Thursday, July 4, 2013

fresh start.....

i finally resigned from my current job. maaaring di ako maintindihan ng iba sa ginawa kong desisyon pero ang importante suportado ako ng pamilya ko dito at aware ako sa magiging consequence nito. alam kong mahirap ang maghanap ng trabaho dito sa canada pero ready ako na sumabak sa job market ulit. yup, di muna ako uuwi ng pinas. hahanapin ko muna ang kapalaran ko dito.

would you believe para akong nabunutan ng napakadaming tinik ng kausapin ko ang boss ko tungkol dito? all of a sudden bumalik ang enthusiasm ko sa pagtira dito sa Canada. now, i am looking forward sa mga darating na araw. hindi yung paggising ko pa lang ayokong bumangon dahil ayokong pumasok sa office.

nakamahigit dalawang buwan naman ako sa company. nag-pramis ako sa boss ko na di ko naman iiwan ng ganun ganun lang ang trabaho ko. aantayin ko pa rin naman silang makakuha ng aking kapalit. kakausapin ako sana ng boss ko bukas dahil malapit na matapos probation period ko (3 mos) at magiging regular na ako. kaya lang naman talaga natagalan ang pagdesisyon ko is kasi i was hoping na hindi ako ma-reregular para wala ng hassle sana. enewei, good to know pa rin nman na may trust ang boss ko sa akin pagdating sa work ko.

hindi ito overnight desisyon. pinag-isipan ko ito ng mabuti. i'm thankful na binigyan ako ng courage & capability para isakatuparan ito.

Dear Lord,
thank you for always guiding me.
remember last time nung nawalan ako ng work sa dubai?
binigyan mo ako ng strength para harapin ito ng bonggang-bongga.
and in no time nakuha ko ang gusto kong trabaho.
although this time ako ang nag-resign at wala pa namang lilipatan.
the feeling is the same. i know na hinding-hindi mo ako pababayaan ever.
i feel i'm back on track again. thank you so much Lord.

love,
tin







No comments:

Post a Comment