking mga ideya at iniisip. Worse yet, kung meron ba akong iniisip. hehe.

Para lang matapos ito at maka-move on na ako, magkakasya na ako kahit anupaman ang kalabasan nito.

Ganda pa naman ng title ko, There's No Place Like Here. I am referring to Bohol. Masasambit mo talaga ang mga katagang ito pag nakita mo ang kagandahan ng Bohol. Ah kaya siguro, speechless ako ngayon...hahaha...(palusot). Ganito kasi ako, pag sobrang overwhelming na ang mga sitwasyon, hindi na ako makapagsalita. :-)

Hindi ko na pahahabain ito, tingnan nyo na lang ang ilan sa mga kuha namin ng aking kaibigan.


"i second the motion!" :-)

ang aming mga paraphernalias



on our way to the beach, nakita namin yan
aba sympre photo op ako :-)


hahaha..tawa kami ng kaibigan ko pagkasulat niya nito.
usually kasi 'heart' ang nasa gitna di ba?
sinadya niya daw smiley ang ilagay baka mapagkamalan
kaming lovers...hahaha




yes, i've been to Paradise! :-)



Bohol is definitely a must place to visit in the Phil!


very refreshing view :-)


we spent our whole day sa beach---kwentuhan,
muni-muni, swimming, super bonding talaga!


sharing moments sa lovelife naman daw after mapag-usapan ang career/plans
sa buhay namin. we're not getting any younger daw.
pareho kami ng birth month & year ng aking kaibigan.
mahaba-habang kwentuhan ito (it's a girl thing) kaya sumilong muna kami. hehe.

Note:
I decided na alisin ang isang picture na kita lahat ng likod namin ng aking kaibigan bilang respeto ko na rin sa aking sarili. Hahaha, for the very first time nakapag-swimsuit ako (dahil naiwan ko sa bahay namin ang panligo ko na shorts & shirt na binili ko pa sa Dubai sa kakamadali. before ng Bohol namin, nag-attend/abay pa ako sa kasal ni Jo sa QC). Buti na lang to the rescue ang aking kaibigan, meron naman daw siyang extra. Sabi ko sa kaibigan ko, feeling ko nakahubad ako sa suot ko. wag daw akong mag-inarte, wala daw namamatay sa paghuhubad. Hahaha. In fairness, ang gaganda ng mga pictures namin. :-)

Tuesday, October 19, 2010

Takot Nga Ba Ako Sa Heights?

Takot ako sa heights as in. Pero i love challenging myself. Ito ang ilan sa mga motivational speech ko sa sarili ko bago o habang ginagawa ko ang aking kinatatakutan (in no particular order):
1) "Kaya mo yan, Tin!"
2) "Kung kaya nila, kaya mo din."
3) "You have to try this atleast once in your life."
4) "Nothing to lose ( your love to win?) hehe.."
5) "Isang achievement ito."
6) "Treat kita pag nagawa mo ito."
7) "Lord, wag ninyo po akong/kaming papabayaan."
Natatawa tuloy ako tuwing naaalala ko ang ilan sa mga pinasyalan ko noong bakasyon ko sa Pinas (Sep 3-30, 2010). Gusto kong sabihan ang sarili ko ng "Takot ka pa sa heights niyan ah?"..hehe..
Haaaayyy, sarap magbakasyon! :-)
Hanging Bridge in Bohol -Sep 19, 2010
'let us cross the bridge when we get there.'
in tagalog, 'andto na tayo, gawin na natin ito' :-)


haha..pinauna ang kaibigan, pampalakas ng loob!

nakakatuwa yung mga residente dito,
kayang-kaya nilang dumaan dito ng nde nakahawak ang kamay.
sanayan lang talaga! :-)


@ Chocolate Hills, Bohol - Sep 19, 2010

nakalimutan ang takot at nakuha pang magmuni-muni
habang kaharap ang mga burol na tsokalate. :-)


naalala ko sa pic na ito ang mga Igorot sa Baguio. :-)


haha! bakit nga ba kami tumatawa dito?
ah, para daw kaming baliw sabi ng aking kaibigan,
super smile sa camera pero nakatalikod.



