Sunday, July 25, 2010

My Last Friendster Message :-)

Convinced na ako na lumipat na lahat ng mga katauhan from Friendster to Facebook. Tanging ako na lang yata ang very loyal sa Friendster. Sa katunayan, hanggang ngayon wala pa akong Facebook. Kahit anong pilit ng aking mga kaibigan, di pa rin ako matinag. Binataan na nga ako na gagawan na nila ako ng Facebook account at sila din ang mag-update nito. :-) Pero ewan ko ba, Friendster for life pa rin ang drama ko. Hanggang kailan kaya? hehe....

Actually madalang na lang din akong mag-open ng Friendster account ko, pag meron lang akong natanggap na message notification sa yahoo mail ko. (masyadong busy sa blogger account.hehe) Pero ngayong gabi, naalala kong buksan ito kahit walang message notification. Na-miss ko lang ito bigla. :-( Medyo nasa drama mode kasi ako ngayong gabi. Wala din akong maisip na i-blog ngayon. Samantalang looking forward ako lagi pag Sunday. Kasi to me, it means first day of blogging week ko. Nakaugalian ko nang wag mag-blog tuwing day off ko (Fri & Sat). Free day ko ang mga ito. :-)

Para lang may maisulat dito ngayon, naisip kong i-post ang last message na natanggap ko sa Friendster account ko as of this date. At ito ay galing kay sa aking kaibigang si CF.

Napangiti ako at medyo nawala ang drama mode ko nung mabasa ko ulit ang message ng aking kaibigan. Si CF ay nakilala ko sa pinaka-unang company na pinasukan ko dito sa Dubai. Buntis siya noon at ako dapat ang reliever niya pag nag-maternity leave siya. Kaso hindi ako nagtagal doon. 25 days lang ako sa company na iyon pero super naging mag-kaibigan kami (in heart) nitong si CF. :-) Masayang namumuhay na sa ibang bansa ngayon sina CF at ang kanyang pamilya. Last year ay iniwan na nila ang Dubai for good.

Eto ang last paragraph ng message ni CF (3 paragraphs). Na-touched ako sa sinulat niya. Ganito rin kasi ang nararamdaman ko sa kanya. Parehong-pareho. MTB kami talaga as in meant-to-be. :-)

"you're one of my truest friend there in dubai kahit we dont spend that much time with each other but in my heart you're always there...i dont know, ikaw kasi yung tao na walang kaplastikan sa buhay at parang napakatotoo mo..kahit we just met for a very short period of time, it seems that i knew you for 15 years na, hehe...i hope our friendship will continue and hope to meet you here in the near future..miss you tin..mwaaah"
-last Friendster message received on 15 April 2010

No comments:

Post a Comment