Wednesday, April 28, 2010

Summer Kick-Off....:-)

I couldn't think of a better way to start summer than having a picnic and spending it with friends, who I rarely get to see nowadays. :-) I am talking about my friends from previous company. We call our group, JAMDABARKADS.

I've been so thankful to have met all these wonderful people. They're an integral part of my Dubai life. I have learned how to enjoy and embrace life here because of them. We have lots of happy memories together and more to come, i hope. They will always have a special place in my heart (kahit na madami pang bagong dumating pagkatapos nila). :-)


@ Mamzar Park on Fri 23 Apr 2010

wala lng, ganda kasing kunan ng pic. :-)


i like green, very relaxing! :-)

i love beach, pero takot ako sa araw!


sobrang init na dito sa Dubai;
ito ang nde ko pinangarap na gawin- sun bathing :-)




Sunday, April 25, 2010

Duyan...

This has been my dream eversince- ito ay ang makapag-duyan sa beach! :-) Kung yung iba ang pangarap ay ang makapunta sa 'Wowowee', ito naman ang sa akin...hehe...



@ Mamzar Park on 23 Apr 2010

yippee!!! i enjoyed this moment so much. :-)


napapakanta ako ng "ang gaan-gaan ng feeling" :-)


photo op muna. :-) thanks ate JR for these pics!

Wednesday, April 21, 2010

New Discoveries...

Kanina sa service pauwi, meron akong tangan-tangan na mapa. Tila ba ito ay isang treasure map. Inaya ko si ate PC para hanapin ang nasa mapa. Sakto libre ang schedule niya at wala siyang lakad. Medyo mahina ako sa direction (unless teritoryo ko ito), kaya medyo nag-aalinlangan pa kami kanina kung mahahanap namin ang sadya namin. After kaming maligaw ng tatlong beses, nakita namin sa wakas ang aming hinahanap- Ukay Ukay sa Satwa!



Matagal na akong inaaya ng aking mga kaibigan at kaopisina para pumunta dito. Kaya lang lagi akong busy at hassle pag sumama ako sa kanila, dahil kailangan pa nilang antayin ang uwian ko na 6:30pm o kaya naman kailangan ko pang mag-undertime para hindi nakakahiya. Ang uwian nila ay 5:30pm. Flexi ang mga office timings namin sa ofis. Ako, ang choice ko lang is yung 9am to 6:30pm dahil yun ang timing ng bus service namin.



Dahil curious talaga ako sa kwento ng aking mga kaopisina at mga press releases sa Ukay na ito, ipina-drawing ko kanina kay RS ang location nito (thanks, RS!). At nag-decide na puntahan na ito. Parang it's now or never ang dating! haha.....Buti na lang sinamahan ako ni ate PC dahil kung hindi, malamang hindi ko din ito mapupuntahan. Worth it naman dahil mission accomplished ako. :-)



After naming mag-ukay ay naghanap naman kami ng makakainan. Naalala ko ang TAZA Restaurant na never ko pang kinainan. Doon ko inaya si ate PC. For the longest time, ang akala ko ay isa itong Mexican Restaurant. I was wrong all along, isa pala itong Indian Restaurant! Another discovery. Nag-order kami ng chicken barbeque at taza rice meal. Na-shocked ako walang spoon and fork na kasama. Tingin-tingin ako sa mga katabing table. Lahat nagkakamay, ok lng sa kanila dahil wala silang rice. Namroblema ako kung paano ako makakain. haha. (kung sana nasa bahay lng kami, walang problema). Hindi ako nakatiis, nagtanong na ako kung meron ba silang spoon & fork..Meron naman daw (pero upon request lng). Grabeh, Indian Restaurant nga! kasi napag-alaman ko na ang mga Indian ay nakakamay pag kumakain sila wherever they are. In all fairness, masarap naman ang pagkain nila.



