Friday, July 2, 2010

Home Alone...

Dahil sa kagustuhan kong huwag mag-alala ang aking mga kaibigan sa aking pag-iisa, i had convinced them na kayang-kaya ko ito. Umalis na nang Dubai si Jo at iniwan na ako (huhuhu) noong Sabado para sa preparasyon ng kanilang kasal (i posted Jo's shower party in June, unfortunately nawala ko ito habang ini-edit ko kanina...kasalukuyan kong pinapa-relax ang sarili ko kasi naiinis ako..ang tagal ko kasing ginawa yun tapos nabura ko ito...waaahhhh..)


Kasama ang pamilya ni ID (si baby MJ & RD), hinatid namin si Jo sa airport. Wala namang iyakang nangyari. Niloloko nga ako ni RD (kaibigan at asawa ni ID), di bale daw magbabakasyon lang naman daw si Jo. Ito kasi ang dialogue ko nung pauwi na kami galing sa airport. In denial daw ako sabi ni RD! hahaha.


This is it na talaga. Mag-isa na ako talaga. Wala na akong buddy-buddy dito sa bahay. Nakakalungkot sympre pero ganun talaga ang buhay. Anyway, mabilis naman ang araw dito. Before I know it, September na! Magkikita-kita ulit kami! :-)

Excited din naman ako sa mga mangyayari sa buhay ko dito. First time kong mag-isa sa buong buhay ko! Feeling independent ako ngayon.

Nag-iisip ako ng mga to-do-things para naman ma-enjoy ko ang stage na ito ng buhay ko (wag naman sana forever ito..hehe)
1) family day namin ni Jo ang weekend (Fri & Sat) kaya mas ok sa akin kung weekdays ang mga gala ko sa ibang mga kaibigan. since, wala na si Jo eto ako ngayon nagba-blog. hehe...
2) ang dami kong nakapilang series na papanoorin (House, 24, Heroes, Las Vegas etc...)
3) dapat nasa labas/mall ako ngayon naggagal-gala pero i opted to stay home, ang hirap i-break ng nakasanayan na. plano ko kasi Friday nasa labas ako then Sat naman ang housekeeping ko para maaliw. I'm checking myself now, okay naman ako kahit mag-isa sa bahay.
4) siguro naman, matutupad ko na ang panonood ng sine na mag-isa ngayon.
5) kausap ko si Jo few days ago, sa Aug daw kami magpapasukat ng gown para sa kasal niya. naku, naku kelangan ko nang mag-diet tlaga. wala na si jo, wala na din akong walking buddy. huhu...
6) meron akong sleepover schedule two weeks from now kina ID (gagawa kami ng slide shows para sa AVP ni joana). Yippeee, maglalaro kami for sure ni baby MJohn. :-)

Paalala ng aking mga kaibigan na lumabas daw ako ng bahay pag wala na si Jo. Alam kasi nila ang ugali ko dati na idinadaan ko sa tulog ang mga lungkot na nararamdaman ko. Eksakto naman pag tinatawagan ako ni ID nitong nakaraang araw, laging nasa labas ako nang bahay. hehe...

This is the first weekend na hindi ko na talaga kasama si Jo. Masasanay din ako. Hindi na ako umaasaang makakahanap pa ako ng kagaya ni Jo, she's one of a kind. She really deserves na maging masaya sa piling ni GD, ang kanyang mapapangasawa.


Trivia:
Kwentuhan kami sa bahay noong Sabado. Hindi lang ako ang makaka-miss kay jo, pati sympre mga roommates namin. Napunta ang aming usapan sa kasal ni Jo sa sept, hindi daw sila makakauwi. Sayang nga kasi mga parlolista pa naman ang dalawang kasama namin dito (sina Tita Fan & Tita Welch), sila sana ang mag-aayos kay Jo.
Inintriga ako ni ate T, isa pang kasama namin. Halata daw ako dati na ayaw na ayaw ko si GD para kay Jo. hehe..Sabi ko dati yun, tanggap ko na si GD ngayon. Obvious daw kasi ako. Nakita daw niya ako kung paano mag-walk out pag nasa bahay si GD. Very silent daw kaya pansin na pansin..hehe..
Natatawa daw siya sa amin ni Jo. Meron siyang binanggit na noon ko lang din nalaman. One time daw ay lumabas ako at naiwan yung mobile ko. Meron daw tawag ng tawag sa mobile ko. Ang daming miscalls daw kaya tiningnan ni Jo kung sino at ang reaksyon daw ni Jo "aba, existing pa pala itong tao na ito!??!" :-)

No comments:

Post a Comment