Natapos na nga ang aking 'vacacion grande'. Nandito na ulit ako sa Dubai. At kanina ay pumasok na ako sa opis, balik trabaho na ulit.
Medyo tinatamad pa akong bumangon kanina nang maalala kong baka hindi ako daanan ng service namin dahil hindi ko nasabi sa driver kong kelan ang balik ko. Kaya naman kahit mabigat ang katawan ko at aantok-antok pa (dahil puro tulog ako mula ng dumating ako), pinilit kong magising na para tawagan ang aming driver. Aba, mahirap nang maiwanan ng service. Sobrang mahal pag nag-taxi, 100 dirhams (equivalent to PHP1,250)! Besides, less than 100 dirhams lang ang laman ng aking wallet. Nakalimutan kong mag-withdraw.
Nasa vacation mode pa ako kanina. Malayo ang iniisip, nasa Pinas. Pagpasok ko sa opis, eksakto si GM nasa area namin biglang sabing 'Welcome back! How's your vacation?' Hindi pa ako nakakasagot ng maayos sa kanya nang 'I need you ASAP, after you managed your emails pls go to my office.' Ngeh, ang ganda naman ng bungad sa akin. Biglang natauhan na ako. Nasa Dubai na nga ako. Work.work.work na ulit.
As expected, tambak ang table ko ng mga dokumento. Meron din akong 612 unread emails sa aking Inbox (in fairness mas kaunti ito kaysa sa 1000 na expected ko). Hindi ko naman naasikaso ang mga ito dahil mas urgent ang kailangan ni GM. Haaaayyy, wag naman sana ako ma-stress. Kakabakasyon ko lang. Sabi nga ng ilang mga ofismeyts, refresh na refresh pa ang hitsura ko. Baka naman bukas lang, ngarag na ulit ang mukha ko. :-)
After ofis, dumaan ako sa St. Mary's Church. Absent kasi ako nung weekend. (Sori po, tinamad po ako. i was bad.) Guilty ako. Alam kong hindi ako matatahimik hanggat di ako nakakabisita. Tsaka, gusto kong magpasalamat din ng personal sa KANYA dahil may trabaho pa akong binalikan.
Bago uwian kanina, pumunta pa sa room ko si GM at sinabing meron daw siyang in-email sa akin pero bukas na lang daw namin gawin ito. Natatawa ako sa amo ko. Halata talaga na na-miss niya ako. Parang inipon niya lahat ng kailangan niya at inantay ako para hingin ang mga ito sa akin. Oopps, hindi ako nagrereklamo. Karangalan ko ang paglingkuran siya. Aba, b oss ko kaya siya at parte ng trabaho ko yun. :-)
Yan ang maganda pag nagbakasyon ka eh, pagbalik mo parang napakahalaga mo sa kumpanya at ang daming naghihintay sayo :D
ReplyDelete@ LordCM,
ReplyDeletesinabi mo! feel ko nga talaga na inantay nila ako...biro ko nga sa boss ko 'thank you for the warm welcome' hehe.. :-)
sarap. refresh na refresh ang dating.I can relate sa mga eksena. the 1000 + emails and san tambak a papel na kilangan i files at e sort out.
ReplyDelete@ Diamond R,
ReplyDeletenatutuwa ako at may nakaka-relate sa mga pinagsasabi ko dito..hehe...
thanks ulit at naligaw ka. :-)