Naikwento ko na dito si NS, ang kaopisina ni ate PC na music buff talaga. Natuwa ako nang malaman ko na regular na namin siyang makakasama sa bus service, umpisa noong Sunday! Never-ending music ang mangyayari dito. Mahilig kasi talaga akong makinig at sumabay sa mga kanta lalung-lalo na pag memorize ko ang lyrics. hehe. Pampaalis stress. :-). Kahapon meron pa akong bagong nadiskubre, pwedi palang mag-store ng music with lyrics sa iPhone! hmmm, kinalimutan ko na ang iPhone pero kahapon naramdaman kong bumabalik ulit ang pagkagusto ko dito. Buong trip kahapon ay nag-karaoke kami inside the bus! Ang saya! :-)


Additional Discoveries: (22 Apr 2010 11:30pm)

Ang Taza ay isang Arabic Restaurant pala, ito ay ayon sa aking mga kaibigan sa ofis kanina. Nag-google ako ngayon & yes tama sila, isa itong Arabic. Nagkamali ulit ako ng akala. :-)

Bagong discovery ulit pagdating sa iPhone, kaninang uwian karaoke time na naman namin sa bus..hehe..Si NS ay gustung-gusto ng lahat katabi dahil as in super gaganda ng kanyang music collections. Para naman hindi lang ako ang maswerte sa 'music entertainment', nagdala si NS ng connector (hula ko lng na yang ang tawag dun) para pwedi kahit dalawa ang headset na nakakabit sa iPhone niya. Grabeh, as in i'm amazed sa feature na naman na ito ng iPhone. Uyyyyy, bibili na yata ako. Hindi pa rin siguro, nag-eenjoy rin naman ako sa aking mobile ngayon, updated ako sa current events at music dahil may radyo ito..hehe. :-)

Sunday, April 18, 2010

In My Eyes.....

She is one of the truest friends I got in my life. She is also the closest (even literally since we live in the same house). She's the best friend I ever had. She is none other than JC and I fondly call her, Jo.

We were officemates in the Philippines. We became close when her work station was temporarily transferred beside me because of some renovations in the office. We became bestfriends in an instant. It's like 'lukso ng dugo'. :-) (We were four in the group, hence, we were called as F4-me, Jo, ID & PC. Soon, i'll be blogging how our friendship started. Meantime, this post will be all about Jo)

Jo is very simple yet very sensible. I'd like the way she handles every situation. She is my confidante. She knows everything about me. Her opinion matters to me. She is also the kindest and the most patient person I know. She never get tired of me (especially when I have tantrums). She's always there for me. She's a constant reminder that I am so blessed by God.

I love her so much. I remember I did plan to be a 'matchmaker' between a cousin of mine and her just so she will become part of our family officially and legally. hehe. But changed my mind, my cousin is 'maloko' kasi. Of course, what I want is the best man for my best friend. And she finally found this best man. She deserves all the best in this life.

I'm gonna miss her. I can't imagine my life (here in Dubai) without her. I don't want to focus how lonely will I become when that time comes. What matters to me now is how happy my best friend is, anticipating and looking forward another beautiful phase in her life.

With this, i volunteered myself to be her wedding planner. :-) And I took this duty so seriously. hahaha. This week, i started collecting ideas and presenting them to the bride-to-be for approval. I am highly involved in the selections of wedding songs, bridal gown, photo shoot for their AVP Dubai scenes and all the pre-wedding activities. I am also in-charge in making the bride-to-be glowing in her wedding. Jo & I had never been a fan of any vanity clinic. But as part of wedding preparation, I convinced and booked Jo for some beauty sessions - moroccan bath, spa, bleaching etc. She agreed on one condition, that is, for me to join her. Hahaha, very clever of her, she knows I'm not into it as well. I am also strictly watching her diet (i promised to join her starting May, i also need this for i currently weigh almost 60kgs! whooaah my heaviest weight as far as I can remember!). We also resume our 'walking session at night' whenever we are available.

I'm expecting to have hectic schedules in the coming days. I've been so busy and coordinating here and there. I was so grateful when JM, a friend/officemate who just got married, willingly shared those important details she knows in a wedding. She also gave me all her wedding magazines (6 nos.) as 'pamana' daw. hahaha. This weekend, Jo & I need to go through to all these magazines and maybe we can finalize the concept of their wedding. Plus before I forget, i need to shortlist wedding songs (from more than a thousand songs, i trimmed down the selection to 200 songs) and download them for the couple final selection approval.

