Thursday, July 4, 2013

fresh start.....

i finally resigned from my current job. maaaring di ako maintindihan ng iba sa ginawa kong desisyon pero ang importante suportado ako ng pamilya ko dito at aware ako sa magiging consequence nito. alam kong mahirap ang maghanap ng trabaho dito sa canada pero ready ako na sumabak sa job market ulit. yup, di muna ako uuwi ng pinas. hahanapin ko muna ang kapalaran ko dito.

would you believe para akong nabunutan ng napakadaming tinik ng kausapin ko ang boss ko tungkol dito? all of a sudden bumalik ang enthusiasm ko sa pagtira dito sa Canada. now, i am looking forward sa mga darating na araw. hindi yung paggising ko pa lang ayokong bumangon dahil ayokong pumasok sa office.

nakamahigit dalawang buwan naman ako sa company. nag-pramis ako sa boss ko na di ko naman iiwan ng ganun ganun lang ang trabaho ko. aantayin ko pa rin naman silang makakuha ng aking kapalit. kakausapin ako sana ng boss ko bukas dahil malapit na matapos probation period ko (3 mos) at magiging regular na ako. kaya lang naman talaga natagalan ang pagdesisyon ko is kasi i was hoping na hindi ako ma-reregular para wala ng hassle sana. enewei, good to know pa rin nman na may trust ang boss ko sa akin pagdating sa work ko.

hindi ito overnight desisyon. pinag-isipan ko ito ng mabuti. i'm thankful na binigyan ako ng courage & capability para isakatuparan ito.

Dear Lord,
thank you for always guiding me.
remember last time nung nawalan ako ng work sa dubai?
binigyan mo ako ng strength para harapin ito ng bonggang-bongga.
and in no time nakuha ko ang gusto kong trabaho.
although this time ako ang nag-resign at wala pa namang lilipatan.
the feeling is the same. i know na hinding-hindi mo ako pababayaan ever.
i feel i'm back on track again. thank you so much Lord.

love,
tin







Monday, July 1, 2013

Depression...

i'm struggling..di ko lubos maisip na sa bayang pinangarap ko pa ako magkakaganito.
dinaig pa nito ang lungkot na naramdaman ko nung ako'y mangibang-bansa sa dubai.
last week, buo na ang loob ko na mag-resign at umuwi na muna sa pinas.
kung anuman daw desisyon ko, suportado ako ng aking pamilya.

i'm still struggling..pero napag-isip isip ko na kakayanin ko ito. di ako susuko ng ganun ganun lang.
napakatagal ng aking inantay para magkaroon ng visa..ngayon na nandito na ako. babalewain ko lang. di naman ako makakapayag nun.

from now on, pipilitin kong maging masaya pa rin dito. besides, plano kong papuntahin ang nanay ko dito next year.

trivia:
kakaibang depression ang tumama sa akin ngayon.
imbes na pumayat ako, ang effect nito sa akin ay kabaligtaran.
sabi nga ni jo, nawawalan ako ng credibility. di halatang homesick ako.lol.
62.1kg lang naman ako....this is my heaviest weight so far.
kasabay ng pagpuksa ko sa depression ay ang pagpapayat.
yesterday nag-umpisa na akong mag biking.
at usapan namin ni jo na merong 5cad fine pag nag miss ako.
i'm happy kasi medyo natatauhan na ako ng paunti unti
in the past days, ang gusto ko lng gawin ay ang walang gawin.
it's a good start for me..sana magtuluy-tuloy.

july 1 is Canada day kaya alang pasok
hopefully, next year ang blogpost ko na is
Happy Canada Day na talaga.