Tuesday, July 6, 2010

Some (Violent and Non-Violent) Reactions

Masyado akong natuwa sa aking pinaghirapang tula na ipinost ko dito noong katapusan ng Mayo na may titulong Deadline. Kaya naman proud ko itong ipinabasa sa ilan sa aking mga kaibigan noong sumunod na araw. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na na hindi din ito i-share sa kanila.


Ito ang aking intro sa email ko sa kanila na may subject na 'just for fun' at 'pampaalis antok':
"first time kong mag-post ng tula. pang-grade one, pero i'm so proud of it! enjoy! :-)"



Gusto ko lang talagang share sa kanila ang aking tula, wala akong ini-expect na comments/reactions from them. Na-surprise ako kasi super react sila! :-)


Eto ang mga iba't ibang reaksyon na aking natanggap mula sa kanila (unedited):


1st group - (jo & ID)
jo: Tin!! Parang nde na tayo nagkikita a…
ID: Writer k n talaga tin…ibang level n to.

2nd group - officemates
JM: Congrats tin…Makata…Ang galing ha! ;)
RS: Awww…..ramdam ko tin! yiheeeeeeeeeeeeeee
CM: Tin cno cya?
SB: Drama effect!

3rd group- busmates
PC: wow, makata! :-)
VT: Ate Kristine, iyong dinggin
Ang aming munting hiling.
Pagsusumamoy’ iyong tigilan
Bago ikay mapagkamalan.

Bait bay nasisiraan,
O pag-ibig lang na di masuklian?
Kay malas pala yaong binata,
Na sa iyoy nagpakawala.

Kay dami naming nagmamahal,
Sa iyo, lalo na ang Maykapal.
At Si Juan ay darating din,
Kaya tumigil ka na ate Kristine!


At ang aking reaksyon sa kanilang mga comments- TUWANG-TUWA sympre lalung-lalo na kay VT na nadiskubre kong may itinatagong talento pala. Biruin ninyong nagawa niya ang kanyang tula in 2 mins only!

eto ang reply ko kay VT:
Wow! ako’y napahanga
Sa iyong tulang nagawa
Agad ding napaniwala
Na ika’y tunay na makata :-)

6 comments:

  1. Aba'y ano pang ginagawa,
    ng tulad mong makata?
    Ika'y maghanda
    at sa akin ay sumama

    Hehehe :D pasyal ka dito
    http://kablogs.proboards.com/index.cgi?board=discuss&action=display&thread=19&page=1

    ReplyDelete
  2. Di pa rin makapaniwala
    Pag tinatawag na makata
    Nakakaramdam ng konting hiya
    Lalu pa kung galing ito sa bihasa :-)

    nakapasyal na ako..grabeh! ang galing galing ninyo as in! binasa ko lahat ng tula/post doon (5 pages)..wala akong masabi...super napahanga ako sa mga tula nina baguioboy, az3l at omniel aka LordCM..hehe...keep up the good work! ang galing!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  3. hahaha, karamihan dun impromptu, as in magrereply ka ng patula, ang hirap! :D

    ReplyDelete
  4. grabeh nga! as in ang galing ninyo! mga talentadong tao talaga. :-)

    lampas sampung minuto na ang dumaan
    ngunit 'di pa rin magawan ng paraan
    wag naman sana akong ugatan
    impromptung reply nais lamang iwan :-)

    ReplyDelete
  5. Hahaha

    Sampung minuto man o ilang araw ang lumipas
    Ilang bagyo o lindol man ang dinanas
    Ang mahalaga'y isinama mo ang puso
    sa paggawa ng tula na impromptu

    :D

    ReplyDelete
  6. hahaha...ang galing! :-)

    Ako'y lubos na sumasang-ayon
    Sa iyong sinabi puso'y napatalon
    Gagawin itong inspirasyon
    Kahit lumipas pa ang mahabang panahon :-)

    ReplyDelete