Wednesday, July 28, 2010

Stress Buster

Sobrang stress ako kanina. Naramdaman ko ang pagsakit ng batok ko. Mukhang kailangan ko na namang bumalik sa physiotherapy. Naalala ko meron pa akong natitirang ilang session for body massage sa kanila.


Pero bakit nga ba ako stress kanina? Muli kong babalikan ngayon...hehe.
1) meron akong close friend dito na may pinagdaraanan na mabigat na problema ngayon. very strong naman siya sa pagharap nito. sabi ko sa kanya, it will pass too. pero hindi ko maiwasang mag-worry pa rin para sa kanya. ako lang din ang nakakaalam sa pinagdaraanan niya ngayon, wala akong ibang taong mapagsabihan. i pray na sana maging maayos ang lahat lahat sa kanya.
2) dagdag stress din ang work ko kanina, month-end closing.
3) at ang humabol na naka-stress pa sa akin (yata) ay nang tawagan ako ng isang kaibigan at magkwento na napuyat daw siya kagabi dahil sa kakabasa ng blog ko (na ayaw na ayaw kong ipabasa sa mga kakilala ko). at biglang tanong sa akin na sino daw si XXXXX? sabay sabing napaka-sikreto ko daw talaga. This is one of the reasons kaya ayaw kong malaman nila itong blog ko. Ni-blog ko na dati wala naman akong magagawa, open to public ang blog ko.
Naalala ko tuloy nang minsang mag heart-to-heart talk kami ng isang kaibigan. She had opened her whole heart to me which I really appreciate. I believe marunong naman akong magpahalaga sa tiwala na binibigay sa akin. Kaya naman nakaramdam ako ng lungkot (konting-konti lang naman) when few days after ng aming masinsinang pag-uusap na iyon ay pinaalalahan ako na 'off-the-record' daw ang aming napag-usapan. Baka daw kasi mai-blog ko ito at mabasa ng iba. :-( . Naiintindahan ko naman ang aking kaibigan.

Mabigat tuloy ang pakiramdam ko kaninang uwian. Stressed na stressed. Needed help! hehe...Kaya tinawagan ko ang aking nanay. Nangumusta lang at nakibalita sa pagkuha niya ng passport. Kahapon kasi ang appointment niya. Good news! makukuha na daw niya ang passport niya sa August 20! Yipppeeee!!!!!!Na-excite ako kasi ibig sabihin matutuloy ang aming Hongkong trip sa bakasyon ko sa September! Gustung-gusto ko kasi makapasyal ang aking nanay sa ibang bansa. :-) And I think, now is the right time para magawa ko ito. Habang single pa ako at wala pang sariling pamilya. Pagkasabi ng aking ina sa good news, biglang tumaas na ang energy level ko. Nawala ang lahat ng stress na nararamdaman ko. hehe. Sabi ko sa nanay ko, ipadala sa akin agad ang scan copy ng passport niya pagka-received para makapagpa-book na ako ng flight namin dito pa lang. EXCITED na talaga ako! :-)

No comments:

Post a Comment