I also managed to close a deal for their pre-nuptial photo shoot- Dubai scence (through the help of my friends/officemates. thanks so much RS & JM!). Jo is one camera-shy person (ayaw na ayaw niya ang nagpo-pose sa pic). She said, she will never consider having a photo shoot had i not been so excited when i presented the idea to her. hahaha..nakuha sa aking convincing power. She told me she will ask her fiance about it. After one day (which is today 20 Apr 2010), Jo informed me that her fiance is okay with the idea so, they will do it. :-)

While doing all these, i am simultaneously planning for a surprise bridal shower. I wanted it to be memorable and enjoyable experience to her (i'm thinking of hiring a professional macho dancer or as suggested by a friend, AB, we can ask our gay friend WN who's a 'showgirl' to be our special guest, but in his 'macho' look..hehe). I am secretly talking to other friends of Jo to make this possible. They got excited upon hearing this plan. I am super excited too! :-)

Wednesday, April 14, 2010

Sa Aking Nalalapit Na Pag-iisa...

Kahapon (13 Apr 2010) ay nakumpilan na si JC sa St. Mary's Church at ako ang tumayong Ninang niya. hehe. Tawag niya sa akin ngaun 'Ninang'. hahaha. Para sa mga nagbabalak ikasal sa Roman Catholic Church, requirement pala ang baptismal at confirmation certificate. Si JC ay isang Katoliko pero unfortunately, hindi siya nakumpilan noong bata siya. Ayon kay JC, maganda ang magpakumpil dito sa Dubai dahil talagang itinuturo in-depth ang Cathechism. Nagkaroon sila ng klase for almost 2 months (every Fridays). At kahapon nga ang big day- parang graduation ceremony. :-). Binigyan din sila ng Certificate of Confirmation. Sabi nga ni JC, yun daw ang certificate na pinaghirapan niya talaga. hehe...Natapos ang ceremony at around 9:30pm. Meron kaming mga missed calls galing sa kaibigan naming si ID. Kinantiyawan kasi ng reception si JC. Sa McDonalds Al Ghurair kasi pambata daw. Pagdating namin sa McDo ay eksaktong pauwi na din ang mga bisita. Kumain na sila dahil super late na at sleeping time na ni baby MJ. Binati na lang nila si JC at nag-uwian na sila. :-)

Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nina JC at GD ( sa Pinas on Sep 2010, uwi kaming lahat na magkakaibigan dito sa Dubai- ID, RD & me). Sobrang busy na sila ngayon sa pag-aasikaso ng kanilang kasal. I wish them all the best. I'm so happy for my friend. No. 1 candidate kaya siya dati sa pagiging matandang dalaga (i was next to her). Alam niyo bang dito sa Dubai niya nakilala si GD (officemate ni RD na asawa ni ID) at si GD ang una at huling boyfriend ni JC. I'm so confident na magiging maligaya sila sa isa't isa. I'm so grateful na nalampasan ko na din ang aking 'pagseselos' kay GD dati. Tinatawanan na lang namin ngayon ito..hehe..

Masaya ako talaga sa mga magagandang pangyayari sa buhay ng aking kaibigan. I'm giving my 100% support sa kanya. Mami-miss ko siya ng sobra. Sa buong Dubai life ko, si JC ang kasama ko. Maninibago talaga ako. Ayokong malungkot dahil ayaw kong maging burden pa ako. Malaki na ako. Kaya ko ito.

The Continuation- Apr 17, 2010 10:27pm

Kagagaling lang namin ni JC sa labas. Gumala-gala lang sa tabi-tabi. Naiisip ko ilang buwan at araw na lang naming magagawa ito. Kaya talagang sinusulit ko na ito. Buti na lang talaga natauhan na ako sa aking 'pangit' na ugali dati. Tanggap ko na talaga na lalagay na sa tahimik ang aking kaibigan. I'm really happy for her.

