Wednesday, October 28, 2009

I'm on Holidays!!!

Ang bilis ng oras! Last day na ng one-week leave ko ngayon. Sa Sunday, papasok na ako. Eto ang kagandahan ng nagta-trabaho sa abroad. Pweding-pwede mong gamitin ang annual leave mo na 30 days. Naisip ko sa Pilipinas, hinding-hindi ko ito magagawa. Bukod sa laging overtime kami, isang mortal sin ang mag-take ng leave. Magi-guilty ka talaga pag ginawa mo yun.
Sa mahigit na tatlong taon kong pagta-trabaho ko sa isang kumpanya ng eroplano sa Pinas, mabibilang ang leave ko. Eto lang yung mga pagkakataon na kelangan ko talagang mag-leave dahil may nakasalalay na buhay. lol! In fairness to my previous company, convertible to cash naman ang mga leave namin. Pero grabeh, matuto ka talagang maging workaholic sa aming work lifestyle dun.
Buti na lang naging kaibigan ko sina JC, ID at PA dun. Tawag sa amin sa ofis F4, mahilig kaming mag-unwind pag feeling burn-out na kami sa work. Sila napuntahan lahat halos ng mga pasyalan sa buong Pinas, ako kasi si laging nagmamadali sa pag-uwi sa aming probinsiya kaya unti lang ang aking nasamahan. Sinabihan lang ako na hindi naman mawawala ang aming probinsya at mababalikan ko naman ulit ito. Ewan ko ba, parang feeling ko dati MTB (meant-to-be) kami ng aming probinsya at para dun lang talaga ako! hehe.. Nag-sink in sa akin ang advice nila. Simula noon nagustuhan ko na ding ang magpunta sa ibat-ibang lugar. Hindi yung gusto ko lang sa baryo lang namin ako mag-stay. Meron isang matanda noon sa baryo namin at sinabihan ako 'ikaw, you'll go into places..malayo ang mararating mo.'
Nagkatotoo ang kanyang sinabi. Nakarating ako sa Ilocos, Vigan, Banaue, Baguio, Manaoag, Hundred Islands, Subic, Bataan, Fontana, Eight Waves, Laguna, Batangas, Quezon, Bicol. Dahil may libre kaming airfare sa aming kumpanya noon, nakapasyal kaming F4 sa Cebu, Palawan, Roxas City at Boracay. Bumalik pa ako sa Boracay kasama ang nanay ko at isang tita bago ako nagpunta ng Dubai.
Takot ako sa dagat dahil hindi ako marunong lumangoy pero nung makarating ako ng Boracay. Grabeh, as in makakalimutan mo ang takot mo dahil sa sobrang ganda nito. You'll end up appreciating the beauty of it. Kaya highly recommended ko talaga ang Boracay sa mga kagaya kong takot sa dagat. Magandang therapy ito.
Nawala na ngang tuluyan ang takot ko, last May 2009 nagbakasyon kami ulit ng F4 (tatlo kaming nasa Dubai) sa Pinas, nagpunta naman kami sa Caramoan Island at sa Camsur. Nag-try kaming mag-wake boarding! Palakasan lang kami ng loob..hehe. Dumaan din kami sa Mayon Volcano. Ipinagpapatuloy lang namin ang aming sinimulan. :-)
Madami pa akong gustong puntahang lugar ngayon. Sa Pinas, next stop ko is Bohol naman (meron na akong ka-plano dito). Then going international na ako pagkatapos, plano kong ipasyal ang aking mahal na ina sa Hongkong sa darating kong bakasyon next year. Sana matuloy kami! (nanghihinayang kasi ang nanay ko sa gagastusin). Gusto ko ding makapasyal sa Singapore, Malaysia, China at Thailand. Dito sa Middle East, ipinapangako kong makakarating ako sa Egypt balang-araw! Wala pa sa plano kong makarating sa Europe! Nagtanong ako sa ofismeyt kong galing dun. Nagastos lang naman niya is mga AED40,000 or almost 5ooK sa pesos! Mahaba-habang pag-iipon ito!
Hala, i got carried away. Reality check, nandito pa din ako ngayon sa kwarto namin sa Dubai. Mag-isa dahil lahat nasa kani-kanilang trabaho. Kasalukuyang nasa harap ng laptop, nagsusulat at ini-enjoy ang nalalabing oras ng aking leave. :-)

No comments:

Post a Comment