finally, i met you Chocolate Hills! :-)



@ Singapore Flyer- Sep 4, 2010


"tin, kaya mo ba o hindi?", ito ang paulit-ulit kong tanong
sa sarili ko. tagal ko talagang pinag-isipan ito dahil mag-isa
lang ako. until i finally decided na gawin ko na ito.
sabi ko, kaya ko nga sinadya ito para ma-experience ito first-hand.



kabado ako nung una, baka kasi wala akong makasama sa capsule.
i was assured na meron naman daw kaya nag-go na din ako.
mas lumakas ang loob ko nung makita ko ang batang ito na relax na relax. :-)


hindi naman pala nakakatakot sa itaas...hehe..
USS lang talaga ang pakay ko sa Singapore
pero na-convince ako ng isang kaibigan na puntahan
din ang Singapore Flyer. well, it's worth it!

hindi ako nabigo sa aking expectation sa Singapore.


sa tulong ng mrt route map at google, napakadali
kong naisakatuparan ang mga plano ko sa Singapore!

ngayon ko lang na-realize, meron pala
akong fascination sa mga buliding at daan.


highly recommended ko ang Singapore na bisitahin ito!
no dull moments talaga. :-)
ewan ko pero ang saya saya ko talaga kahit ako lang.
dahil ba beyond my own imagination ang nagawa ko? :-)


hindi lang takot sa heights ang na-conquer ko
pati takot sa pag-iisa! :-)




Cable Car Ride @ Ocean Park, Hongkong - Sep 15, 2010

wala akong takot na naramdaman dito.
u know why? kasama ko kasi ang aking nanay. :-)

ang nanay ko ang aking pinagkukunan ng lakas.

napakaswerte naming magkakapatid sa nanay ko.
maaga kaming naulila sa ama pero alam nyo
bang never kong narinig o naramdaman sa nanay ko
na napagod o nagsawa siya sa aming tatlong magkakapatid?


i'm not very vocal/showy sa pagmamahal sa nanay ko
(tuwing may okasyon ko lang siya sinasabihan na mahal ko siya)
pero i know, alam naman niya na siya ang buhay ko.


@ Macau Tower - Sep 24, 2010
kasama ko ulit si nanay ko! :-)


o di ba, meron akong back-pic. kuha yan ni madir. :-)


hahaha...kamay ko at kamay ng nanay ko. :-)


kasama sa pangarap ko ang maipasyal ko ang aking ina
sa ibang bansa. akala ko suntok sa buwan ito pero nagawa ko!
naalala ko tuloy ang sabi ng aking tatay nung nabubuhay pa siya.
"dream BIG. libre namang mangarap." i miss you 'Tang!

Saturday, October 16, 2010

Mga Munting Aberya :-)

Satisfied na satisfied ako sa aking naging bakasyon last September (Sept 3-30). Ok na ok ang feeling ko pagbalik dito sa Dubai. Hindi ko maramdaman ang homesick dahil nagawa ko lahat ang mga planong aktibidades ko. :-)


Ngunit/datapuwat/subalit/kahit gaano man kaplantsado ang aking mga plano, meron pa ring mga munting aberya na nakalusot, mga importanteng detalye na nakalimutan ko.