I'm involving myself sa preparation ng wedding nina JC. Kaya busy-busyhan din ako. Marami kaming activities in the coming days. I'm also planning to hold a surprise 'despedida de soltera' for JC. She's leaving Dubai 1st week of June. Honestly, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Very dependent kasi ako sa mga kaibigan ko. Nalulungkot ako pag naisip ko na maghihiwalay na kami ng tirahan ni JC. Natatakot akong mag-isa. Pero kakayanin ko ito dahil hangad ko ang kaligayahan ng aking kaibigan. Gusto kong sabihin na huwag nila akong alalahanin. Ipinangako ko din na hindi na ako masyadong magda-drama over this..hehe..Kaya hanggang dito na lang muna itong ka-dramahan ko...:-)

Monday, April 12, 2010

The Law of 'Conservatism'

If you are an accountant, i'm pretty sure you know about the law of conservatism. It is one of the ten basic accounting principles and guidelines. Here's a thorough explanation taken from www.accountingcoach.com.

If a situation arises where there are two acceptable alternatives for reporting an item, conservatism directs the accountant to choose the alternative that will result in less net income and/or less asset amount. Conservatism helps the accountant to "break a tie." It does not direct accountants to be conservative. Accountants are expected to be unbiased and objective.

The basic accounting principle of conservatism leads accountants to anticipate or disclose losses, but it does not allow a similar action for gains. For example, potential losses from lawsuits will be reported on the financial statements or in the notes, but potential gains will not be reported. Also, an accountant may write inventory down to an amount that is lower than the original cost, but will not write inventory up to an amount higher than the original cost.

This is my personal favourite among the accounting principles. I like the idea of being conservative. To me, it means being safe and well-prepared through knowing the anticipated risks involved in a given situation and choosing an alternative that has the lower risk.

Although I consider myself as a conservative, I believe I am an open-minded person too. I could understand why would someone willingly choose something that might put herself in a high risk situation. She said, "I am happy with my decision. It feels so right." I can only be happy for her. And I wanted to be completely happy about her decision. But I just can't do it at the moment, 'conservatism' is dominant in my system and is working very perfectly. :-)

Sunday, April 11, 2010

Matters of Heart...

It's almost 12 midnight here. I have nothing but a title so far. I'd wanted to concentrate on my blog post but 'Pilipinas Got Talent' is currently showing & it's getting my attention. Natatatawa at natutuwa ako sa mga contestants at judges. I love it! Super talented ang mga contestants! :-)

Parang ang gulo ng aking intro, ang gusto ko talagang isulat is tungkol sa pag-ibig. When it comes to matters of heart, i always have a strong opinion. Pero sympre gaano man ka-strong ang opinion ko or advice, ang masusunod pa rin ay ang gusto ng may katawan. Naiintindihan ko naman yun, ako din naman ganun. Nakikinig sa mga payo pero sinusunod pa rin ang sariling kagustuhan.

Medyo naligalig ako sa isa kong kaibigan. Nararamdaman kong seryoso na sila sa kanilang relasyon. Wala sanang problema dahil mahal nila ang isa't isa. Kaya lang ayon sa aking obserbasyon dito sa Dubai, madalang lang ang happy ending pag magka-iba kayo ng lahi, kultura at paniniwala. Sana talaga kasama sila dun.

As a friend, i'm just worried. Sympre ayoko lang masaktan sa bandang huli ang aking kaibigan. Although masaya naman talaga siya ngayon. Actually, ako lang ang gumagawa ng ikakaligalig ko..hehe....


To My Friend,
Malaki ka na. You know what is right and wrong. You know also na yung tama ang magpapasaya sa'yo. So, dun tayo sa tama. Don't settle for less. Basta, nandito lang ako para sa'yo.

-tin

ps: baka magsawa ka sa paalala ko kaya dito ko na lang idinaan. i'm beginning to sound like your elder sister na naman..hehe...pasencia na talaga. see u tomorrow!

Wednesday, April 7, 2010

Birthday Presents...

