Sunday, October 18, 2009

Isang Gabing Dinalaw Ako

Mula elementarya hanggang kolehiyo ay swerteng napapabilang ako sa mga may matataas na marka.Nakakasama din ako sa mga nasasabitan ng ribbon at medalya. Lahi daw kami ng matatalino. Naks! (pasintabi po, dadalhin ko na ang sarili kong bangko..hehe). Actually, yung mga pinsan kong mas nauna sa akin ang matatalino. Sikat ang apelyido namin nun (mother's side), sa kadahilanang ang mga valedictorian sa lahat ng antas nang minsang school year sa nag-iisang pribadong iskul sa bayan namin ay lahat mga pinsan ko.
Hindi lang sila magaling sa academic. Nag-excel din sila sa mga extra-curricular activities: editor-in-chief ng school organ, pinuno sa ROTC, declamation & oratorical champion at madami pang iba.
Samantalang ako ay low profile talaga. Tahimik lang sa klase. Tamang aral lang kumbaga. Hindi mahilig sumali sa anumang non-academic organization. Naiisip ko nga kung mag-aaral ako ulit ngayon. Sigurado mangunguna ako sa klase! Hehe. Medyo madaldal na kasi ako ngayon. :-)
Wala po kaming gap ng mga pinsang kong nabanggit. In fact, lahat sila ay naging super close ko nung mga nagsipagtanda na kami. Sabi nga nila, 'birds of the same feathers, flocks together'. Wala lang gusto ko lang i-stressed na we're all the same..hehe (natatawa na lang ako sa mga pinagsusulat ko.)

Patalastas
ako: animus, saan ba patungo ang kwentong ito? Palalim na ang gabi at kailangan ng matulog at may pasok pa kinabukasan.
sagot ni animus: hindi ko din alam. naalala ko lang kasi nung nag-aaral pa ako ay gustong-gusto kong maging writer kahit man lang sa iskul namin ngunit hindi ako napagbigyan at sa iba ako napadpad. instead na letra ay mga numbers ang aking inatupag. aminado ako na hindi ako ipinanganak na manunulat pero naniniwala ako na sa pagsusumikap ay mahahasa ang aking talento sa pagsusulat.
ako: tama ang attitude na yan. darating din ang panahon na makakamit mo yan. ngayon pa nga lang ay may mga nagugustuhan na ako sa mga gawa mo.
sagot ni animus: napangiti mo naman ako sa sinabi mo. :-) cia, cge matulog na tayo. gudnyt!


Paalala:
si animus ay ang aking pangalan bilang manunulat. Ito ay isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay courage.

No comments:

Post a Comment