Tuesday, November 27, 2012

What's With the Maple Leaf?

Ilang buwan mula ngayon makakatuntong na ako sa bansang minsang aking pinangarap lamang na mapuntahan---ang Canada.

Paano nga ba nagsimula ito?
Sa aming baryo noon, halos lahat ng maalwan sa buhay ay yung nasa US or Canada lamang. Dun nagsimula ang hangarin kong makapunta sa alinman sa dalawa, para mabigyan ko ng maginhawang buhay ang aming pamilya. Bata pa lang ako nun pero yun na talaga ang driving force ko para magpursige sa buhay.

 Merong kaming mga kamag-anak sa US (2nd degree relatives) pero batid kong mahirap magpunta doon, unless makapag-asawa ako dun (thru fiancee visa). Erase. Erase ito dahil alam kong medyo malabong mangyari ito. So nabaling ang atensyon ko sa Canada, atleast dito meron akong chance. Basta makumpleto ko lang ang mga requirements.

Nasa Pinas pa ako noon, nung malaman ko ang tungkol sa required na 'show money'. Pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil kahit ilang taon pa akong mag-work ay di ako makakalikom ng ganung kalaking-halaga. Naisip ko kaya naman pala puro may-kaya ang nasa Canada dahil bago pa sila pumunta dun meron na din talaga sila.

Wala talaga akong planong mag-abroad (kung hindi rin lang sa US or Canada). Pero God is good talaga biruin mong napadpad ako dito sa Dubai. At dito ko pala masisimulan ulit ang aking mga pangarap. 

Taong 2008 nung mag-apply ang aking kaibigang si Joan for Canada Immigration. Gusto ko na ding makigaya sa kanya noon kaya lang di talaga kakasya sa budget. Marami ang maisasakripisyo. Nagpalipas ako ng isang taon bago nag-decide na mag-apply din. Kinausap ko muna ng masinsinan ang aking nanay tungkol sa aking plano dahil siya ang numero unong maapektuhan nito. Suportado naman ako ng aking ina. Sakto lang kasi sa pang-araw araw na gastusin at padala sa Pinas ang aking sweldo noon.

Dun din ako sa agency kung saan nag-apply si Joan. Merong option na monthly installment ang agency fee, yun ang aking pinili. 15 months to pay di pa kasama dun yung mismong application fee sa Canada. Malaki-laki din ang aming nagastos. Take note wala pa akong pang show money nito.

Dahil sa tagal ng processing, medyo nawala na din sa isip ko pati ang pag-iipon ng pang-show money dito. And the time came na kelangan na ito. Alam ninyo ba kung paano ko nabuo ito? ---1/3 from me + 1/3 from Joan + 1/3 from my cousin. :-)....After kong ma-submit ang bank statement, balik-agad sa mga sources baka magaastos ko pa...mahirap na...Di ito questionable sa officer dahil tingin ko, alam naman nilang kaya talagang ipunin ito ng isang OFW.

And the rest is history ika nga. Ayyyy saglit pala, nahirapan din pala akong ipasa ang IELTS. Kelangan kong i-perfect lahat ng module (reading, writing, listening & speaking) para makuha ang 16 immigration points. 67 points ang passing mark. At ang isang single applicant na walang kamag-anak sa Canada at walang masters degree ay eksaktong 67 points lamang ang pinakamataas na makukuha. Kaya swerte talaga ang married may additional points  sila kaagad, pwede nang nde i-perfect ang IELTS. (meron pa pala akong nde nababanggit dito, nag-pramis ako dati na pag pumasa ako sa IELTS gagawa ako ng blog ko..tinupad ko naman, ipinanganak si animus..hehe..)

