Sunday, May 30, 2010

Deadline...

Nakatitig sa kawalan
Iniisip ikaw lamang
Tulang alay sa iyo’y gustong umpisahan
Pilit na inaapuhap lahat ng kaalaman

Bakit hirap ako ngayong gumawa ng tula?
Damdaming nakatago’y gusto nang makawala
Sabi nila’y hayaan lang daw puso ang magsalita
Pero tila di nakikiayon sa akin ang tadhana

Sakali mang ito’y mabasa at madaanan mo
Huwag mo sanang tawanan, ako’y nagsusumamo
Bawat letra dito ay galing sa puso ko
Umaasang mga ito’y makarating sa iyo.



Behind The Scene
Aliw na aliw ako pag nagbabasa ng tula. Nagagalingan ako sa mga taong marunong gumawa ng tula. Frustrated manunula kasi ako. Kaya naman, i challenged myself last month na dapat makapag-post ako ng tula dito sa blog ko before this month ends. :-) Effort to the max ako para magawa ko ito. Isip ng magiging magandang subject. Ayon sa isang kaibigang eksperto, kailangan daw ng inspirasyon whether good or bad. Tamang-tama, madami ako nun sabi ko.

Naisip ko agad tungkol dapat sa 'love' ang subject ko. This time, dapat istorya ko naman. Kung mapapansin ninyo, puro mga lovelife ng mga kaibigan ko ang nandito dahil sa napaka-obvious na reason na wala naman akong lovelife (haha...natatawa ako, pag nabasa ito ng mga kaibigan ko..tiyak sasabihan akong bitter?, na sasagutin ko naman na mukha ba akong bitter?..hehe :-))

I intended na maging serious itong post na ito. Pero mukhang hindi mangyayari. Natatawa kasi ako at feeling namumula pa (sa hiya). hehe..:-)

Anyway, i gotta do what a writer's gotta do. Lingid sa kaalaman ng lahat (except ni Jo at isa pang malapit na kaibigan), tumibok naman ang puso ko dito. Meron naman itong itinangi kahit papaano. Hindi naman pala ito naging bato. :-)

Inspired sa kanya ang tulang aking gagawin sa Ingles. Medyo malungkot ang ending. Sympre hindi naman kami nagkatuluyan at i know it will never happen. one hopeless case kumbaga. :-( Supposedly, bukas sana ang posting nito pero ang hirap! Hindi ko siya magawa-gawa kaya i decided to extend my deadline sa katapusan ng June. :-) Intro ko naman sana yung tula sa itaas.


ps:
super lihim itong naramdaman kong ito. very outspoken ako pero may mga bagay
na hindi ko kayang sabihin. malakas ang loob ko dito kasi hindi nila alam ang blog ko. :-)

4 comments:

  1. Wag munang magsaya
    dahil ang tinutukoy ay kakilala
    malamang mmaya,
    kapag nakausap ko sya
    banggitin ang tula
    na mismong ikaw ang may gawa

    Hehehe joke, galing galing naman :-)

    ReplyDelete
  2. @ Lord CM
    hahaha...napasaya mo ako sa comment mo. ang galing! :-)

    ito naman ang reply ko. :-)

    magbiro na daw sa lasing
    wag lang sa akin
    dahil ito'y di kakayanin
    pag puso na ang usapin

    ReplyDelete
  3. nagmahal na ang pasahe
    pati ang magpamasahe
    ateng itodo na ang bentahe
    nang di mahuli sa biyahe.

    ReplyDelete
  4. @ Anonymous,
    hehe, ang cute ng comment mo...pero bakit anonymous ka? sana lang hindi talaga tayo magkakilala. :-)

    wag mag-alala kaibigan
    pagkat pamasahe'y napag-ipunan
    di rin nakakaligtaan
    biyaheng gustong patunguhan

    ReplyDelete