As promised with Jo, sasamahan ko siyang mag-diet and jogging simula 01 May 2010. It turned out, ako pala ang dapat mag-diet talaga. I couldn't believe I would reached 61kgs! hahaha. (pero nde nakakatawa kung tutuusin) Last time i checked (which is two weeks ago), i only weighed less than 6okgs.
So what had happened in-between? Pinuntahan ko lang naman lahat ng mga imbitasyon na may kainan- picnic, birthday party, kagalaan etc. Eto pa dahil sa feeling ko, medyo matagal-tagal akong makakain ng RICE pag nagsimula na ang May 1, tinodo ko talaga ang kain ko. hehe. Nagkataon pa na nag-invite si ate PC sa kanilang haws para doon kami kumain ng mga kasama namin sa bus after working hours. Si NS ang aming chef. Ang pamilya pala nina NS ay mga caterers, kaya naman ang sasarap ng luto niya. Ang kanyang mga specialties ay mga iba't-ibang luto ng pasta. For three straight nights (Apr 27-29, 2010), doon kami nag-dinner. Whooah eto pa, beside sa mga specialties ni NS, may separate pa akong pagkain (fried rice/tuna/chicken bbq) na galing sa Spinney's. Request ko ito kasi alam kong matatagalan pag iluluto pa ang pagkain. Takot akong magutom. hehe....(grabeh, ngayon pa lng excited na akong matapos ang one month diet, as in 'lalamon' talaga ako. hehe)
At eto na nga ang nangyari, naging 61kgs ako! hehe. This is a challenge to me. Tamang-tama kasi natauhan ako na talagang mataba na pala ako. In denial ako kasi dati.
Eto ang mga plano namin ni Jo for one whole month (kasi by June, uuwi na siya at wala na ako kasama dito..huhuhu) para ma-reach ang aming goal & so far wala pa kaming na miss:
1) jogging/walking for atleast 45mins a day (as in required ito)
2) reduce meals, refrain from eating chocolates, sweets & 'chichiria' (for me, iwas rice muna-dito kasi talaga ako malakas at masarap ang kain. :-)
3) to monitor our progress (gusto ni jo weekly, ako naman mas prefer ko ang monthly para kita talaga kung effective)
PHOTOS TAKEN TODAY @ 10PM
this is our jogging/walking place (malapit sa haws namin)
No comments:
Post a Comment