Kasulukuyan akong nagmumuni-muni sa pagiging home alone noong weekend nang ma-received ko ang text na ito mula sa aking pinsan - "teh, uwi ako dyan mamayang gabi." Napangiti ako kasi matagal na din kaming hindi nagkikita. Last January pa kami huling nagkita. Miss ko na din ang aking kwelang pinsan.
Nakakatanda ako sa kanya kaya naman ako bale ang tumatayong guardian niya dito. Dati, as in kinakabahan ako lagi pag tumatawag ito sa akin baka kasi may problema na naman. Exactly a year ago, muntik nang umuwi sa Pinas ang aking pinsan dahil sa mga problemang kanyang kinasangkutan (napag-tripan siya ng mga loko-lokong kabataan na ibang lahi sa Abu Dhabi kasabay nito ang naging problema pa niya sa trabaho).
To the rescue naman ako, kahit malalim na ang gabi ay pinilit kong makarating sa Abu Dhabi na humigit-kumulang tatlong oras ang byahe mula sa Dubai kung saan ako nakatira. Napakabait ng isa akong kaibigan (DG) dahil sinamahan niya ako para puntahan at tulungan ang aking pinsan.
Dahil sa pinsan ko naranasan ko kung paano ang maging 'abogado'..hehe..On different occasions, nakipag-usap ako sa kanyang manager, nakausap ko din ang mga police investigators pati ang isang CID (NBI ang counterpart nito sa atin). Grabeh, as in ganun pala ako katapang pag kinakailangan. Huwag ko na daw gagawin ulit ito paalala ng aking ina minsang naikwento ko ito sa kanya, nasa ibang bansa daw ako at babae pa (lalaki/gay ang pinsan ko). Iba daw ang batas dito kaysa sa Pinas.
Fast Forward to Present
Gabi na nang dumating ang aking pinsan. Super energetic ito at nag-ayang lumabas dahil hindi raw siya lumalabas sa Abu Dhabi. Natawa ako sa kanya kasi sa Starbucks ang gusto niyang puntahan. Sabi ko, hindi pa ba siya nagsasawa? Sa Starbucks kasi siya nagta-trabaho. He started a Barista more than a year ago, then he was promoted to a Store Supervisor. Hindi pa nagtatapos doon dahil siya ay currently under training na for Assistant Manager. I'm so proud of him. I'm so thankful dahil naging maayos ang lahat-lahat sa kanya. Sabi ko nga sa kanya dati, lumilipas at natatapos lahat ng mga pinoproblema natin. :-)
Kinabukasan ng Sabado ay nagpunta kami sa Dubai Mall kasama si AB (kaibigan ni Jo). First time makasakay sa Dubai Metro ang pinsan ko kaya excited..hehe...Ang dami naming pictorials!!! To be posted here soon kapag na-email na niya sa akin, camera phone niya kasi ginamit namin. :-)
@ Starbucks Al Ghurair

No comments:
Post a Comment