Monday, May 10, 2010

Halalan - 10 May 2010

11:39 pm
Deira Dubai, UAE

Kanina pa kami nakatutok sa TFC. As of this writing ay nanguguna pa rin sa bilangan para sa pagka-presidente si Noynoy Aquino, kasunod niya si Joseph Estrada. 60% na ang nabibilang ng Comelec at malamang bukas ay malalaman na natin kung sino ang ating bagong Presidente. Bagong Presidente. Bagong Pilipinas.

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman ko na tahimik at payapa namang naidaos ang Eleksyon sa pangkalahatan. Thank you, Lord. Sa ofis kanina, kabi-kabila ang mga nagpapadala ng updates sa work email namin kaya aware na aware kami sa mga nangyayari sa Eleksyon. Tumawag din ako kanina sa amin para makibalita ng personal (fiesta din sa aming barangay today), tapos na daw ang bilangan sa amin sabi ni madir. Si Noynoy ang panalo sa aming barangay dagdag pa ng aking nanay. :-)

Nakakatuwa kasi kahit malayo ako sa Pinas, ay nakikita ko pa rin ang concern ng bawat Pilipino. Nandoon pa rin ang pagnanais na makibahagi sa kasaysayan. Lahat kami dito sa bahay ay gising pa hanggang ngayon at inaantabayanan ang mga pangyayari sa atin. Napagtanto ko na malaki ang pag-asa ng ating bansa para makaahon. Nakikita ko na ang mga Pilipino ay mas mulat na ngayon. Tayo ay may pakialam na at nakikialam para sa ating Inang Bayan.

2 comments:

  1. Sana nga hindi dito nagtatapos ang pakekealam ng bawat Filipino...Nagsisimula pa lang tayo!

    ReplyDelete
  2. Tama ka, nagsisimula pa lang tayo. Naniniwala ako na mulat na tayong mga Filipino ngayon. May pakialam na at patuloy na makikialam sa ating bayan.

    ReplyDelete