Dear Animus,
Ang bilis ng panahon, mag-aapat na taon na sana tayong magkasama this October. Sori kung lagi akong nawawala at iniiwan kita sa ere. I know ni-promise ko dati na never kitang iiwan gaano man ako ka-busy pero ang dami ng nangyari at tuluyan na nga akong nawalan ng oras sa'yo. Naiintindihan mo naman yun di ba? Kaya naman gusto kong pormal na magpaalam sa'yo para wag mo na akong antayin.
Maraming salamat sa lahat-lahat. I will be forever grateful to you. Hindi ko man ito maisusulat na, mananatili ito sa puso ko.
Bago ako tuluyang magpaalam, I-update muna kita sa mga latest happenings sa buhay ko:
1) Nasa pinas ako ngayon - ni-surprise ko ang nanay ko sa kanyang 60th birthday last Aug 19.
best-ever decision I made. Nagawa ko na din lahat ng unfinish business ditto sa pinas.
2) Renewed life in Canada - balik Canada ako this weekend. Bye corporate world muna ako, at isasakatuparan ko na ang matagal ko na ding pangarap ang mag-negosyo! (ito ay sa tulong ng aking kaibigang si DG, now business partner na)
3) No worries - i'm all set & ready for any challenges (including meeting my future husband. yay!i agree nasa right age na ako at gusto ko namang magkaroon ng sariling pamilya) . ala na ding homesickness. i'm actually looking forward this time sa magiging buhay ko dun sa Canada. :-)
Hanggang dito na lang ang aking sulat. Hangad ko ang iyong kaligayahan kaibigan.
Nagmamahal,
-tin
No comments:
Post a Comment