1) tiket sa Universal Studios Singapore (USS)
5 days before my flight tsaka ko naalala na wala pa pala akong tiket sa USS. Sa sobrang dami kong pinagkakaabalahan nung mga panahon na ito, nakalimutan ko ang importanteng detalye na ito. Sinadya kong mag stopover sa Singapore mainly because of USS nga and yet ito pa ang nakalimutan kong bilhan ng tiket.
Nag try akong bumili ng tiket on-line. Sa kasamaang-palad, sold-out na daw ang tiket para sa selected date ko na Sept 4 Sat. Waaaaaahhhhh!!!! What must I do??? Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Sobrang excited pa naman ako talaga. Naisip ko, ano kaya kung ipa-change ko ang flight itinerary ko, sa pagbalik ko na lang sa Dubai tsaka ako dadaan sa USS? Siguro naman meron pang available na ticket nun. Pero mas mamahal ang gagastusin tapos baka magkarun pa ng problema sa flight ko. So, erase erase ang ideya na ito.
Mahabang pag-iisip ang dumaan. I tried to convince myself na OK lang na hindi ako makagala sa USS. Anyway, ang dami pa namang pweding pasyalan sa Singapore. Sa mga ganitong sitwasyon, alam kong hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lang. Kailangan masabi ko muna sarili ko na ginawa ko na ang lahat, bago ako mag give-up.
At ang last resort ko ay ang paggawa ng email addressed to USS sa aking sitwasyon. Nagkwento lang naman ako kung gaano ako ka-excited bumisita sa kanila, biglang singit sympre na baka pwedi pa akong i-accomodate dahil sa sold out na ang tiket sa website nila. hehe..
Sabi ko sa sarili ko, whether positive, negative or no response ang matanggap ko, tuloy pa din ako sa Singapore. Gusto ko naman talagang makapunta dun dati pa, kahit pa nung wala pa ang USS.
Pero i had the biggest surprise of my life nang mag-response ang USS na meron pa daw silang tiket na maibibigay para sa akin! Yipppeeee! tuloy ang ligaya ko! Thank you USS! hehe...

2) labor contract for POEA requirement
matapos ang lahat ng scheduled kagalaan ko, pumunta ako sa POEA office sa aming province para kumuha ng OEC (Overseas Employment Certificate). Requirement ito sa pagbalik ko sa Dubai. Pagdating ko sa tanggapan, kinuha ang passport ko at hiningan ako ng labor contract dahil new visa ako. Nanlamig ako kasi wala akong dalang copy ng labor contract ko sa Pinas. Tinanong ko si manong kung pwedi bang bayaran ko na lng yung departure tax at terminal fee sa airport? Hindi daw ako makakaalis ng Pinas pag wala akong OEC, hindi ako mabibigyan ng clearance sa airport. Haaayyy, problema ito.
Nainis ako sa sarili ko. Sobrang excited kasi sa mga kagalaan?!! hehe..Kaya hayan tuloy nawala sa isip ko ito. Ang aking labor contract copy ay hindi ko alam kung saan ko nilagay eksakto kung sa bahay ba o sa opisina. Either way, walang makakatulong sa akin dahil mga nakasusi ang drawers ko.
Ang aking pag-asa na lang ay ang HR dept namin na ang opisina ay malayo sa office namin. Hindi ko tanda ang pangalan ng mga ito kaya nag-search pa ako sa internet. Mahirap na baka hindi makarating ang aking email.
Buti na lang very accomodating at mabait ang aming HR, agad-agad nilang ni-send ang aking labor contract! 5 days before ng aking flight pabalik sa Dubai, nakuha ko ang aking OEC! Thank you, thank you HR!

Moral lesson:
Huwag masyado excited? Magdrama at gumawa ng sulat pag nagkaproblema? Matulog ng maaga? Lack of sleep can cause loss of memory. hehe...

Sunday, October 10, 2010

Unveiling My Most Grandest Plan...

I feel so uninspired at work. There are so many things going on. I could only wish they're for the better. I am consoling myself to take it lightly. And seems, it's now working. hehe :-)

One thing that keeps me going and sane these days is this--- the determination to finish my dream house for my mother! Its construction started in 2008 but was put on hold many times due to some more important reasons/priorities.

It is now my current priority. Hopefully by next year (target date is May 2011), it would be completed just as how I planned it.





















Saturday, October 9, 2010

Killing Time in Singapore? :-)

@ 3:30 am (while waiting for my flight to Manila)
McDonald's Terminal 2
Changi International Airport
September 05, 2010


Palaging nakasilip sa suot na relo
Kamay nito'y nais nang tumakbo
Ngayon pa ba ako maiinip?
Matutupad na ang aking panaginip!

