Friday, February 11, 2011

My Personal 'Saga' Continues...

February 11, 2011
Friday 2:45pm
Dubai, UAE


"This is killing me. Di ko na ito kaya. Ayoko na ng ganito."
"Buti sana kung ako lang ang apektado, ok lang ito. Ang kaso may mga taong umaasa sa akin."
"Paano na ang mga pangarap ko? huhuhu..."
-mga sample na kadramahan ko :-)


Oppppss, don't get me wrong. Wala pa ako sa ganitong stage. hehe. Nakakatawa pa nga ako at nakikisalamuha. Malapit na din akong bumilib sa sarili ko nito. hehe... For being so exceptionally strong sa pagharap ng problema. (thank you Lord, alam kong hindi mo ako pababayaan. love mo ako eh. love u too!)


Job Hunting Update
Although wala pa ding malinaw sa aking paghahanap ng work, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. I can feel it- something good will happen to me. Ganito ako ka-positive ngayon. :-)

continous pa rin ang on-line application ko. kasama na ito sa routine ko pag gabi. so far, 2 agencies na ang pumansin sa aking cv. wala pang feedback kung merong vacancy or ok ako sa client nila. but i'm okay with this. namimili din naman kasi ako ngayon ng malilipatan. di pa ako masyadong desperado dahil pumapasok pa ako sa current company ko.


On Losing Job
Nalungkot ako sympre. Nag-worry. Sino ba naman ang hindi? Kaya nga ako nandito sa Dubai para magtrabaho at kahit papaano makatulong sa pamilya namin.

Determinado ako na wag munang umuwi for good sa Pinas. i'm all set & ready na mag-exit sa isla ng kish, iran kung sakali mang ma-cancel ang visa ko. matatakutin ako pero wala akong takot na nararamdaman ngayon. :-)


On Being Strong
"'ma, ewan ko ayoko talaga ng problema. ayoko ng kumplikasyon sa buhay. simpleng buhay lng ang gusto ko", nabanggit ko many years ago sa aking nanay.

"ganun ba, eh kasama na ng buhay ng tao ang problema. pinapalakas tayo nito." sabi naman ni nanay.


My mom would be proud of me pag nalaman niyang nag-iba na ang aking outlook pagdating sa pagharap sa problema. Matapang na ako ngayon. Walang kinatatakutan. hehe. Natatawa ako. Na-imagine ko ang sarili ko na parang isang gladiator. hahaha...












No comments:

Post a Comment