Sunday, June 5, 2011

Kwentong Sine

Nanood kami ni jo ng sine kagabi. Pinanood namin ang Kung Fu Panda Part2. Di kami nabigo sa aming expectation. Kagaya ng Part1, maganda at nakakaaliw ito. Madaming eksena na tawa kami ng tawa. Nakadagdag pa na sa 3D ito palabas (by the way, first time kong makapanood sa 3D. although na-experience ko na manood sa 4D sa USS at Disneyland Hongkong)

Birthday ni jo kahapon kaya naisipan kong ayain siyang manood ng sine. Movie addict kasi ito. Kayang-kaya niyang manood ng sine na mag-isa (na never ko pang nagagawa pero gusto kong i-try din one day). Nagkaroon din ng celebration sa bahay nung Friday. Present sympre ang buong cast.

Pagbabalik-Tanaw
2007 sa Dubai. First time kong mag-sick leave! Burn out na ako sa work noon. I needed a break. Si jo di ako iniwan. Nag-leave din siya nung araw na yun para samahan ako. Alam nyo ba kung ano ang unang ginawa namin? Nanood kami ng sine! Grabeh kaming dalawa lang ang nasa loob ng sinehan! hahaha...1st showing ba naman for the day ang aming pinanood, what can we expect lahat nasa kani-kanilang work. :-)

Continuation.....

11 June 2011
Saturday
Dubai

Drama mode muna ako. Nalulungkot ako dahil tumungo na si jo sa Canada noong Wednesday. Last na sine na namin sa Dubai ang Kung Fu Panda. Kelan kaya ulit kami magkikita? Kelan kaya kami makanood ng sine? Kelan kaya ulit ang sleepover?

Request ni jo sa amin nung ihatid namin siya sa airport, ayaw na daw niya ng drama. Pinagbigyan naman namin ang hiling nito, pinilit naming maging masaya. Meron pa nga kaming picture-picture. hehe. (*****pero sympre di pa rin namin napigilan ang maluha nung magpaalaman na kami****)

Huling Paalam

Nag-metro lang kami pauwi ng aming bahay from airport. Going to Rashidiya sina ivy samantalang ako sa deira naman. Pagka-uwi ng bahay. Tumawag si jo, nasa boarding area na daw siya at inaantay na lang mag-bukas ang gate. Our parting words:

tin: ingat ka dun. sana makahanap ka agad ng work. padalhan kita ng sulat pagpunta ni glen (husband of jo) sa dec dyan. hehe...chat chat na lang....wag mo kaming alalahanin dito....basta ingat ka dun at tsaka alam mo na yun.
jo: ingat din kayo dito. mabilis lang naman ang panahon. magkikita pa rin naman tayo. oo nga, alam na natin yun.

Di ko na pahahabain ang drama ko. Nalulungkot ako pero as i've mentioned in my earlier post, wala naman akong dapat ikalungkot dahil magandang oportunidad naman ang pupuntahan ng aking kaibigan.

Our text messages after...

tin: Hello joana! Wala lang miss na kita agad. Ingat dyan. Email email na lang. :-)

jo: halu! dto nko london. pila na naman, hehe. Miss ko na rin kyo jan.
tin: wow! enjoy london airport! hehe.

jo: Tin! Kamusta na? eto na nga pala bagong no ko. nde pa talaga ako nakakainternet kakabili ko pa lang sim kahapon. Miss ko na kayo kyo dyan.
tin: Hello joana! Miss u na! dito pko ofis. 7:17pm pa lng dito. Nag-offline msg ako sau yesterday. Ingat dyan.
jo: Tin gumagana pa roaming ko pwede ka dun txt. Isa kang adik! hehe.
tin: Hahaha! wow mali ako. Pag naka-konek ka na internet pwede ka email dito ofis 24/7. hehe.


Lagot na ako nito kay jo. Super invasion of privacy na ito. hahaha. Wala akong maitatago kay jo, tanging itong blog ko lang ang sinadya kong itago sa mga kaibigan ko (anonymous blogger daw ako). :-)



our movie tickets together with the 3D glasses

3 comments:

  1. hahaha, kahit pala magpatintero kayo sa loob ng sinehan, pwede! lolzz

    ReplyDelete
  2. @ LordCM,
    hahaha..pwede nga kami magpatintero! di rin namin makakalimutan ang kabanatang ito, bukod sa kaming 2 lang ang nasa sinehan, natakot kami sa mga movie trailers!

    ReplyDelete
  3. @ LordCM,
    pinanood namin cartoon movie pero ewan ko ba ang daming horror movies sa preview..muntik na kaming mag-back out sa takot..hehe...pero overall naging masayang experience naman ito. :-)

    ReplyDelete