Thursday, October 22, 2009

Napapakanta Ako

PASAKALYE:
Bukod sa pagbabasa at panonood ng pelikula, mahilig din akong makinig sa mga kanta. Hindi kagandahan ang boses ko pero kumakanta ako pag sa oras ng pangagailangan. hehe. Gustung-gusto ko ang pagkanta sa saliw ng gitara. Mapa-acoustic or rock pinapatulan ko. Pag nag-videoke kami ng mga barkada ko noon sa Pinas, ako lagi ang itinutulak ng mga barkada ko para maunang kumanta. Aba nang lumaon ay lahat na kami nag-aagawan na sa mikropono. Nakikipag-unahan na! Meron na kaming kanya-kanyang masterpiece.Hahaha. Naalala ko pa "You Were There" ng Southern Sons ang akin noon. Pag yun na ang tugtog, given na na ako ang kakanta. hehe..Hindi pa uso noon ang mediacom or HDT karaoke, VCD pa noon ang gamit at mga selections ang mga kanta. Tapos sa mga bahay bahay lang namin kami nagvi-videoke. Sa isang barangay lang kasi kami lahat nakatira.


Super naging makulay ang buhay ko nang mag-umpisa akong makipag-barkada. Dalawang grupo ang naging barkada ko sa aming barangay. Yung 1st group ay mga kababata at mga kapitbahay ko lahat. Simula grade 1 ay magkakaibigan na kami. Lima lang kami nung umpisa all girls, pangalan namin "Five Star Gang". Tapos nung mag-teenager kami ay nadagdagan kami. Naging kaibigan naman namin ang isang grupo na all boys naman. 11 kami lahat sa una kong grupo. Nakatira kami lahat sa Purok 1.

Then sa hindi inaasahang pagkakataon, naging barkada ko din ang aking 2nd barkada group ko na taga Purok 3 lahat. May okasyon nun bahay ng pinsan kong taga Purok 3, nagpunta ako at dahil wala namang barkada dun. Paupo-upo lang sa tabi tabi at inaantay ang nanay ko na matapos ang kwentuhan sa mga kamag-anak. Ipinakilala ako ng pinsan ko sa mga barkada niya. Super kwela at makwento ang grupo niya- 5 girls at 6 boys sila. Medyo mahiyain ako nun kasi nga nde ko naman teritoryo ang lugar nila. Pero naramdaman ko sa kanila na super welcome ako. That was also the first time na nakatikim ako ng alak- Gilbey's gin na merong lime juice. Hindi sila mga bad influence pero ang dami kong natikman na alak dahil sa kanila..hehe...Allowed naman kaming uminom, basta occassionally lang daw. College na kasi ako nito. We take it literally, weekly gumagawa kami ng okasyon. Meron pa kaming sariling tambayan talaga nun. Sa bahay ng pinsan ko (na sa kasalukuyan ay OFW din na kagaya ko, sa Abu Dhabi naman siya). Naging malapit din ako sa mga kamag-anak ko sa side ng mother dahil sa Purok 3 halos lahat sila nakatira.

Dahil sa 2 ang grupo ko, malaking problema pag me okasyon sa bahay namin. Hindi ako magkandaugaga kung saan ako lulugar sa dalawang grupo. Hindi kasi nila nakuhang magkasundo-sundo. Sa mga babae walang problema ang isa't isa. Pero sa mga barkada kong lalaki, maiinit ang dugo nila sa isa't isa. So parang ang set-up kung sinong maunang grupo sila ang pipili ng place sa bahay kung saan nila gusto. Ako yung napapagod talaga sa kanila. Five minutes ang stay dito tapos lipat sa kabila naman for five minutes. Kasi ayokong may magtampo. Kaya ingat na ingat din ako. Dapat pantay lang ang pag-eestima sa parehong grupo.

Hindi problema sa akin ang mga lakad namin kasi kadalasan ako ang taga-plano ng mga ito. Nakaka-guilty nga lang kung minsan kasi parang nakakalamang ako sa kanila- parang i'm getting the best of both worlds compare sa kanila. Pinilit ko talagang maging close sila sa isa't isa, pero talagang mahirap nilang tanggapin ang isa't isa. Minsan sinadya kong pagsamahin lahat sila, disaster ang nangyari. Hindi sila nagkibuan. Hindi ko na inulit. Pag pasko, dalawang magkaibang christmas party ang pinupuntahan ko.

Pero nakakatuwa nung bago ako mangibang-bansa, lahat sila nagsama-sama sa bahay namin na masaya. Nabigla nga ako at chika chika lahat. Nagbiro nga ako sa kanila. Kung kelan naman paalis na ako tsaka sila naging close sa isa't isa. Tawanan lang. Simbolo ng paglimot nila sa nagdaang di pagkakaintindihan. Alam kasi naming lahat ang mga kalokohang pinaggagawa at pinagsasabi nila laban sa isa't isa.

Fast Forward >>
May kanya kanya nang buhay lahat ng mga barkada kong nabanggit ngaun. Hindi na rin sila masyadong maka-barkada ngayon. Hindi na sila tumatambay. Seryoso na sila sa pagbuo ng kanilang sari-sariling pamilya. To the next level na kami ngayon, pare at mare na ang tawagan namin..hehe..

My Headcount (after I left Phils in 2005)

Unang Grupo

1) SC (girl)- married with 2 little cute babies. Phils

2) ES (girl)- married with one daughter; Phils

3) CP (girl)- married with a new baby daughter; Phils

4) CB (girl)- dating; busy with her life; UAE

5) JS (girl)- engaged; busy working; Phils

6) AM (boy)- newly-married; Phils

7) AP (boy)-married with 2 sons; Phils

8) RM (boy)- married; Phils

9) JM (boy)- single; KSA

10) TS (boy)- married with two sons; Phils

11) ako (girl)- single; busy blogging; Dubai. lol.

Ikalawang Grupo

1) CM (girl)- married with one cute son; Phils

2) JM (girl)- in a relationship; Phils

3) JA (girl)- in a relationship; Phils

4) MM (girl)- single; Phils

5) BC (girl)- married; Australia

6) RB (boy)- married with one son; Abu Dhabi

7) LM (boy)- married; Phils

8) MM (boy)- newly-married; Phils

9) DG (boy)- in a relationship; Phils.

10) AB (boy)- married; Phils.

11) SB (boy)- married with one son & one daughter; Phils

12) ako ulit (girl)- single; busy blogging pa rin. hehe.

Miss ko na ang tambay namin. Miss ko din ang kwentuhan hanggang magdamagan. Sobrang nami-miss ko din ngaun ang kantahan namin na talaga namang bumulabog sa mga kapitbahay namin. Napapakanta kasi ako ngaun. :-)

No comments:

Post a Comment