Ito ang ilan sa mga obserbasyon kung bakit nawawalan ng gana ang isang manggagawa:
1) bored na cia. paulit-ulit na lng ang ginagawa.
2) merong ipinangako sa kanya na hindi naman naibigay.
3) hate na hate niya ang kanyang superior, isinusumpa niya ito.
4) nabalitaan niya na nagtatanggalan na naman sa kumpanya kung saan siya nagwo-work. at ang sigaw ng mga natanggal 'nasaan ang hustisya?'
5) meron siyang kinaiinisan na officemate o office boy (hahaha..nakakalimutan lagi siyang bigyan ng coffee pag umaga)
6) nag-resign ang kanyang crush (hahaha..wala na daw siyang inspirasyon)
7) meron siyang personal problem at hindi niya ito kayang i-separate sa work
Vitamins ang panlaban sa kawalan ng gana sa pagkain. Eh ano naman kaya sa kawalan ng gana sa trabaho? Madami din namang panlaban dito. Depende sa sitwasyon at dahilan kung bakit bigla mo na lamang naramdaman ito.
Sa mahigit na walong taon kong pagiging manggagawa, madaming beses na din akong nawalan ng gana sa trabaho. Iba-iba ang dahilan. Merong ang mga rason ay mabigat, merong wala lang basta naramdaman na lang.
Hinahayaan ko lang na maramdaman ko ito. Normal lang ito sabi ko. Pero pag persistent at consistent na ito, yung tipong gusto ko na lang ay laging weekend para walang pasok. Ito ay isang senyales na i need to do something. Kailangan ko nang kumilos at personal na makipagbuno sa kawalan ng gana.
Ito ang ilan sa mga ginagawa ko para labanan ito:
1) iniisip ko na hindi pa ako ready na mawalan ng work, mahirap ang buhay sa Pinas. Paano na ang mga pangarap ko para sa aking pamilya? (super effective ito sa akin! hehe..)
2) iniisip ko na maswerte pa rin ako kasi meron akong work. isabay ko pa ang pagbabalik-tanaw ko noong visit visa pa lang ako dito at naghahanap pa lang ng trabaho.
3) last resort ko ay ang maghanap ng ibang work. baka naman kasi kaya wala akong gana kasi ang gusto ko pala ay mahahanap ko sa ibang kumpanya.
Sa ngayon, medyo malayo ako sa pagiging walang-gana sa work. Malapit na kasi ang bakasyon ko. hehe...Excited na ako! At kung sa pagbalik ko sa bakasyon ay mag-decide akong mag-apply apply na, ito ay hindi dahil wala na akong gana. Gusto ko lang i-open ang sarili ko sa ibang oportunidad habang bata pa ako. :-)
in the canteen today, during lunchbreak :-)
ganyan ako ngayon :( di ko alam kung bakit
ReplyDeletedon't worry, normal lng yan. hindi ka nag-iisa! wag ka nang malungkot. :-)
ReplyDelete