Sunday, May 22, 2011

Ang 'Tawag' Ni Nanay

Kaninang umaga, habang sakay ako ng dubai bus papasok sa ofis, nag-ring ang aking phone. Napaisip ako, sino kaya ang tumatawag sa akin? Binuksan ko ang aking bag at tiningnan ito. Kinabahan ako nang makita ko na mobile number ito ng aking nanay. Huminga ako ng malalim, taimtim na nanalangin na sana wala namang masamang nangyari sa amin at sinagot ang tawag.

ako: hello 'ma, bakit? anong nangyari? (sobrang pag-aalala kaya yan ang nasabi ko)
nanay: wala naman, kinukumusta lang kita at ibabalita ko lang sa'yo na nandito na si mac (bunso namin na naging seaman kailan lng)
ako: huh...buti nakauwi siya agad?
nanay: nagbunutan daw sila sa barko at siya ang napili.
ako: kumusta naman si mac?
nanay: ok naman, ayun tuwang-tuwa at kalaro niya si kobe (anak ng aking bunsong kapatid)
ako: nakasakay ako ngaun ng bus, papasok pa lang sa ofis. 'ma, chat tayo sa friday nina mac.
nanay: cge, ingat ka dyan....ok naman kami dito.
ako: ingat din 'ma.


After ng pag-uusap ng aking ina. Naisip ko ang aking bunsong kapatid. Naisip ko din ang kanyang anak na si kobe (2-year old child). May nakakaiyak na eksena si kobe nang umalis ang kanyang tatay at sumakay ng barko. Kinwento ito ng aking nanay sa akin at talaga namang naawa at naiyak ako sa aking pamangkin.

Masayahing bata si kobe. Hindi ito ilag sa tao kaya madaling alagaan. Sabi nila, pag lola daw ang nag-aalaga sa bata, magiging spoiled ito. Pero hindi si kobe, or hindi ang nanay ko ang tipong magi-spoiled? hehe....Tuwid na tuwid na itong magsalita. Nakakausap ko na yan sa chat. :-)

Gabi na noon. Patulog na daw si kobe. Nanghingi na ng kanyang gatas nang maalala ang kanyang papa.

kobe: "lola, baba tayo. punta tayo kay papa" (alam niya kasing sa kwarto sa baba natutulog ang kanyang papa samantalang sila ng kanyang lola ay sa kubo).
lola: wala dun sa baba si papa mo. di ba sumakay siya ng barko.
kobe: lola, barko...tubig?
lola: oo, maraming tubig...tulog na tayo, gabi na. (sabay yakap sa kanyang apo)

4 comments:

  1. ganyan din pakiramdam ko kapag tumutunog roaming ko, kahit text lang, bumubulong na sana walang masamang nangyari...ang hirap talaga kapag malayo ka sa minamahal enoh....

    ReplyDelete
  2. @ LordCM,
    sinabi mo...buhay-OFW. mahirap pero kinakaya natin para sa ating pamilya sa pinas. :-)

    ReplyDelete
  3. isang tanong na wlang kinalaman sa post:

    related ba sa procurement ang trabaho mo sa dubai?

    ReplyDelete
  4. @ ka bute,
    before ko sagutin ang question mo, thanks at naligaw ka dito. :-)

    my answer: isa po akong accountant dito sa dubai.
    na-curious ako, bakit mo kaya naitanong kung related sa procurement work ko?

    salamat ulit sa pagdalaw.

    ReplyDelete