Tuesday, October 5, 2010

Nagbabagang Blog Awardee :-)

Yippee! I got an award! Nagbabagang Blog Award na galing kay LordCM. Maraming-maraming salamat LordCM sa iyong pagtitiwala sa aking blog. Salamat sa walang-sawa mong pag-iwan ng komento dito. At higit sa lahat, salamat dito sa award na ipinagkaloob mo sa akin. Salamat. Thank you. Shukran. Merci. Gracias. :-)



Hanggang ngayon nasa alapaap pa din ako at nagmumuni-muni sa 1st blog award na natanggap ko. Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako sa mahigpit na criteria ni LordCM para sa karangalang ito. Kaya naman, puro nagbabagang pasasalamat ang aking nararamdaman ngayon.

Buti naman at hindi required na ipasa ang award na ito sa aking mga sinusubaybayang blog. To quote LordCM "ipasa sa iba kung kinakailangan". Problemang malaki ito pag nagkataon. Paano ko ito ipapaalam sa kanila (referring sa mga sinusubaybayan kong blog pero non-existent ako)? hahaha...Pinaninindigan ko pa rin kasi hanggang ngayon na mahiyain akong tao. hehe.

Natatawa ako sa 'kaartehan' ko. Actually, 2 blogs na lang sa mga sinusubaybayan ko ang hindi ko pa nai-introduce ang blog/sarili ko. Sobrang nagbabaga ang kanilang blog. Hindi nakayanan ng powers ko ang magpakilala sa kanila. (Pero nararamdaman ko, malapit na itong mangyari. unting lakas ng loob na lang. hehe) Ooopps, hindi ibig sabihin na hindi nagbabaga ang mga nasa blog roll ko. In fact, sila ang unang-una kong binibisita pag online ako! :-)

4 comments:

  1. Hahaha, wala naman akong criteria eh, basta madalas ako sa isang blog at naeengganyo akong basahin ang kanilang article, ok na ako dun, may award na yun :D

    Salamat din sa walang sawang pagdalaw sa aking pahina, at sana madagdagan na blogroll mo, ang konti eh lolzz

    ReplyDelete
  2. Hahaha...aba criteria na nga yun! at nakalusot ako! ang saya saya! :-)

    yup.yup. naging way of life ko na ang pagbisita sa blog mo! feel at home pa ako...very homey kasi at napaka-friendly ng atmosphere dun. sarap tumambay. :-)

    oo nga sana madagdagan blogroll ko! pero malaking pasasalamat ko talaga at dumating ka sa buhay blog ko. napakalaki ng impact mo. gracias mi amigo! (meaning thank you my friend! nalaman ko lang kanina yan, may spanish class kami nung katabi ko sa service):-)

    ReplyDelete
  3. Wow! Congrats!... ako nga, nagtampo ng konti kay LordCM (hanggang dito pa naman?!?) kasi wala ako sa listahan. Ibig sabihin, di siya bumibisita sa blog ko.. waaahh!! (LOL.. joke lang po. Peace!)..

    Bisita ka sa bahay para makilala kita. Have a nice day.. and Congratulations! =)

    ReplyDelete
  4. @ Leah,
    salamat sa pagbisita mo sa aking blog! wag ka nang magtampo kay LordCM, abangan mo na lang yung next batch..hehe...

    cge, dalaw ako sa bahay mo ngaun. salamat ulit! :-)

    ReplyDelete