Nangyari ang panaginip kong ito may ilang buwan na ang nakakaraan pero hindi ko ito malilimutan. Bakit???Nasa wedding daw ako at ako ang kinakasal!!!hahaha...in my dreams talaga! At ang nakakabigla kung kanino ako kinakasal? Panaginip lang ito kaya wag seryosohin. :-)
THE SCENE
Ang daming tao sa simbahan. Nandoon halos lahat ng mga kamag-anak ko. Nakita ko ang ilang tito na naka-barong at tita na naka-gown. Hula ko mga ninong at ninang sila ng ikakasal. Masaya ang atmosphere. Pati ako excited ang nararamdaman at parang kinakabahan. Inaabangan ko kung sino ang ikakasal, clueless ako. (Alam ko kasing lahat ng pinsan ko na nasa 'marrying age' bracket ay nag-asawa na.)
Tumugtog na ang wedding march. Sa tabi ko nandoon ang kuya ko at sa kabila naman ang nanay ko. Biglang napatingin ako sa suot ko. Nakaputi ako na gown! OMG! ako ang kinakasal! Bakit???Naguluhan ako at gustong malaman kung ano ang nangyari sa akin? Bakit di ko man lang maalala na may boyfriend ako tapos ngayon kasal na namin?
Habang naglalakad kami papunta sa altar, puro ngiti at kaway ang ibinibigay sa akin ng mga taong nadadaanan namin. Na-surprised ako nang makita ang mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita sa Pinas. Ang nakakatuwa pa, pati mga kaibigan kong taga-Dubai ay present din!
Nasa kalagitnaan ng aisle nang maaninag ko na ang aking groom pero walang mukha kung sino. Sobrang kaba ko talaga. Parang hindi na ako makalakad. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko naman magawa. Totoo ba ito? Bakit wala akong maalala?
Nang malapit na kami sa sa lugar ng groom, napansin ko sina nanay at kuya ko na nangigilid ang mga luha. Naluha na din ako. Niyakap nila ako pareho at pagkatapos ibinigay ang aking kamay sa aking groom. Napatitig ako sa groom at sobrang tuwa ko nang malaman ko kung sino ito!?!!Nagtataka pa rin ako sa mga pangyayari at the same time sobrang overwhelmed and grateful ang nararamdaman. Ibinigay kasi sa akin ang taong gustung-gusto ko as a person. Yun nga lang it doesn't make sense, first time pa lang naming mag-meet nitong taong ito!
Nakangiti sa akin si groom, hinawakan ang aking kamay at bumulong ng "finally, we've met!" Dun na ako nagising! hahaha......The End.
Natatawa talaga ako sa panaginip kong ito. Kakaiba. parang "I Knew I Loved You Before I Met You" ang istorya. Naalala ko tuloy yung dialogue ni John Loyd sa pelikulang My Amnesia Girl. Tanong niya kay Toni "naniniwala ka ba sa love at first sight?" nung negative ang response ni Toni..humirit siya ng "eh sa second sight?" at sinagot ang sariling tanong ng "pwedi!". :-)
Hanggang dito na muna ito, malalim na ang gabi. Matutulog na ako. Mananaginip kaya ako ngayon? Ikwento ko dito sakaling may karugtong ito. hehe...Gudnyt! :-)
may aliw factor ang post mo ngayun. pinag chagaan ko talaga basahin kahit tagalog bwahahaha. kasama ba ako sa mga taga dubai na bisita? hahaha
ReplyDeletenaku baka pag nanaginip k na ulit ng kasunod eh may paamilya na kayo may anak tapos binubogbog ka na,,, bwahahaha
ibang klaseng panaginip ito. as in ikakasal ka an di mo pa alam kong sino.surprise.nag
ReplyDelete@ duboy
ReplyDeletehahaha...ako nga natatawa pa rin pag naaalala ko ito..oisst, di kita pinipilit na basahin ang aking tagalog blog! (di ako matatapos pag nag-english pa ako. hahaha)
madaming mga taga-dubai na nagpunta, pero di ko nakita kung sinu-sino. for sure, inimbitahan kita. di ko lng alam kung um-attend ka. eh, isa kang indyanero sa lakaran!
hahaha...sobra! di naman ako papayag na bugbugin ako noh...umayos ka! :-)
@ Diamond R,
ReplyDeletekakaiba talaga...gusto ko ngang maulit ito, pero sana yung aware na ako sa pangyayari...hehehe..tutal panaginip lng naman!
thanks sa pagdaan dito! lagi akong pumapasyal sa blog mo, pero tahimik lng...next tym, wag kng mabibigla pag nag-ingay ako dun. :-)