Tuluy na tuloy na ang aking bakasyon sa Pinas this September! Kanina ay inaprubahan na ang aking leave. Yippee! Excited na ako! Sobra!
Dahil dito, pwedi na akong magpa-book ng aking ticket as early as now at mai-prepare na ang aking itinerary. Eto ang mga confirmed na schedule ko na 'gala' at sigurado madadagdagan pa ito:
1) side trip sa Singapore for 2 days!- takot akong gumala mag-isa pero dahil sa kagustuhan kong mapuntahan ang lugar na ito esp. the newly opened Universal Studio, palagay ko itutuloy ko pa rin ito kahit ako lang mag-isa. Though i'll try my best para hagilapin ang aking mga nawawalang kaibigan na naninirahan doon. sana may mahanap ako. hehe. Pag nagkataon, 1st time kong gagalang mag-isa sa isang lugar na never ko pang napuntahan. Adventure ito! :-)
2) Bohol trip with MC, my bestfriend in college- super excited na kami ni MC, kaya talagang dapat matuloy ito. hehe...Balak kong dito na magpa-book ng ticket namin para sure na sure na ito. Si Ate PC, kaibigan ko dito sa Dubai ay taga-Bohol, inalok niya akong tumira na lang sa kanilang haws kasi malapit lang daw sila sa Panglao Beach Resort! Sympre tuwang-tuwa naman ako kasi bawas na sa hotel budget namin iyon plus mami-meet ko pa family niya. :-). Kung hindi na-moved yung bakasyon ko from Aug to Sep, magpapang-abot kami ni ate PC sa Bohol at siya ang magiging tour guide namin. July kasi ang bakasyon niya. Ok lng daw iyon, para daw mai-ready niya ang tutuluyan namin. Ipapalinis daw niya ng bonggang-bongga ang kanyang kuwarto para sa amin ni MC. hehe.
3) Wedding nina Jo at GD- hindi ito 'kagalaan'pero ito ang dahilan kaya ako uuwi at magbabakasyon ng September. :-)
4) Hongkong Trip kasama ang aking Mahal Na Ina!- itong trip na ito ang aking pinaka-priority. Gusto kong maipasyal man lang ang aking nanay internationally (para mas sosyal..hehe..tuwang-tuwa kasi siya nung naipasyal ko siya sa Boracay nung bago pa ako nagpunta dito, mga mayayaman lng daw sa amin at mga nasa US or Canada ang nakakagawa nun sa mga magulang nila & mostly, nagagawa nila yun pag hindi na kaya ng katawan ng parents dahil matanda na..e ako daw, nde pa man ako naka-abroad naipasyal ko na siya dun, hehe.. ganun ka-proud sa akin ang aking nanay (sympre kasi libre ang tiket namin dahil nagta-trabaho ako dati sa airline).
Surprise ko sana itong trip na ito sa kanya kaya lang naalala ko kelangan ayusin travel documents niya. As expected, medyo nag-aalangan ang aking ina dahil magastos daw iyon. Parang mas gusto na lang daw niya na ipandagdag ito sa aming proyekto sa bahay namin. Ang gagawin ko na lang isisikreto ko sa kanya ang gagastusin namin doon para hindi siya manghinayang. Dito pa lang i-aarange ko na din ang pagpunta namin doon para hindi na siya makahindi..hehe..Alam ko naman gustung-gusto din ng aking nanay na makapasyal. Bonding moment din namin ito together! Grabeh, miss ko na ang aking nanay!!!!!!!! :-)
I'm expecting na magiging fully booked ang schedule ko sa bakasyon at magastos. Wala pa diyan ang mga magiging 'gala' namin ng buong pamilya, mga pinsan at mga kaibigan. Ngayon pa lang kailangan mai-ayos ko na ang schedule ko para ma-accomodate ang lahat (last yr kasi 3 wks lng yung bakasyon ko kaya merong mga kagalaan na hindi natuloy dahil sa wala nang time, i promised babawi ako sa kanila this yr). Sympre, kelangan ko nang mag-budget ngayon pa lang. Napaka-importante ng budget pag nagbabakasyon. Bilang isang taga-kwenta at (isang self-confessed na matipid..hehe), cost-oriented ako. Kailangan yung nasa budget ko at yung kaya ko lang ang aking gagastusin. :-)
september na pero talaga xited na ah..
ReplyDeletenaka book na pati day-to-day sched ah!
congrats na lang.
Tama yan!ilaan ang oras sa mga taong mahahalaga sayo dahil kaunting oras lamang ang bakasyon ng bawat ofw, pagkatapos nyan taon na naman ang bibilangin bago mo sila makasama
ReplyDeleteHintay ako ng kwento mo ng bakasyon :)
@ Al de Cruz
ReplyDeletehahaha..sobrang na-excite kasi talaga ako nung ma-aprub na bakasyon ko....plano ko talaga gumawa ng day-to-day sched ko, to be finalized before this month ends. :-)
salamat sa pagbisita sa aking blog! :-) napangiti talaga ako kasi merong nakapansin sa aking blog (bukod sympre kay Lord CM na mabibigyan ko talaga ng award kasi siya lng ang masigasig at 'napipilitan' na nagko-comment dito..hehe)
pinasyalan ko din pala blog mo today, you have a nice blog! ibang level, politics. serious. yan ang mga tipong gusto ko sanang maisulat kaya lang parang pang-comedy yata ako..hehe :-)
@ Lord CM
yun naman talaga ang purpose natin sa ating bakasyon- makasama ang mga mahal natin sa buhay at makabawi man lng sa kanila para sa mga araw na wala tayo sa tabi nila. :-)
hahaha...sigurado, ikukwento ko yun dito! naisip ko tuloy paano ko sasabihin sa nanay ko na magpa-picture naman kami ng nakatalikod..hahaha..masyado akong excited noh, sa Sept pa kaya yun, 4 mos to go pa. hehe.