After office, dumiretso ako sa Al Ghurair Mall (walking distance mula sa aking tinitirhan) para magbayad ng aming internet. Dala ng sobrang kabusyhan ay nakalimutan ko ito. Naalala ko lng kagabi dahil akala ko naputulan na kami ng connection. Nai-switch off lng pala. :-)
Eksakto pauwi na si jo galing kina ivy kaya dun na lang kami nag-meet at sabay pauwi na. Habang inaantay si jo ay window shopping muna ako ng unti. Nagpunta ako sa mga damit na pambata. Gusto ko kasing bigyan ng kahit ano lang si BC (yung 6 months old na baby ng aking boss. sobrang gaan ng pakiramdam ko sa batang ito). Napili ko ang isang cute na ternong damit na pang-summer (sana magustuhan ni bc). Remembrance ko lang para kahit papaano maalala niya ako kasi siya lagi kong naaalala. Anti-social daw ako sabi ng mga bago kong ofismeyts dahil mahilig akong 'mag-pass' sa kanilang mga gala. Pero nung minsan, go na go ako. Walang pilitan na nangyari. Di nila alam dahil ito kay BC. Nalaman ko kasing darating din ito. Di pa ako nanay nito pero ramdam ko ang kasiyahan ng isang nanay. Sana talaga maging isang nanay ako someday. Sisikapin kong maging isang mabuting ina sa abot ng aking makakaya.
Sabay-sabay kaming mag-lunch ng aking mga kaopisina. Palibhasa ako ang pinakabago kaya ako ang paboritong asarin dati. Minsan, pinagtulungan nila akong lahat. Mahilig kasi kaming mag-debate habang kumakain. Aba'y lahat ng aking sinabi ay kinontra nila lahat. Sabay sabing 'pikon' daw ako??!!!! Sabi ko sa kanila, HINDI AKO PIKON! hehe..:-)
One time, iba naman ang trip nila. Napag-usapan ang tungkol sa mga manghuhula. Sabi ko di ako naniniwala sa hula at never pa akong nagpahula. Chance ko na daw na magpahula kasi may kasama kaming manghuhula. Totoo daw ang mga hula nito. Just for fun, tinanong ko kung ilan ang magiging anak ko. Ang sagot ba naman WALA! Super react ako. Sabi ko gusto kong magkaanak. Plano ko ding mag-ampon kung saka-sakali. Di totoo ang kanyang hula. Sabi niya, WALA kasi mag-asawa ka muna. Muntik ko ng sakalin ang manghuhulang ito!
Nung magsara ang Magrudy's Bookstore sa Deira City Centre, nalungkot ako. Di ko na mabilang ang librong binasa ko dun (ng libre). Yun din ang tambayan ko nung bago bago ako dito sa Dubai. Kung kaya kong magkulong sa bahay ng buong weekend, ganun ko din kakayang magbabad sa isang bookstore. Kung pwede nga, walang uwian. hehe...Kaya kanina, laking tuwa ko ng malaman ko na nag-open na ang bookstore sa Al Ghurair! Na-excite ako! Nakikinita ko na ang aking sarili sa isang bagong tambayan!
Jashanmal Books.com @ Al Ghurair City
NOW OPEN! Yippeee!!!!!!!! :-)
No comments:
Post a Comment