Enewei, nagyari na ang nangyari. Nakatadhana talaga sa akin ang Canada. At pag nandun na ako, nawa'y wag kong kakalimutan ang mga daan na aking tinahak para makarating doon. :-0





Sunday, November 25, 2012

Lakbay-Diwa

Sobrang busy sa ofis. I have a crazy schedule mula nang dumating ako galing bakasyon. Halos araw-araw yata ginagabi ako ng uwi. Idagdag pa na malayo talaga ang bahay namin. Opppsss, i'm not complaining. At ayokong mag-complain. Maswerte nga ako sa mga boss ko at payag sila na mag-work pa ako considering na alam nila na aalis na ako this coming March 2013. 
Malapit na yun. Kung minsan napapaisip ako, ano kaya ang magiging buhay ko sa Canada? Kasabay ng excitement, natatakot din ako. Although naniniwala naman ako na hindi naman ako pababayaan dun ni Lord. Tingnan mo naman, pinauna pa niya ang kaibigan kong si jo dun :-)..hehe...

Actually, ang dami ko pang dapat asikasuhin pero hindi ako maka-bwelo. Kabi-kabila ang mga event na aking dinaluhan. Every weekend fully booked ako. Feeling ko, i don't have time for myself na. Kaya naman talagang pinilit kong umuwi ng maaga ngaun (left office @ 8pm) para makapag-blog at mabigyan naman ng time ang aking sarili. hehe.

Wala naman akong particular na gustong i-blog. Although kanina ang daming topic na pumasok sa isip ko (i.e. officemates, boss, things to do before i go, noon at ngaun atbp) pero tingin ko di ko matatapos kaya ganito na lang muna. Kung ano lang pumasok sa isip ko. Yun na yun.

BALITA
1) Magiging kumpare ko na ang boss ko. Ninang ako ng kanilang bagong-silang na sanggol. Excited akong makalaro na si baby. Sa Feb 2013 ang binyag, bago daw ako umalis. Nalulungkot ako dahil di ko na maabutan ang kanyang 1st bday and so on....Skype na lang daw kami :-)
2) Year-end party na namin sa Dec 6 at problemado ako sa 'costume' namin. Meron kasing theme at wala pa akong ideya kung ano isusuot ko...Waaaahhhhh...Kelangan ko ng makahanap this weekend.
3) Nag-chat kami ng nanay ko at kuya ko nung weekend. Ipinakita ng kuya ko ang mga griller at ang kubo na kanyang ipinagawa para sa nalalapit na ika-60 kaarawan ng aming nanay (aug 19, 2013). Sa place daw nila gagawin ito at siya daw ang personal na magluluto. (currently, chef/cook ang aking kuya dito sa middle east). Nakakalungkot nga dahil mami-miss ko bday ng nanay ko. Birthday wish pa naman ng nanay ko na sana magkasabay-sabay kaming magbakasyon sa araw na yun. Although, di ko na naririnig na wish niya yun kasi siguro alam naman ng aking ina na di pa ako makakauwi nun from Canada. Di bale etong pag-uwi ko, babawi ako ng bonggang-bonga kay madir. :-)

LOVE. LOVE. LOVE
1) Yay! super kilig ako kina zoren & carmina. Wala lang naging instant fan. hehe..Inantay ko pa talaga ma-upload yung wedding nila kagabi sa internet para mapanood ko. Ang sweet ni zoren ay. Pati ako ay naiyak habang naglalakad si carmina. 
2) "i hope you'll find the perfect guy that you're looking for" ---parting words ito ng isang lalaki sa isang babae....how would you explain na hindi naman perfect ang hinahanap nito?
3) Panaginip : i'm praying na sana nga nandun sa Canada ang nakatadhana para sa akin. gusto ko din naman magkapamilya. At tsaka ang nanay ko on visiting/joining me in Canada afterwards "ano naman kaya ang gagawin ko dun, kung sana'y may apo na akong aalagaan" ...Hahaha..Bigla akong nagising na tumatawa.

