Saturday, October 10, 2009

Ang Sarap Balikan :-)

Kanina lumabas ako at nagpunta sa pinakamalapit na mall dito para mag-withdraw at magpadala sa aking nanay sa pinas. Habang naglalakad ako ay nag-iisip akong kung ano ang pwedi kong i-blog ngayon. Wala kasi akong maisip kanina. Then nakita ko ang dalawang magsing-irog na magkahawak-kamay. Bigla nagsalita ang aking isip at napangiti "i know that feeling!". Sabay hirit, maisulat nga. hehe. :-)
Pero hindi lovelife ang ikukuwento ko sa ngayon, kahit gustuhin ko man wala talaga akong mapiga..hehe...Subalit madaming mga taong naging bahagi ng buhay ko, mga taong nagbigay inspirasyon sa akin, mga taong nagpakilig ng todo-todo sa akin, mga taong naging crush ko. Ang kanilang alala ay tunay namang kay sarap balikan. In chronological order:

Mr. Chan. Fourth year highschool ako nung maging crush ko si Mr. Chan. Napakabait kasi. As in literally nanlalamig ako tuwing nakikita ko sabay nagba-blush pa. Teacher ko siya sa T.H.E. (Technology & Home Economics), siya ang nagtuturo tungkol sa isometric, perspective drawing at kung anu-ano pang drawing. Eh yun ang pinaka-hate kong subject. Hindi ako marunong mag-drawing. Aminado din akong wala akong ka-art art sa katawan. Pero dahil talagang tinamaan ako ay pinilit ko ang sarili kong matuto. Never akong nagpagawa ng drawing sa iba. Sa taong ding ito ay first time kong sumali sa sports sa intrams namin. Of all sports, basketball pa ang aking sinalihan kasi si Mr. Chan ang aming coach. hehe. Tandang-tanda ko pa Feb 14, may program sa iskul namin kasi Teacher's Day. Naghanda kami ng personal na munting regalo ni RL (na super crush naman ang isa kong teacher). Binigyan namin ang aming mga guro ng magandang ballpen na may design pa na heart ang kanilang mga balot. Si RL ang gumawa ng mga design. Hiyang-hiya talaga ako nun. Sabi ko kay RL hindi ko na kaya ang kahihiyan. Siya naman, wala naman daw kaming masamang ginagawa. Wherein kung minsan nag-iistay kami sa iskul para lang masilayan pa sila ng matagal. hehe. Hanggang maka-gradweyt kami ay sila pa rin ang itinatangi ng aming mga puso. Last day sa iskul namin ay nagpaalam kami ni RL sa kanila sabay abot sa aming bitbit na goodbye at thank you card sa kanila with matching may pagka-dramatic effect pa!..lol.
Sa tuwing magkikita kami ni RL, kumare ko na ngayon, natatawa na lang kami sa aming pinaggagawa. Napapahalpak talaga kami sa kakatawa. Binabalikan namin ang aming hayskul lyf na kay saya. At napasaya pa lalu dahil sa kanila. :-)

Bryan. Si Bryan ay kaklase ko noong college. Isa siya sa pinakamatalino sa klase. Naging champion sa isang tagisan ng talino. Never kong inamin kay MC, bestfriend ko, na crush ko si Bryan (nakikinita ko na ang reaksyon ni MC pag nabasa ito..hahaha..). Naging malapit na din kasi sa amin si Bryan at kaibigan nito. Kasa-kasama namin sila pag break time, bago uwian ay sabay-sabay kaming tumatambay at nagmemeryenda muna. Kakopyahan din namin sila ng assignment. Parang ang galing ko naman, sa akin kumokopya ng assignment si Bryan. hehe...Takot na takot nga si MC baka daw ma-develop ang dalawa sa amin. Ayaw kasi niya sa dalawa. Kung pwedi nga lang huwag na daw silang sama ng sama sa amin. Ang tawag kasi ni MC kina Bryan ay mga kulay putik tapos nag-yoyosi pa sila kaya hindi maiwasan na maamoy namin. In fairness to them, pinilit naman nilang huwag mag-yosi tuwing magkakasama kami.
Ilang buwan din kaming naging close then hindi na namin alam kung anong nangyari bakit bigla nag-iba ang grupo namin. Basta ang alam ko, nawala ang nararamdaman ko sa kanya nang ipakasal namin siya sa Marriage Booth na inorganisa namin nung College Week.
Sa ngayon, si Bryan ay very successful na sa kanyang napiling propesyon. Meron pa din naman kaming contact sa isa't isa. Though wala akong balita tungkol sa lovelife niya at wala naman akong balak alamin..hehe..Tama na sa akin na minsan ay naging makulay ang buhay college ko dahil sa kanya. :-)

Gie. Si Gie ang pinaka naging matindi kong crush so far. Siya ang Manager namin sa dati kong work dito sa Dubai. Dumaan lang siya ay feeling nasa ibang mundo na ako. Sa kanya naging totoo ang mga kilig na aking nararamdaman pag nagbabasa ng love stories. Hindi din lingid sa aking mga kaopisina ang mga kilig moments ko sa kanya..hahaha...natatawa tuloy ako. Madami kasi iyon. Ang simpleng paghawi ng buhok niya ay talaga namang nagpapakilig sa akin. Ang aking workstation ay directly nakaharap sa kanyang ofis. Kaya naman lagi kong suot ang aking salamin sa mata para masulyapan siya. Musika din sa pandinig ko ang bawat salita na marinig ko sa kanya kahit hindi naman sa aking sinasabi nito.
Ngunit ewan ko ba, parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Napaka-metikuloso ko pagdating sa work. Pero kay gie, parang wala akong nagawang tama sa paningin niya. Kusang nawala ang todong kilig ko sa kanya. Hanggang sa mag-resign ako at lumipat ulit ng work- ang current work ko na.
Isa sa mga pinakamasayang yugto ng buhay Dubai ko ay nung makapag-trabaho ako sa kumpanya ni gie. Hindi lang dahil sa kanya bagkus dahil din sa mga taong naging malapit sa akin at mga taong naging kaibigan ko doon. Na hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa din.

Disclaimer: Ang mga totoong pangalan ng mga taong nabanggit sa itaas ay kusang iniba sa kagustuhan ng manunulat na panatilihing pribado ang mga ito.

No comments:

Post a Comment