Kahapon (13 Apr 2010) ay nakumpilan na si JC sa St. Mary's Church at ako ang tumayong Ninang niya. hehe. Tawag niya sa akin ngaun 'Ninang'. hahaha. Para sa mga nagbabalak ikasal sa Roman Catholic Church, requirement pala ang baptismal at confirmation certificate. Si JC ay isang Katoliko pero unfortunately, hindi siya nakumpilan noong bata siya. Ayon kay JC, maganda ang magpakumpil dito sa Dubai dahil talagang itinuturo in-depth ang Cathechism. Nagkaroon sila ng klase for almost 2 months (every Fridays). At kahapon nga ang big day- parang graduation ceremony. :-). Binigyan din sila ng Certificate of Confirmation. Sabi nga ni JC, yun daw ang certificate na pinaghirapan niya talaga. hehe...Natapos ang ceremony at around 9:30pm. Meron kaming mga missed calls galing sa kaibigan naming si ID. Kinantiyawan kasi ng reception si JC. Sa McDonalds Al Ghurair kasi pambata daw. Pagdating namin sa McDo ay eksaktong pauwi na din ang mga bisita. Kumain na sila dahil super late na at sleeping time na ni baby MJ. Binati na lang nila si JC at nag-uwian na sila. :-)
Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nina JC at GD ( sa Pinas on Sep 2010, uwi kaming lahat na magkakaibigan dito sa Dubai- ID, RD & me). Sobrang busy na sila ngayon sa pag-aasikaso ng kanilang kasal. I wish them all the best. I'm so happy for my friend. No. 1 candidate kaya siya dati sa pagiging matandang dalaga (i was next to her). Alam niyo bang dito sa Dubai niya nakilala si GD (officemate ni RD na asawa ni ID) at si GD ang una at huling boyfriend ni JC. I'm so confident na magiging maligaya sila sa isa't isa. I'm so grateful na nalampasan ko na din ang aking 'pagseselos' kay GD dati. Tinatawanan na lang namin ngayon ito..hehe..
Masaya ako talaga sa mga magagandang pangyayari sa buhay ng aking kaibigan. I'm giving my 100% support sa kanya. Mami-miss ko siya ng sobra. Sa buong Dubai life ko, si JC ang kasama ko. Maninibago talaga ako. Ayokong malungkot dahil ayaw kong maging burden pa ako. Malaki na ako. Kaya ko ito.
The Continuation- Apr 17, 2010 10:27pm
Kagagaling lang namin ni JC sa labas. Gumala-gala lang sa tabi-tabi. Naiisip ko ilang buwan at araw na lang naming magagawa ito. Kaya talagang sinusulit ko na ito. Buti na lang talaga natauhan na ako sa aking 'pangit' na ugali dati. Tanggap ko na talaga na lalagay na sa tahimik ang aking kaibigan. I'm really happy for her.
I'm involving myself sa preparation ng wedding nina JC. Kaya busy-busyhan din ako. Marami kaming activities in the coming days. I'm also planning to hold a surprise 'despedida de soltera' for JC. She's leaving Dubai 1st week of June. Honestly, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Very dependent kasi ako sa mga kaibigan ko. Nalulungkot ako pag naisip ko na maghihiwalay na kami ng tirahan ni JC. Natatakot akong mag-isa. Pero kakayanin ko ito dahil hangad ko ang kaligayahan ng aking kaibigan. Gusto kong sabihin na huwag nila akong alalahanin. Ipinangako ko din na hindi na ako masyadong magda-drama over this..hehe..Kaya hanggang dito na lang muna itong ka-dramahan ko...:-)
No comments:
Post a Comment