Ilang oras, minuto at segundo na lang
Ako'y nasa Bayang Sinilangan na
Yipppee! Sobrang excited na ako!
Gising na gising puso't kaluluwa ko

Friday, October 8, 2010

Carefully Masterplan (Vacacion Grande)

With so much pride and joy, i'd like to congratulate myself for a job well done! YES, I did it! Just what I had planned. Adding to myself, "and this is only the beginning! ":-)

I am referring to my vacation in the Philippines last month. I made some goals back in May 2010 and I (beaming with pride), sucessfully achieved them all! It really helps to plan ahead.

1)Singapore Trip - Sept 4-5, 2010 - Singapore Flyer, Merlion Park, Universal StudiosBold
it's my first time to go on a trip alone! But i had enjoyed it just the same! i advised my friends they should try doing it atleast once in their lives! it was a euphoric experience to me. Me, myself and I coming into terms with one another. hehe.

2)Hongkong/Macau Trip - Sept 12-16, 2010- Avenue of Stars, Disneyland, Macau, Ocean Park
this had been my dream for my mom. i'd like her to see the world! i'd like to show her how much i love her. i'd like her to be grandestly happy! indeed, she was. Almost everyone who look at our pictures commented "kitang-kita talaga ang saya ng nanay mo, hindi maalis ang ngiti!". If only they would look at me at the time, ako ang hindi mapawi ang ngiti sa kaligayahan. hehe.

3)Wedding ni Jo and Glen - Sept 18, 2010
this is the reason why i re-scheduled my vacation to sept. it's jo's wedding and i wouldn't miss it for the world! no, i did not shed tears! although i almost did when her 'nanay' gave speech in the reception about much she would miss her daughter. 'nanay', i would miss her too!. :-)

4) Bohol Trip- Sept 19-21, 2010
i was with MC on this trip. MC is my college best friend. although we were separated by distance after college, the spirit of our friendship never drew us apart. we relive the past, enjoy the present and catch up with the future. and we've done all these in Bohol :-)

Wednesday, October 6, 2010

No Ordinary 'Call'

06 October 2010, Wednesday


6:15am - "it's time to wake up, the time is 6:15am!", my phone alarms
6:30am - get up from my bed after ng ilang minutong pagtawad ko ng tulog (gawain ko ito. :-))
7:00am - just finished taking shower when i heard my phone's ringing. it's a call coming from my mom.


Kinabahan ako. Wala naman kasing okasyon. Wala din akong inaasahang tawag mula sa nanay ko. Hindi ito pangkaraniwan. Lumabas ako ng kwarto at nag-decide na sagutin ito (kahit kinakabahan ako)

ako: Hello 'ma, anong nangyari?

nanay: wala naman, nangungumusta lang sa'yo. hindi ka na tumawag o nag-text kasi after nung dumating ka dyan.


ako: (now smiling) tumawag ako nung pagkadating na pagkadating ko sa Dubai Airport. akala ko yun na yun. puro tulog pa ako nung Friday & Saturday.


nanay: nagtataka kasi ako bakit hindi ka naka-text man lang. dumaan ang ilang araw, wala pa din.


ako: (nagpapaliwanag) akala ko talaga 'ma, okay na yung tawag ko from airport sa'yo. tapos natulog pa si tupeng dito para kunin yung pasalubong nina tita (walang kaugnayan yung pinsan ko pero naisip kong idahilan pa rin...hahaha)

nanay: nag-alala ako kung ano na nangyari sa'yo. kaya naisip ko na tawagan ka ngayon.

ako: (guilty) 'ma, okay naman ako dito. wag kayong mag-alala. papasok ako nito sa ofis. kakaligo ko lang din...etc...etc.......pasencia na nakalimutan kong tumawag, akala ko kasi yung tawag ko sa airport, yun na yun....