Bukod sa birthday greetings, meron din akong natanggap na mga birthday presents mula sa aking mga kaibigan at sa aking sarili. :-) Punung-puno ako ng pasasalamat. Thank you. Salamat. Merci. Shukran. hehe.


natuwa ako dito kay JM (officemate/friend)
na-touched ako kasi yung pic na nakalagay is yung
kauna-unahang 'gala' ko sa ofis kasama sila- sa starbucks moe
bagong lipat lang kasi ako nung tym na ito pero na-feel ko
na welcome na welcome nila ako sa grupo. :-)



uso sa ofis ang magbigay ng card pag birthday
eto ang natanggap ko for this year
galing Hallmark Greetings Card. :-)


eto ang ilan sa mga messages ng mga kaopisina ko
"Happy Birthday. As an accountant this is one
thing you should not count. All the best."
-from our general manager

"You deserve nice things because you're nice."
-from our contract manager

group picture. hehe. :-)



marc by marc jacobs bag
nag-sale ang company namin few weeks ago,
nagpunta mga friends/officemates ko, as usual pass ako
(wala akong hilig sa 'kakikayan' lalu na sa pagkakagastusan)
kay RS ito ibinenta pero nagparaya dahil bday ko naman daw
nagustuhan ko dahil sa color at sa discounted price
15% lng ng original price! :-)



CK watch
birthday gift ko ito sa sarili ko :-)
parehong-pareho ito ng gusto kong Tissot watch dati,
ang tagal kong nag-decide kung bibilhin o hindi.
nung nagdecide ako na bilhin na, naibenta na ito.
moral of the story: wag magpakipot :-)


Ray-ban eyeglasses
galing ito kay JC & ID
may salamin ako pero nde na sukat sa akin
pag nasa labas ako nasasabihan ako ng 'suplada'
dahil talagang hindi ko nakikita ang mga nakakasalubong ko
unless tawagin/batiin nila ako. ganun kalabo mata ko.
matagal na naming balak ni JC na bumili pero nde natutuloy
ayan tuloy, sila na bumili para sa akin.
(in fairness as in gusto ko napili nila, nde ako mukhang matanda..hehe..
papalagyan ko na ng lenses yan this weekend para magamit ko na.
ano na kaya grado ko???)


blouse from Marks & Spencer
galing naman ito kay ate PC
naggala kami minsan sa Wafi City
gusto ko ang gaya ng blouse na ito dahil nde plantsahin
nagsukat kami, pure black yung sa akin dahil
yun ang una kong nakita na color at sympre para nde kami pareho
pinasukat din niya ito sa akin. i had no idea na gift pala nia sa akin ito. :-)


blouse from H&M
bigay ito ni RS
favourite ko color green pero wala akong pang-ofis na green
ito palang, suot ko ito kanina sa ofis 08/04/2010. :-)

Monday, April 5, 2010

It Was Indeed A Very Happy Birthday To Me :-)

Matapos ang isang linggong pagninilay-nilay, i'm back!!! Masaya ako dahil natupad ko ang mga little sacrifices na inalay ko sa ating Panginoon. :-)

Sa tuwing sasapit ang aking kaarawan, ibang saya lagi ang nararamdaman ko. Para bang naitanim na sa isip ko na this is my very special day kaya naman feeling very special din ako. Hehe. Laging ang selebrasyon ay sa actual birth date ko which is March 31. But this year, i opted to have celebrations after na nang birthday ko, pumatak kasi ng Holy Wednesday ang birthday ko. Kasama ito sa aking lenten sacrifice.

