Paano nga ba nagsimula ito?
Sa aming baryo noon, halos lahat ng maalwan sa buhay ay yung nasa US or Canada lamang. Dun nagsimula ang hangarin kong makapunta sa alinman sa dalawa, para mabigyan ko ng maginhawang buhay ang aming pamilya. Bata pa lang ako nun pero yun na talaga ang driving force ko para magpursige sa buhay.
Merong kaming mga kamag-anak sa US (2nd degree relatives) pero batid kong mahirap magpunta doon, unless makapag-asawa ako dun (thru fiancee visa). Erase. Erase ito dahil alam kong medyo malabong mangyari ito. So nabaling ang atensyon ko sa Canada, atleast dito meron akong chance. Basta makumpleto ko lang ang mga requirements.
Nasa Pinas pa ako noon, nung malaman ko ang tungkol sa required na 'show money'. Pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil kahit ilang taon pa akong mag-work ay di ako makakalikom ng ganung kalaking-halaga. Naisip ko kaya naman pala puro may-kaya ang nasa Canada dahil bago pa sila pumunta dun meron na din talaga sila.
Wala talaga akong planong mag-abroad (kung hindi rin lang sa US or Canada). Pero God is good talaga biruin mong napadpad ako dito sa Dubai. At dito ko pala masisimulan ulit ang aking mga pangarap.
Taong 2008 nung mag-apply ang aking kaibigang si Joan for Canada Immigration. Gusto ko na ding makigaya sa kanya noon kaya lang di talaga kakasya sa budget. Marami ang maisasakripisyo. Nagpalipas ako ng isang taon bago nag-decide na mag-apply din. Kinausap ko muna ng masinsinan ang aking nanay tungkol sa aking plano dahil siya ang numero unong maapektuhan nito. Suportado naman ako ng aking ina. Sakto lang kasi sa pang-araw araw na gastusin at padala sa Pinas ang aking sweldo noon.
Dun din ako sa agency kung saan nag-apply si Joan. Merong option na monthly installment ang agency fee, yun ang aking pinili. 15 months to pay di pa kasama dun yung mismong application fee sa Canada. Malaki-laki din ang aming nagastos. Take note wala pa akong pang show money nito.
Dahil sa tagal ng processing, medyo nawala na din sa isip ko pati ang pag-iipon ng pang-show money dito. And the time came na kelangan na ito. Alam ninyo ba kung paano ko nabuo ito? ---1/3 from me + 1/3 from Joan + 1/3 from my cousin. :-)....After kong ma-submit ang bank statement, balik-agad sa mga sources baka magaastos ko pa...mahirap na...Di ito questionable sa officer dahil tingin ko, alam naman nilang kaya talagang ipunin ito ng isang OFW.
And the rest is history ika nga. Ayyyy saglit pala, nahirapan din pala akong ipasa ang IELTS. Kelangan kong i-perfect lahat ng module (reading, writing, listening & speaking) para makuha ang 16 immigration points. 67 points ang passing mark. At ang isang single applicant na walang kamag-anak sa Canada at walang masters degree ay eksaktong 67 points lamang ang pinakamataas na makukuha. Kaya swerte talaga ang married may additional points sila kaagad, pwede nang nde i-perfect ang IELTS. (meron pa pala akong nde nababanggit dito, nag-pramis ako dati na pag pumasa ako sa IELTS gagawa ako ng blog ko..tinupad ko naman, ipinanganak si animus..hehe..)
Enewei, nagyari na ang nangyari. Nakatadhana talaga sa akin ang Canada. At pag nandun na ako, nawa'y wag kong kakalimutan ang mga daan na aking tinahak para makarating doon. :-0
No comments:
Post a Comment