Tuesday, May 31, 2011

In The Name of Love

Nagkita-kita kami minsan ng mga kaibigan/kaopisina sa dati kong kumpanya. Meron kasing inihandang surprise baby shower party para sa isa naming kaibigan (JM). Magaling ang mga organizers dahil nasorpresa talaga ang aming kaibigan. Kasabwat ba naman ang kanyang husband. hehe.

On our way home, kwentuhan kami ni RS sa nangyaring party. Nag-enjoy kami at nakilala pati ang ibang mga kaibigan nina JM. Si RS ang isa sa mga organizers kaya kilala niya lahat.

Natatawa ako sa sinusulat ko. Hindi yata related ang intro ko sa gusto kong ikwento. Wala akong maisip na particular topic pero gusto ko talagang mag-blog ngayon, bago matapos ang buwan ng Mayo. :-)

Sabi ni RS "tin, na-meet mo ba si J sa party ? siya yung college fren ni MM (husband of JM). siya yung kinukwento ni JM na inis na inis sa kanya nung maging boyfren niya si MM. very vocal kasi si J na gusto niya si MM. si MM naman kaibigan lang talaga ang turing nito. sa paglipas ng panahon, tingnan mo intact pa rin ang friendship nila.

Palibhasa medyo lobat na kami kaya kung anu-ano na ang pinag-uusapan at pinagsasabi namin. hehe.

Eto ang sagot ko:
"bilib ako sa mga kagaya ni J. ang tapang kaya niya. it takes a lot of courage para sabihin ng isang babae na gusto niya ang isang tao"


Makabago na ang panahon pero uso pa din ang pagiging conservative? bakit kasi nde pwedeng sabihin sa kanya na gusto mo siya? will it kill you kung malaman niya ito? is it a matter of life and death? meron bang masasaktan? kung wala naman, bakit nde pa rin pwede?!?! ayaw mo lang ganun.















No comments:

Post a Comment