Wednesday, October 6, 2010

No Ordinary 'Call'

06 October 2010, Wednesday


6:15am - "it's time to wake up, the time is 6:15am!", my phone alarms
6:30am - get up from my bed after ng ilang minutong pagtawad ko ng tulog (gawain ko ito. :-))
7:00am - just finished taking shower when i heard my phone's ringing. it's a call coming from my mom.


Kinabahan ako. Wala naman kasing okasyon. Wala din akong inaasahang tawag mula sa nanay ko. Hindi ito pangkaraniwan. Lumabas ako ng kwarto at nag-decide na sagutin ito (kahit kinakabahan ako)

ako: Hello 'ma, anong nangyari?

nanay: wala naman, nangungumusta lang sa'yo. hindi ka na tumawag o nag-text kasi after nung dumating ka dyan.


ako: (now smiling) tumawag ako nung pagkadating na pagkadating ko sa Dubai Airport. akala ko yun na yun. puro tulog pa ako nung Friday & Saturday.


nanay: nagtataka kasi ako bakit hindi ka naka-text man lang. dumaan ang ilang araw, wala pa din.


ako: (nagpapaliwanag) akala ko talaga 'ma, okay na yung tawag ko from airport sa'yo. tapos natulog pa si tupeng dito para kunin yung pasalubong nina tita (walang kaugnayan yung pinsan ko pero naisip kong idahilan pa rin...hahaha)

nanay: nag-alala ako kung ano na nangyari sa'yo. kaya naisip ko na tawagan ka ngayon.

ako: (guilty) 'ma, okay naman ako dito. wag kayong mag-alala. papasok ako nito sa ofis. kakaligo ko lang din...etc...etc.......pasencia na nakalimutan kong tumawag, akala ko kasi yung tawag ko sa airport, yun na yun....

Ang tagal naming nag-usap ng nanay ko. Paulit-ulit kami. hehe. Akala ko kasi talaga okay na naipaalam ko sa kanya na nakadating na ako sa airport. Natuwa din naman ako kasi, na-miss kaagad ako ng nanay ko! Eh wala pa kaming one week na magkahiwalay. Sabi ko sa kanya, chat na lng kami sa Friday at papasok na ako sa work. :-)

Samantala sa ofis kanina, hindi mawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ng nanay ko. Iniisip ko baka naman may ibang gustong sabihin ang nanay ko sa akin? Ako naman ngayon ang hindi mapakali. Kaya naman kaninang uwian, ako naman ang tumawag sa kanya. Kinulit ko siya kung bakit siya tumawag kaninang umaga. Naulit lang yung mga pag-uusap namin kaninang umaga. Nagtataka daw kasi siya bakit hindi na ako tumawag after nung dumating ako. Ako naman si akala ko okay na talaga yung tawag ko sa airport..haha....pero pagbali-baligtarin ko man, ako talaga ang guilty person. For sure, hindi ko ito makakalimutan at hinding-hindi ko na ito uulitin. :-)

2 comments:

  1. Paalala lang yan sayo na may mga tao pang nagpapahalaga sayo, nag aalala sayo, nagmamahal na kapag di ka nila naramdaman ng ilang araw o minsan oras lang eh alalang alala na...

    kaya wag mong kalimutang magtxt, kasi may nag aalala :D

    ReplyDelete
  2. alam ko din yung feeling ng nag-aalala, hindi ko talaga sinasadya ang nangyari lalu pa sa nanay ko. kaya nga pagkalapag na pagkalapag ng eroplano sa Dubai, tinawagan ko na cia...hahaha...(nagpapaliwanag pa rin ang guilty!)

    ReplyDelete