March 31, 2010 (Wed)- My Birthday

As promised, hindi ako nag-celebrate nung araw na ito. Pero i was so touched kasi naalala ako ng aking mga kapamilya at kaibigan, malayo man sila o malapit. Ang aking mahal na ina ang pinaka-unang caller ko! :-) Hindi daw niya makakalimutan ang araw na March 31, 1981 kasi ito daw ang araw nang ako ay kanyang iniluwal dito sa mundong ibabaw. hehe. I'm so proud of my mother (as in!). Pero mas sobra ang pagka-proud ng aking nanay sa akin. Tingin niya sa akin ang bait bait. :-) Gusto kong manatili ito. Sympre naman gusto ko talagang maging proud sa akin ang aking nanay. Kaya naman sinisikap kong huwag gumawa nang ikakasama ng loob niya at gawin naman ang ikakasaya ng loob niya. Habang lumilipas ang panahon, nagbabago din ang mga ito. Sa ngayon, paulit-ulit na ipinapaala niya sa akin ang mga ito. Alam niyo ba kung ano ang magpapasaya daw sa kanya ngayon? Ang magka-boyfriend na daw ako para hindi ko makalimutan ang pagkakaroon ng sariling pamilya. As in natawa ako. Pero seryoso siya. Seryoso nga siya kasi consistent at persistent ang statement niya tungkol dito. Sabi ko sa nanay ko, kami na lang kasi magkasama forever (biglang na-guilty ako kasi ni hindi nga kami magkasama ngaun). Ayaw pa din, huwag ko daw gawing biro ito. At biglang sinabi, 29 na daw ako at nasa edad na..haha...Kung alam lang ng nanay ko, blessing in disguise na hindi ko pa naiisip (at hindi ko pa ipinagdarasal) ang pagkakaroon ng sariling pamilya, kasi marami pa akong gustong gawin para sa kanya. :-)

Nalaman ko din kung anong makakasama ng loob niya. Ito ay ang magtanan at mag-asawa ako ng hindi kasal. Pinapayagan naman daw niya akong mag-asawa. Gusto lang daw niya na maayos ito. With so much confidence, alam kong hinding-hindi ko ito gagawin sa aking nanay sa abot ng aking makakaya. Huwag daw magsalita ng tapos sabi ng iba pero ako gusto kong tapusin ito..hehe...

Teka lang, birthday post ko ito. Hindi ito tungkol sa aking lovelife (hmmm...sa susunod na post ko na ito..ito ay kung kaya kong isulat..hehe...pag nagkataon, daig pa ng blog ko ang diary ko noon. Sa diary ko kasi noon, puro lovelife at mga crushes ang nandoon. makwento at madaldal 'daw' ako pero pag sa ganitong bagay tameme ako..hehe..pero i'll try baka kaya ko nang magkwento tungkol dito ngayon)

Back to my birthday, puro bati ang nangyari nung Wednesday. Halos lahat ng aking mga kaibigan at kapamilya dito sa Dubai at Pinas ay naalala ang aking kaarawan. Kaya naman kahit wala akong selebrasyon nung araw na ito ay ramdam na ramdam ko ang aking birthday. After office ay tumuloy ako sa St. Mary's Church (kasama sina ate PC & ate EA) para magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob niya sa akin, sa aking pamilya at mga kaibigan.


April 3, 2010 (Saturday)

Nag-meet kami ng aking mga kaibigan at kababata. Dalawa sa kanila (ES & CB) ay nandito na din sa Dubai. Pero madalang na madalang lang kami kung magkita dahil sa magkakaiba ang aming day off. Dahil sa birthday ko at magbabakasyon sa Pinas si CB ngayong week ay nagkasundo silang i-arrange ang schedule nila para naman makapag-bonding kami dito sa Dubai at 'maipagmayabang' namin ito sa mga barkada naming naiwan sa Pinas..hehe...Nagpunta kami sa Dubai Mall at doon ay sinariwa namin ang kalokohan at saya ng aming barkadahan. Sila ang pinakauna kong naging kaibigan, kalaro at kakampi. Dalawa na lang kami ni CB na single sa mga babae, sabi nga namin wag pumunta ng Dubai kasi nakakatandang dalaga dito (si ES ay married na nang magpunta dito). Eto ang aking kumpletong barkada sa aming barangay.