Ang tagal naming nag-usap ng nanay ko. Paulit-ulit kami. hehe. Akala ko kasi talaga okay na naipaalam ko sa kanya na nakadating na ako sa airport. Natuwa din naman ako kasi, na-miss kaagad ako ng nanay ko! Eh wala pa kaming one week na magkahiwalay. Sabi ko sa kanya, chat na lng kami sa Friday at papasok na ako sa work. :-)

Samantala sa ofis kanina, hindi mawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng nanay ko. Iniisip ko baka naman may ibang gustong sabihin ang nanay ko sa akin? Ako naman ngayon ang hindi mapakali. Kaya naman kaninang uwian, ako naman ang tumawag sa kanya. Kinulit ko siya kung bakit siya tumawag kaninang umaga. Naulit lang yung mga pag-uusap namin kaninang umaga. Nagtataka daw kasi siya bakit hindi na ako tumawag after nung dumating ako. Ako naman si akala ko okay na talaga yung tawag ko sa airport..haha....pero pagbali-baligtarin ko man, ako talaga ang guilty person. For sure, hindi ko ito makakalimutan at hinding-hindi ko na ito uulitin. :-)

Tuesday, October 5, 2010

Nagbabagang Blog Awardee :-)

Yippee! I got an award! Nagbabagang Blog Award na galing kay LordCM. Maraming-maraming salamat LordCM sa iyong pagtitiwala sa aking blog. Salamat sa walang-sawa mong pag-iwan ng komento dito. At higit sa lahat, salamat dito sa award na ipinagkaloob mo sa akin. Salamat. Thank you. Shukran. Merci. Gracias. :-)



Hanggang ngayon nasa alapaap pa din ako at nagmumuni-muni sa 1st blog award na natanggap ko. Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako sa mahigpit na criteria ni LordCM para sa karangalang ito. Kaya naman, puro nagbabagang pasasalamat ang aking nararamdaman ngayon.

Buti naman at hindi required na ipasa ang award na ito sa aking mga sinusubaybayang blog. To quote LordCM "ipasa sa iba kung kinakailangan". Problemang malaki ito pag nagkataon. Paano ko ito ipapaalam sa kanila (referring sa mga sinusubaybayan kong blog pero non-existent ako)? hahaha...Pinaninindigan ko pa rin kasi hanggang ngayon na mahiyain akong tao. hehe.

Natatawa ako sa 'kaartehan' ko. Actually, 2 blogs na lang sa mga sinusubaybayan ko ang hindi ko pa nai-introduce ang blog/sarili ko. Sobrang nagbabaga ang kanilang blog. Hindi nakayanan ng powers ko ang magpakilala sa kanila. (Pero nararamdaman ko, malapit na itong mangyari. unting lakas ng loob na lang. hehe) Ooopps, hindi ibig sabihin na hindi nagbabaga ang mga nasa blog roll ko. In fact, sila ang unang-una kong binibisita pag online ako! :-)

Sunday, October 3, 2010

Back To Dubai.Back To Work.

Natapos na nga ang aking 'vacacion grande'. Nandito na ulit ako sa Dubai. At kanina ay pumasok na ako sa opis, balik trabaho na ulit.

Medyo tinatamad pa akong bumangon kanina nang maalala kong baka hindi ako daanan ng service namin dahil hindi ko nasabi sa driver kong kelan ang balik ko. Kaya naman kahit mabigat ang katawan ko at aantok-antok pa (dahil puro tulog ako mula ng dumating ako), pinilit kong magising na para tawagan ang aming driver. Aba, mahirap nang maiwanan ng service. Sobrang mahal pag nag-taxi, 100 dirhams (equivalent to PHP1,250)! Besides, less than 100 dirhams lang ang laman ng aking wallet. Nakalimutan kong mag-withdraw.

Nasa vacation mode pa ako kanina. Malayo ang iniisip, nasa Pinas. Pagpasok ko sa opis, eksakto si GM nasa area namin biglang sabing 'Welcome back! How's your vacation?' Hindi pa ako nakakasagot ng maayos sa kanya nang 'I need you ASAP, after you managed your emails pls go to my office.' Ngeh, ang ganda naman ng bungad sa akin. Biglang natauhan na ako. Nasa Dubai na nga ako. Work.work.work na ulit.

