Wednesday, July 21, 2010

Reto-Reto :-)

Madaming beses ko nang ni-blog dito ang madaming beses din na pangungulit ng aking nanay na 'huwag daw akong magpakatandang dalaga. huwag daw akong mapili (as if merong pagpipilian).' hehe...

Actually, hindi lang ang nanay ko ang 'takot na mag-isa ako pagtanda'. Lahat yata ng mga kamag-anak ko! Isama ko na pati mga kaibigan ko. Natatawa na lang ako. Kung minsan napapaisip ako, kailangan ko na bang matakot? :-)

Wala namang masama sa pagrereto. Madami din naman akong kilalang nagkatuluyan dahil dito. Sa katunayan, ang aking kaibigang si Jo na ikakasal na sa September ay bunga ng pagrereto ng aming kaibigan (RD ) sa kanyang kaopisina.

Pero siyempre, hindi naman lahat nagiging ok. If it's not meant to be, it's not meant to be. Di ko pa alam kung saan ako mapupunta. :-)

Merong nirereto sa akin ang aking Tita MG sa Pinas. Super gusto niya ito talaga para sa akin. Sabihan ba naman akong, wag nang magpakipot! hehe...Ayoko namang mapahiya ang aking Tita kaya naging friendly naman ako sa nirereto sa akin na itatago ko na lang sa initial na JQ. For awhile, naging textmates kami. Pag nag-text siya, reply naman ako. Pero dahil sa malayo at di namin kilala ang isa't isa, ang hirap maka-connect.

May natanggap akong message mula sa aking Tita noong nakaraang linggo. Komusta na daw kami ni JQ??? Naisip ko naikwento siguro ni JQ na hindi na ako nag-reply sa last message niya. Feeling ko kasi pinagpa-planuhan na ako sa Pinas. Sa di sinasadyang pagkakataon daw, ay na-meet na ng aking nanay si JQ. Ayokong ma-pressure sa bakasyon ko sa September. Bahala na kung magkita man kami ni JQ o hindi. Fully booked na ang aking schedule. Pero tingin ko, hindi papayag si Tita MG na di kami magkita ni JQ. Matagal na niyang inaantay ang pag-uwi ko!

Ang konsolasyon ko na lang ay wala pang nirereto sa akin ang aking nanay. Lagi niya lang sinasabi na sana daw ang makatagpo ko sa buhay ay isang taong mabait na kagaya ko. :-)


photo taken @ Bonchon, a Korean restaurant (located in Karama, Dubai)
ang cute ng concept nila pweding mag-post ng message ang mga guest!

2 comments:

  1. Hehehe :D di mo kelangan matakot kung sadyang ayaw mo pa talagang lumagay sa tahimik, kung saan ka masaya at kumportable duon ka muna...kita mo tong kasamahan ko dito na babaeng accountant, after 45 years na paghinga nya dito sa mundong ibabaw ngayon lang magpapakasal :D tutuo yan...

    ReplyDelete
  2. Hahaha! i believe you kasi meron kaming kaibigan dito 46 yrs old naman, accountant din, kaka-engage lng at sobrang inlab na inlab! :-)

    natuwa talaga ako nung ibalita ito sa akin, ibig sabihin may pag-asa pa ako! haha...

    ReplyDelete