Saturday, October 16, 2010

Mga Munting Aberya :-)

Satisfied na satisfied ako sa aking naging bakasyon last September (Sept 3-30). Ok na ok ang feeling ko pagbalik dito sa Dubai. Hindi ko maramdaman ang homesick dahil nagawa ko lahat ang mga planong aktibidades ko. :-)


Ngunit/datapuwat/subalit/kahit gaano man kaplantsado ang aking mga plano, meron pa ring mga munting aberya na nakalusot, mga importanteng detalye na nakalimutan ko.

1) tiket sa Universal Studios Singapore (USS)
5 days before my flight tsaka ko naalala na wala pa pala akong tiket sa USS. Sa sobrang dami kong pinagkakaabalahan nung mga panahon na ito, nakalimutan ko ang importanteng detalye na ito. Sinadya kong mag stopover sa Singapore mainly because of USS nga and yet ito pa ang nakalimutan kong bilhan ng tiket.
Nag try akong bumili ng tiket on-line. Sa kasamaang-palad, sold-out na daw ang tiket para sa selected date ko na Sept 4 Sat. Waaaaaahhhhh!!!! What must I do??? Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Sobrang excited pa naman ako talaga. Naisip ko, ano kaya kung ipa-change ko ang flight itinerary ko, sa pagbalik ko na lang sa Dubai tsaka ako dadaan sa USS? Siguro naman meron pang available na ticket nun. Pero mas mamahal ang gagastusin tapos baka magkarun pa ng problema sa flight ko. So, erase erase ang ideya na ito.
Mahabang pag-iisip ang dumaan. I tried to convince myself na OK lang na hindi ako makagala sa USS. Anyway, ang dami pa namang pweding pasyalan sa Singapore. Sa mga ganitong sitwasyon, alam kong hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lang. Kailangan masabi ko muna sarili ko na ginawa ko na ang lahat, bago ako mag give-up.
At ang last resort ko ay ang paggawa ng email addressed to USS sa aking sitwasyon. Nagkwento lang naman ako kung gaano ako ka-excited bumisita sa kanila, biglang singit sympre na baka pwedi pa akong i-accomodate dahil sa sold out na ang tiket sa website nila. hehe..
Sabi ko sa sarili ko, whether positive, negative or no response ang matanggap ko, tuloy pa din ako sa Singapore. Gusto ko naman talagang makapunta dun dati pa, kahit pa nung wala pa ang USS.
Pero i had the biggest surprise of my life nang mag-response ang USS na meron pa daw silang tiket na maibibigay para sa akin! Yipppeeee! tuloy ang ligaya ko! Thank you USS! hehe...

2) labor contract for POEA requirement
matapos ang lahat ng scheduled kagalaan ko, pumunta ako sa POEA office sa aming province para kumuha ng OEC (Overseas Employment Certificate). Requirement ito sa pagbalik ko sa Dubai. Pagdating ko sa tanggapan, kinuha ang passport ko at hiningan ako ng labor contract dahil new visa ako. Nanlamig ako kasi wala akong dalang copy ng labor contract ko sa Pinas. Tinanong ko si manong kung pwedi bang bayaran ko na lng yung departure tax at terminal fee sa airport? Hindi daw ako makakaalis ng Pinas pag wala akong OEC, hindi ako mabibigyan ng clearance sa airport. Haaayyy, problema ito.
Nainis ako sa sarili ko. Sobrang excited kasi sa mga kagalaan?!! hehe..Kaya hayan tuloy nawala sa isip ko ito. Ang aking labor contract copy ay hindi ko alam kung saan ko nilagay eksakto kung sa bahay ba o sa opisina. Either way, walang makakatulong sa akin dahil mga nakasusi ang drawers ko.
Ang aking pag-asa na lang ay ang HR dept namin na ang opisina ay malayo sa office namin. Hindi ko tanda ang pangalan ng mga ito kaya nag-search pa ako sa internet. Mahirap na baka hindi makarating ang aking email.
Buti na lang very accomodating at mabait ang aming HR, agad-agad nilang ni-send ang aking labor contract! 5 days before ng aking flight pabalik sa Dubai, nakuha ko ang aking OEC! Thank you, thank you HR!

Moral lesson:
Huwag masyado excited? Magdrama at gumawa ng sulat pag nagkaproblema? Matulog ng maaga? Lack of sleep can cause loss of memory. hehe...

2 comments:

  1. napakatiming naman ng pag kaligaw ko dito. sakto sa kilangan ko ang mga naebida mo dito.

    gusto ko ring dumaan ng singapore or any other asian country pauwi ng pinas.

    let me know naman if you reply this.
    i followed you and added you in my link.

    ReplyDelete
  2. @ Diamond R,
    salamat at naligaw ka dito..hehe....

    ok na ok ang Singapore...getting around is so easy! kakabilib ang mrt nila...sa sobrang enjoy ko nga dun, nagpa-plano ulit ako ng stopover sa bakasyon ko next yr--next stop ko is malaysia or thailand!

    dumalaw ako sa blog mo ngaun. ocular inspection. hehe...nagandahan ako!

    cge mag-iiwan ako ng message sa blog mo. salamat sa pag-add sa akin! add din kita dito sa blogroll ko ah...(pag-aaralan ko kung paano sa weekend)

    ReplyDelete