Cia, antok na ako. Pasok na naman ng maaga bukas. Kelangan ko ng energy dahil start na ng interim audit namin tomorrow. Goodluck sa akin dahil seryosong tatapusin ko daw ang 2012 audit bago ako umalis. Di nga sila nagbibiro dahil ginawa pa akong isa sa mga team leader.

Enewei, parte ng trabaho ko naman talaga ito. Mas mabuti na yung busy kaysa naman sa walang ginagawa. Yun ang pinagpapasalamat ko din sa work ko ngaun. Masyadong busy. Napakabilis ng panahon. Ni hindi ka magkakaroon ng time para ma-homesick at mag-drama ba. So paano, next time na lang ulit. Tulog na ako. Gudnyt! :-)




Saturday, November 17, 2012

My 7th Anniversary in Dubai

Gosh?!!!!How time flies?...Parang nalingat lang ako saglit...pitong taon na pala ang lumipas simula nang unang pagtapak ko sa lupain ng Dubai. 

I never imagined na aabot ako sa abroad ng ganito katagal. Take note ang original plan ko is 2 years lang talaga para magka-experience lang hanggang sa umabot na ako ng ganito katagal. May regret ba ako? Nope, none at all. 

I think naisakatuparan ko naman lahat ng pangarap at plano ko dito sa Dubai. Nakatulong ako sa amin. Masasabi kong nabigyan ko ng magandang buhay ang aking nanay. Naipatayo ko ang kanyang pangarap na bahay. Wala na ding naniningil ng pautang sa kanya. Ang mga nagpapautang pa ang lumalapit sa kanya. Di na namomroblema ang aking ina dahil sa kahirapan ng buhay. (isa na lang daw ang alalahanin niya---ako..sana daw mag-asawa na ako) 

 Naging inspirasyon ako ng aking mga kapamilya, kamag-anak at kabaranggay para magpursige na abutin din ang kanilang mga pangarap. (lol. feeling ko lang ito) :-)

Meron pa ba akong mahihiling sa Dubai? Wala na siguro. Naibigay na lahat sa akin. Ang gusto ko na lang gawin ngayon is magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa akin dito sa Dubai. :-)

Shukran Dubai! I will be forever grateful to you!
















Sunday, November 11, 2012

The Diary

Coming Soon (when i got more time to blog)....my 'kagalaan 2012' in Singapore, Malaysia & Philippines.
 
Meantime, let me blog about my long-lost diary first. I even brought it here with me, all the way from the Philippines para may ebidensya. :-)

"i found my diary underneath a tree (actually inside my cabinet)
and started reading about me
the words i've written took me by surprise
you'd never read them in my eyes (fact is i'm very transparent)
---lyrics excerpt from "diary" by bread



tuwang-tuwa ako pagkakakita sa aking diary.
lalo pa pagkabasa ko sa mga letters ko :-)
may kalawang na ang lock nito at nawala na din ang susi
sa kalumaan. meron na din itong mantsa.

Big deal sa akin ang aking privacy. Ayaw na ayaw kong
may nakikialam sa aking mga gamit unless may prior approval ko ito
***Ibang usapan sympre pag nanay ko ang nagbasa nito,
alangan namang pagalitan ko..hehe...i know nabasa ng nanay
ko ito noon..kakahiya dahil puro mga secret 'crushes' at 'kinaiinisan'
ang laman nito.... :-)


March 24, 1998  Boarding House 7:50PM Tue
Hahaha..kumpleto talaga..yan ang start date ng aking diary
gusto ko daw ng may maasasabihan ng aking mga not-so-secret
na mga sikreto kaya ang pinagdiskitahan ko ay ang very friendly na si 'diary'


May 6, 2002 9:45PM (Sa bahay ko namin sinulat ito-not shown)
Ito naman ang last letter ko. Nagwo-work na ako nito at
naging busy na masyado siguro :-)

By now, you probably know why I write diary-style blog (yung bang kahit ano lang na pumasok sa isip basta may maisulat lang)..
It's because I was trained like this & I love it. :-)