Sa araw ding ito ay nag-check na ako ng aking mga emails. Ang dami kong unread emails!!! Birthday greetings from my highschool classmates & friends via our yahoo group. Natuwa ako kasi halos lahat ay binati ako. Nag-check din ako ng Friendster account ko, may nakaalala din sa akin dito. :-) Nakakatawa kasi nag-comment sa akin si CF bakit daw nde nia ako mahanap sa Facebook. Eh kasi naman, wala akong FB pa. :-) May mga offline messages din ako sa aking mga kaibigan na super tagal ko nang nde nakikita. Nakatawag din ng pansin ko ang isang birthday message na ipinadala sa akin at exactly 12:01 am (Phil time) noong March 31, 2010. (suspense muna kung sino ang nagpadala sa akin nito, ikukwento ko din siya dito one of these days...nde ko kasi alam kung saang category ko siya ilalagay sa buhay ko..nde pa kami nagkikita ng personal)

April 4, 2010 (Sunday)

Easter Sunday, sumalubong kami nina JC, ID, baby MJ at ate E sa St. Mary's Church. Nagsimba kami ng 7am mass. Holiday sa opisina namin dahil sa Kristiyano ang may-ari ng kumpanya namin. Sina JC at ID ay may pasok kaya kami nina baby MJ at ate E ang mga naiwan after ng mass. Nag-request ako kina ID at JC na ipagluto ako para sa aking munting birthday celebration sa office sa April 5. Gusto ko kasi magdala ng pagkain para aking mga kaopisina, kaibigan at mga busmates. Sympre pinagbigyan ako ng dalawa kong sobrang bait ko na kaibigan...Sabado ay sabay-sabay kaming nag-grocery sa Westzone Supermarket na malapit lang sa amin. Kanya-kanya kami ng specialty- si ID sa cassava cake, si JC sa embutido at ako naman sa baked macaroni (sympre sa tulong ni ate E). Sobrang napaligaya ako ng tatlo sa kanilang effort. (may konting hiya na naramdaman dahil talagang NAABALA ko sila) pero lamang ang kasiyahan.

Kinagabihan ng Sunday ay nagpunta kami sa Chowking (after office hours nina ID & JC) kasi may Easter Buffet promo sila..hehe..Doon kami nag-celebrate ng Easter Sunday at birthday ko. :-)


April 5, 2010 (Monday)

Feeling birthday ko ulit nung araw na ito. Since alam nina ID at JC na hindi ko naman kayang dalhin ang mga niluto naming pagkain, hinatid nila ako sa aking pick-up point. Full force ulit kami bitbit ang 17 trays na pagkain...hehe...(nasa business trip kasi si RD, asawa ni ID kaya walang maghahatid sa amin pero may birthday greetings din naman ako galing kay RD all the way from Ghana)
Pagkadating ko sa office ay nag-email ako kina ID at JC.
"Thank you so much for making my birthday happier and merrier. Pasencia na sa MALAKING ABALA na ginawa nito. Pramis, ito na ang huli..hehe. :-)
Nag-text din ako kay ate E at nagpasalamat.

Pero SULIT NA SULIT ang pagod namin. Lahat ay nasarapan sa aming inihanda. Pati mga kaopisina kong ibang lahi particularly mga Briton ay nasarapan din (noong una ay ayaw nilang tikman dahil nde nila ito kilala; super explain pa ako kung ano ba ang cassava cake). Sabi nung aming consultant, mag shift na daw ako ng career at magluto na lang. Yung GM naman namin ay puring-puri ako. Akala yata ako ang nagluto..hehe..
Lunch time, FIESTA ang atmosphere sa canteen namin. Tinulungan ako ni RS na i-distribute per group/table ang aking handa. Lahat ng mga kaibigan/kaopisina/busmates ay nagustuhan ang aming hinanda. Meron ding humihingi ng recipe sa akin..haha...Family secret daw sabi ng mga kaibigan ko..hehe (kasi wala naman silang sinusunod na measurement talaga)
Nag-take out pa ang mga ka-lunchmate ko dahil daw sa sobrang sarap ay gusto din nilang matikman ito ng kanilang mga pamilya. Grabeh, as in ganun kapatok ang aming mga niluto..hehe..:-)

I'm really thankful sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin. Sila ang dahilan kaya lagi akong MASAYA tuwing birthday ko. :-)

Ito ang istorya ng aking 29th birthday. Muli, gusto kong batiin ang sarili ko ng MALIGAYANG KAARAWAN! (hehe...natatawa ako sa pinagsusulat ko) :-)