As expected, tambak ang table ko ng mga dokumento. Meron din akong 612 unread emails sa aking Inbox (in fairness mas kaunti ito kaysa sa 1000 na expected ko). Hindi ko naman naasikaso ang mga ito dahil mas urgent ang kailangan ni GM. Haaaayyy, wag naman sana ako ma-stress. Kakabakasyon ko lang. Sabi nga ng ilang mga ofismeyts, refresh na refresh pa ang hitsura ko. Baka naman bukas lang, ngarag na ulit ang mukha ko. :-)

After ofis, dumaan ako sa St. Mary's Church. Absent kasi ako nung weekend. (Sori po, tinamad po ako. i was bad.) Guilty ako. Alam kong hindi ako matatahimik hanggat di ako nakakabisita. Tsaka, gusto kong magpasalamat din ng personal sa KANYA dahil may trabaho pa akong binalikan.

Bago uwian kanina, pumunta pa sa room ko si GM at sinabing meron daw siyang in-email sa akin pero bukas na lang daw namin gawin ito. Natatawa ako sa amo ko. Halata talaga na na-miss niya ako. Parang inipon niya lahat ng kailangan niya at inantay ako para hingin ang mga ito sa akin. Oopps, hindi ako nagrereklamo. Karangalan ko ang paglingkuran siya. Aba, b oss ko kaya siya at parte ng trabaho ko yun. :-)

Friday, October 1, 2010

My 1st Anniversary Blogpost

Just the mere thought of me writing my 1st anniversary post gives me so much excitement and joy. And today, i am actually doing/realizing this much-awaited personal dream/fantasy! How much more I could get excited?!!

For once after a very long flight from Manila (10 hours), i do not feel jetlag. I was back here in Dubai yesterday at 5pm. My one-month vacation in the Philippines is over but I'm far from being/feeling homesick (atleast for now). :-)

I am writing real-time a.k.a. diary-style which is a not-so-characteristic of a writer. I write whatever comes in my mind in a current time without a particular order. Just like this entry.
I am aware, i am not a good writer (but striving and determined to be one). I actually have some blogposts which I do not like and never attempted to read after they were published .(masakit mang tanggapin, parang ikinakahiya ko ang sarili kong gawa? konting-konti siguro. hehe.) But if you look deep inside me, you will see a proud individual who is very satisfied with all her writing works/masterpieces. :-)
I consider blogging as one of the highlights in my life. I greatly love reading eversince but never did it cross in my mind that one day i would be reading my own writings. (whooaahh, i must tell you, it's a breathtaking experience! hahaha)

Let me share/count some of my blog statistics after one year in the blogosphere:

1 membership in a blog organization (i'm proud to be a Kablogs member)
3 blogrolls (LordCM, Chookminder, Deconstructing Dubai)
157 blogposts (excluding this entry)
95 comments (including 3 unmoderated comments & 1 spam* comment)
Thanks to all the bloggers who willingly gave their comments here---RJ, Bogcess, The Pope, Al de Cruz, Francesca, anonymous and most especially to LordCM. almost 90% of my comments came from LordCM!
*i was not aware that this spam exists hence, i wasn't able to read/approve 1 comment from LordCM.

I know that the above statistics is not that promising. But they are more than numbers to me, for what they giving me is an uncountable happiness! :-)


Looking Back on my 1st blogpost

I used to be a fearful person. I was afraid of everything and anything. I was afraid to take risks and to try something new. If there is one word that i like so much- it is the word 'courage', mainly because of my resentment to fear. I don't want fears to interfere with my life. For so long, i have been chasing the word courage. I remember i even used this word as a password on several accounts before . It was like a mantra. Right now, I am very happy to say that i am living my life with full of courage. I'm no longer afraid of fears for I have already mastered it. :-)


The Writer's Anniversary Message

"Congratulations! I'm so proud with what you have achieved! Thank you for coming and staying into my life. I am looking forward for more years of being together. Happy 1st Anniversary! "