Friday, May 27, 2011

Repatriation

Going 6 years na ako bilang isang OFW this coming November 2011. Ang bilis ng panahon, to think ang original plan ko is 2 years lang. Then na-extend ng na-extend hanggang sa dumating ang point na hindi ko na nai-imagine na mag-work ulit sa pinas. nalungkot ako kasi ibig sabihin matatagalan pa bago ako makapag-settle ulit sa aking Bayang Sinilangan kasama ng aking pamilya.

Nung mawalan ako ng mag-work (06Mar2011), seryosong naisip ko na umuwi na sa pinas for good. Ok lang talaga sa akin. Sabi ko sa sarili ko, tama na siguro ang more than 5 years na pagta-trabaho ko sa ibayong-dagat. Pampagaan ng loob. Sinabi ko ito kay jo na gusto ko ng umuwi for good. Naiyak ako for the first time after kong mawalan ng work sa sinabi niya sa akin "tin, ok lng sa akin kung alam kong yan talaga ang plano mo. kaso narinig ko lng naman yan sa'yo dahil wala kng work ngaun. di ka pa nga naghihirap, sumusuko ka na." Di ko mapigilang maluha kasi totoo naman ang sinabi ng aking kaibigan. Ako pa naman si 'planner', gusto ko natutupad ang mga plano ko.

Kaya naman nung nakahanap ulit ako ng work (06Apr2011), feeling ko masaya ang lahat lalu na ako. Yey! Maitutuloy ko pa rin ang mga plano ko dito sa Dubai. I have an ample time para tapusin ko ang mga ito. Gusto ko bago ako umuwi for good, magawa ko muna ang mga ito.
1) matapos ang pangarap na bahay ng aking nanay (almost finish na ito) :-)
2) mapuntahan lahat ng 'pasyalan' dito sa UAE---ferrari theme park, burj khalifa, dubai marina..(di ko na muna isasama ang bansang Egypt kasi medyo may kaguluhan pa doon ngayon)
3) concrete plan para sa aking repatriation---ano ang aking gagawin pag-uwi? work ulit sa private co? magtayo ng business? mag-masteral? maging college professor? DI KO PA ALAM.

Yung number 1 & 2, magagawa ko within this year. Pero yung number 3, kelangan ko pa ng panahon. I'm giving myself one year para iplano ito. By that time, alam ko na siguro ang aking gagawin. READY na ako ulit mamuhay sa aking bansa. Di na ako maghahanap pa ng iba dahil ang lahat ng kailangan ko ay nasa pinas na. :-)





6 comments:

  1. wow! parang parang pang PEBA entry! lol.
    handa ka na ba? ako 2 years palang pero wala ni isa akong planong natupad, hmmm malas ba ko? gusto ko lang nman makabili ng bahay sa forbes, tapos, farm sa bulacan tapos isang jollibee franchise, mahirap ba yun?

    sana tumagal ka pa nga sa dubai, it wont be the same without you.tatahimik ang dubai pa wala ka..hahaha peace!

    ReplyDelete
  2. @ duboy,
    hahaha...wish ko lng! :-)

    tingin ko naman, kaya kelangan ko ng masinsinang pagpa-plano. be patient, matutupad din ang mga plano mo balang-araw...ano ka ba?!!!very blessed ka nga eh.

    umayos ka! if i know, ikaw ang unang-unang magsasaya pag umalis ako...wala ka ng kaagaw sa palakasan ng boses..hahaha...

    ReplyDelete
  3. @ iya,
    EB natin, aba kasama din yan sa plan...so kelan? ikaw ang mag-set at mas marami kng kakilala dito. pwede ako sa June 10 Friday. Kung ok sa'yo, IT'S A DATE! :-)

    ReplyDelete
  4. halos di pala tayo nagkakalayo ng iniisip, mag 8 years na rin ako dito, 2 years nga lang plano ko nuon, pero habang lumalake ang mga bata nwawala ung pag-asa kong makauwi kaagad dahil sa paglake ng gastos :(

    kung uuwi ka, mas ok na magnegosyo na lang, baka kasi manibago ka sa sweldo sa Pinas...yan din balak ko, magnegosyo pero sa ngayon di pa kaya

    ReplyDelete
  5. @ LordCM,
    unting tiis pa, pasasaan ba't magkakasama din kayo ng iyong pamilya.

    isa sa mga option ko ang magnegosyo...tsaka gusto ko na ding lumagay sa tahimik. :-)

    ReplyDelete