I love walking. I also love jogging. Ang tingin ko sa mga aktibidades na ito ay mga oportunidad tungo sa isang healthy life. Pag nasa abroad ka 'BAWAL MAGKASAKIT' talaga. Kaya naman mahalagang alagaan ang kalusugan.
Napagtanto ko na napaka-unhealthy ng lifestyle ko ngayon. Wala akong exercise or walking man lang from/to office dahil malapit lang sa bahay namin ang pick-up point ng bus service. Then pag-uwian, more often than not diretso kami sa fastfood restaurant (usually McDo) o kaya naman 'lamon' ako sa bahay. :-)
This is the right time para ibahin ko ang nakasanayang gawain na ito. Wala na kasi ang dalawa kong kaibigang lagi kong kasa-kasama tuwing gabi (si jo ay busy sa paghahanda sa nalalapit niyang kasal sa Pinas; si ate PC naman ay isang buwang bakasyon sa Pinas). At tsaka kailangan ko na talagang magpapayat para naman hindi ako lumba-lumba pag-uwi sa Pinas. hehe. Malapit na din kaming magpatahi ng gown para sa kasal ni Jo, kaya i need to do something now before it's too late! :-)
Kahapon (19 Jul 2010), sinimulan ko ulit ang naputol na pagjo-jogging namin ni Jo. Kahit mag-isa ay walang nakapigil sa akin para gawin ito. hehe. First time kong mag-jogging mag-isa kaya naninibago ako at medyo nagmuni-muni pa ng kaunti. Pero mukhang ma-aachieve ko naman ang goal ko na pumayat kasi determinado talaga ako. Medyo may naramdaman lang na lungkot kasi wala na akong kasama ngayon. waaaahhh! Bigla kong na-miss si Jo kaya naisip ko ang titulo na 'wanted: jogging mate' :-)
Second day ko ngayon. So far, okay naman. Madami naman kasing tao sa park kung saan ako nagjo-jogging. Malapit lang ito sa aming tirahan. In my assessment, safe naman ako kahit mag-isa. Besides, ang tagal ko nang nakatira dito kaya feeling teritoryo ko na ito. :-)
Nakausap ko si Jo kanina lang. Stopover niya sa Dubai pero hindi na siya makalabas ng airport dahil wala na siyang visa dito. Sabay sila ng kanyang mapapangasawa pauwi ng Pinas kaya si GD na lang ang ni-meet ko para ibigay ang ilang mga importanteng bagay na iniwan sa akin dito (kasama dito ang wedding ring na ni-blog ko pa dito..hehe). Hanggang telepono na lang kami ni Jo. Naikwento ko sa kanya na nakapag-jogging na akong mag-isa. Natawa ako sa kanya nung sinabi niyang ginawa rin daw niya ito noong mga panahon na gabi na ako nakakauwi at kasama si XXXXX. Hahaha...Di ko alam yun ah, ang sabi ko sa kanya. Palagay ko inunahan lang ako ni Jo. Naramdaman siguro niya na pa-drama na ako sa aking pag-iisa. hehe.
No comments:
Post a Comment